Twenty Two

982 12 0
                                        

"If a man stops giving you the same attention, it's because another woman already has his."

- Mario Tomasello

* * *

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nakahiga lang si Paolo sa kama nya, almost sitting habang nakasandal yung ulo at mga balikat nya sa head board. Okay lang sana kung sya lang yung nandun sa kama eh.

Pero hindi.

May nakapatong na babae sa kanya, habang nagtitinginan silang dalawa ng maigi sa mga mata.

Hindi ko kaya, hindi ma-process ng utak ko ang mga nangyayari. Ayoko, hindi totoo toh. Panaginip lang ito. Panaginip lang. Imahinasyon.

Paolo looked at me as I opened the door. Hindi sya agad nakagalaw nung una nya akong nakita. Surprise and horror in his face, habang yung babae naman eh parang naasar pa.

I covered my mouth as I feel like screaming at them. Kusang tumulo yung mga luha ko ng hindi ko namamalayan. I didn't feel angry, I felt hurt. Nag flash back sakin lahat ng mga nangyari samin. Eto ba yung dahilan kung bakit hindi sya gaanong nakakauwi doon sa amin? Eto ba ang dahilan kung bakit hindi sya pumunta sa birthday ko? Eto ba ang dahilan kung bakit nya nakalimutan yung birthday ko? Eto bang babaeng toh ang dahilan?

"Oh my god. Istorbo naman oh!" Pagdadabog na sabi nung babae while she jumps out of the bed. Naka shorts lang sya at sando, na parang nasa bahay lang. Hindi kaya dito na rin sya nakatira? Pano kung Paolo asked her to move in here? Araw araw silang mag kakasama? Gabi gabi?

"Sino ka ba ha?" She took her sweater from the couch beside the bed. Asar na asar yung mukha nya sa akin. Ang kapal ng mukha nya na sya pa ang magalit. Ang kapal ng putanginang mukha nya. "Ikaw ba yung anak nung janitress?"

Gusto ko syang sampalin. Hindi, gusto ko syang suntukin. Gusto ko syang sipain hanggang sa hindi na sya makahinga. Mali ako, hindi ako nasaktan lang. I'm angry too. And not just with this bitch, pati na din kay Paolo. Sa putang inang Paolo na toh.

Ayoko na. Gusto ko nang umalis. Ayoko nang makita pa toh. Ayoko. Bumabalik ang lahat. That moment nung makita kong may ibang umaangkin kay Paolo. That moment nung makita kong... Hindi na. Ayoko na. Hindi ko na kaya.

I turned around nung makita kong tumayo na si Paolo sa kama, habang nag mamadali na isuot yung damit nya. Ayoko syang makita. Ayoko syang mahawakan. Ayoko. I feel disgusted. I feel so fucking disgusted.

"Jessica," tawag ni Paolo. "Please let me explain."

I didn't turn back around. Alam kong malapit na sya sa akin, and I can feel the heat from his body. Ayoko. Ayoko syang makita. Ayokong...

"Jessica?" Nakisawsaw yung babae. "Eto ba yung girlfriend mong boring?"

Boring? Ako, boring? Sinabi ba ni Paolo sa kanya yun? Sinabi ni Paolo sa mga tao na boring ako? Binibigay ko naman ang lahat sa kanya ah. Pinapasaya ko naman sya ah. Tapos boring ako? Minahal ko sya ny lubos lubusan tapos boring ako? Boring?

"Gio, tama na." Awat ni Paolo sa babae.

"Gio?" I asked.

Eto yung Gio? Ang babae na toh yung Gio? Yung tinuruan ni Paolo ng homework dati at mas pinili nya kesa sakin? Eto yun? Babae si Gio? Kung nagawa na nyang piliin si Gio dati kesa sa akin, kaya na rin nya gawin ngayon. Kaya pala lagi syang busy sa mga homework nya. Kaya pala lagi nyang mas pinapaboran yung mga kaibigan nya. Because he already replaced me. I'm nothing but a boring girlfriend.

"I'm Giovanna," pakilala nung babae. "Gio for short. Hindi pa ba ako nakwe-kwento ni Pao sayo?"

Pao... Ang kapal ng mukha nyang bigyan ng nickname ang boyfriend ko. Ako lang, at wala ng iba.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon