"Let's play truth or dare. Truth, tell me how you feel. Dare, you prove it."
- Unknown
* * *
Jessica's POV
Maaga akong nagising.
Napatingin ako sa salamin ko bago ako bumaba sa hagdan. Mugtong mugto pa din yung mga mata ko. Yung buhok ko, gulo gulo pa. Yung ilong ko sobrang pula, and I just look horrible over all. Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin...
Siguro kapag maroon yung buhok ko magugustuhan nya din ako...
Siguro kung nag pa bob cut din ako ng gupit magugustuhan nya din ako...
Siguro kung medyo mas maliit ako...
Siguro kung...
Siguro kung...
Siguro...
Naiiyak nanaman ako. Bakit ba sa tuwing naalala ko yung nangyari kagabi, naiiyak ako? Akala ko ba malinaw na lahat sayo, Jessica? Akala ko ba tanggap mo na?
Bakit umiiyak ka pa din?
Di ba kaya ka nga pupunta sa sleepover mamaya kase wala lang sayo yung nangyari? Wala lang sayo na may nililigawan syang iba. Wala lang sayo yun, Jessica, di ba? Wala lang.
Pinunasan ko yung luha ko at bumaba na ako ng hagdan. Pag ka baba ko, naamoy ko agad yung bacon na niluluto ni mommy. Pinuntahan ko sya sa kusina and I hugged her from behind. Humarap sya sakin.
"Are you alright, anak? Para kang namatayan ng kamag-anak."
I didn't respond. Kinuha ko yung spatula from her hands and I flipped the bacon strips. Pinapanood lang ako ni mommy. But I know she's worried. Wala kasi akong kapatid kaya nasa akin lahat ng atensyon ni mommy.
Wala akong kaagaw sa atensyon.
Lahat sa'kin...
Walang umaagaw.
Ako lang.
Akin si Paolo...
Walang Lea.
Jessica lang.
Bigla ko nalang naramdaman yung thumb ni mommy on my cheek. She wiped my tear and sighed at me. Hindi ko man lang naramdaman na naiiyak na pala ako. Nilapag ko yung spatula doon sa plato then I looked at her.
"Mommy, pwede ba akong mag sleepover dun kila Paolo? Nag ask kas-"
"Ano? Matutulog ka kila Paolo?" Medyo galit yung pag ka ask nya.
"Mommy, marami kami. Nandun si Nikki tsaka-"
"Hindi yun, Jessica eh. Anak, nandun si Paolo. Yung nanakit sayo."
"Pero mommy-"
"Anak, hindi ako nag palaki ng tanga."
Natahimik ako. Masyado na ba akong nag papakatanga? Siguro nga tama si Mommy. Ako nalang talaga siguro yung gumagawa ng paraan para mas lalo akong masaktan... Kasi kung hindi naman ako nag assume nun, hindi naman ako masasaktan diba? Kung hindi naman ako umasa sa mga simple gestures nya, hindi ako nag kakaganito ngayon.
Tama nga si mommy.
Tanga ako. Tanga.
"Sorry anak, hindi ko sinasadyang tawagin kang tanga. But I won't let you hurt yourself even more."
"Opo mommy, I understand. Wag kayong mag alala, hindi na ako pupunta."
Tumalikod na ako and kinuha yung cellphone ko. Alam mo yung mga tipo ng araw na pag kagising mo palang, parang ang lungkot lungkot na? Tinitignan mo yung paligid tapos.. ang tahimik. Feeling mo nag iisa ka. Ayoko ng ganito. Ako nalang din siguro gumagawa ng mga bagay na ikinalulungkot ko.
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Makaka-move on ba ako?
RomanceIt took me a while to get him; I had to go through a lot of heartbreaks. It took me a while to make him love me, and when he did, I was the happiest girl alive. We were happy, and there is nothing I could ask for. Until you came. And in one single...