Seven

813 17 7
                                    

Play the video/media while reading this. Kinda helps setting the mood. :)

Enjoy reading! ^u^

* * *

"The worst feeling in the world is knowing you've done everything you can to show someone you love them, and yet they still choose someone else over you."

- Bernajoy Vaal

* * *

Dear Diary,

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Hindi ko alam kung paano ko simulan. Hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak ko simula pa kanina. Wala na akong pakialam kung anong oras na, gusto ko nalang na mag fast forward yung oras hanggang sa hindi ko na maramdaman yung sakit.

Bakit ganun, diary?

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko, unti unti nanag nag wo-work yung mga plano ko. Akala ko onti nalang at magiging kami na. Umasa ako diary, eh. Umasa ako.

Hindi pala dapat. Kasi sa lahat ng pinag sasabi nya, sa text man o sa personal, hindi pala yun totoo. He didn't mean it. Wala lang ako para sa kanya.

Habang masaya na sila Nikki at Mike ngayon, andito ako sa kwarto ko. Umiiyak, nag mamaktol, iniisip ko kung bakit hindi nya ako magustuhan. Ano bang kulang sakin, diary? Pagod na pagod na yung mga mata ko sa kaiiyak,diary. Tulungan mo naman ako, oh?

Ayoko na, diary. Hindi ko na yata kaya.

Nag umpisa kasi yun lahat sa katangahan ko.

Nanonood kami ng liga nun, sobra pa nga yung pag cheer namin. Kulang na lang gumawa kami ng banner. Alam mo bang namaos ako dahil sa kakasigaw ko habang nag lalaro sila Paolo? Everytime na nakaka shoot sya, yung boses ko yung nangingibabaw. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang isipin ng tao. Kase, yung makita nyang nag e-effort ako sa pag ch-cheer sa kanya, okay na yun eh.

Isang ngiti lang nya, bayad na yun eh.

Si Nikki naman, imbis na maasar sa'kin tuwing nakaka shoot si Paolo, lalo pa syang natutuwa. Hindi daw kasi sya makapag hintay na sabihin ko kay Paolo kung anong nararamdaman ko. Feeling din daw kasi nya na may gusto din sakin si Paolo. The way he looks at me daw, the way na laging tumatabi sakin si Paolo kapag mag kakasama kami, the way na laging gustong sumama sakin ni Paolo, laging gustong kausap.

Pero nabigla ako dun sa isang sinabi nya.

Naalala mo ba nung gabing hinatid namin si Macky sa bahay nila? After nung "Macky Incident"? Pinuntahan daw ni Paolo si Nikki sa bahay, tapos nag lakad lakad sila. Nung una nag selos ako, kasi bakit kailangan na kay Nikki pa sya mag share diba?

Sinabi naman sakin ni Nikki na makinig daw muna ako, kasi hindi pa sya tapos. Tinanong daw ni Paolo yung lahat ng tungkol sa'kin. Lahat lahat daw. Simula sa kung ano yung paborito kong ulam hanggang sa kung anong size ng paa ko. Na weird-an nga daw si Nikki nung una eh. Pero sinagot pa din daw nya lahat. Napaka seryoso daw ni Paolo habang tina-type nya sa phone nya yung mga sinasabi ni Nikki. Bigla nalang daw nagulat si Nikki nung tanungin ni Paolo kung may gusto pa din daw ako kay Macky.

Tinitigan daw siya ni Paolo ng napaka seryoso nun, tapos nung moment din daw na yun, parang nag kagusto sya kay Paolo kasi ang pogi pogi daw. Binatukan ko nga eh. -.-

Sinabi daw nya na may ibang gusto na ako. Pero parang hindi daw naniwala si Paolo.

"Hindi naman nya pag seselosin yung gagong yun kung wala na syang feelings para dun."

Yan daw yung sinabi ni Paolo.

Sabi sa kin ni Nikki, parang nag seselos daw si Paolo.

Sobrang saya ko nun, diary. Kasi, akala ko gusto nya din ako eh. Akala ko curious sya sakin kasi gusto nya ako. Gusto nyang malaman bawat detail na about sakin kasi gusto nya ako.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon