Nine

755 15 9
                                    

Play the media/video later when I tell you to for full effect. Mag emo-emohan tayo guys. x)

* * *

"She hardly ever thought of him. He had worn a place for himself in some corner of her heart, as a sea shell, always boring against the rock, might do. The making of the place had been her pain. But now the shell was safely in the rock. It was lodged, and ground no longer."

― T.H. White, The Once and Future King

* * *

Dear Diary,

You were missing.

Akala ko hindi na ulit kita makikita. Akala ko hindi na ulit kita masusulatan. Takot na takot ako nun, diary. Kasi alam mo lahat ng tungkol sa nararamdaman ko. Kasi alam mo kung sino yung gusto ko. Kung gano ako baliw sa kanya.

Oo nga, nasa akin ka na ngayon diary. Pero hindi nalang ikaw yung nakakaalam ng mga sikreto ko.

Siya din. Sila.

Hindi ko tinigilan na hanapin ka kagabi, diary. Hindi talaga. Pag katapos nung nangyari kay Paolo... Pag katapos nyang...

Halikan ako...

Oo, diary, alam kong mali yun. Pero napakabilis nangyari nung lahat. Sinubukan ko namang huminto eh. Pero yung mga halik nya... Hindi ko mawari kung ano ba yung meron sa kanila. I can't resist them.

Alam mo diary, kung hindi lang nya sinabi yung pangalan ni Lea while we were kissing, siguro nabigay ko na sa taong lasing at walang malay yung pag ka puri at pag ka babae ko.

Akala ko kasi.. Gusto nya din ako eh. Akala ko gusto nya na halikan ko sya.

"Just shut up and kiss me."

Yun pala, si Lea ang nasa isip nya while I was letting him explore my mouth. Iba yung taong kahalikan nya para sa kanya.

I'm a dumbass.

Umiiyak na ako kagabi, diary. Mga ala-una na nung na-realize ko na nawawala ka. Bakit pa kasi sa dinami dami ng pwedeng mangyari sakin yun ay yung makulong sa ibang kwarto na wala ka. Napaka tanga ko.

"Jessica, matulog na tayo. Bukas nalang natin hanapin." Sinuggest ni Macky. "Hindi na rin nila tayo matutulungan, mga lasing na yan oh."

Nagalit ako kay Macky nun. Hindi nya kase naiintindihan na yung mga naka sulat dito, para sakin lang. Na kapag may nakakita, wala na. Baka masira ko pa ang lahat. Ayoko nang dumagdag pa na panira sa love story nila Paolo at Lea. Ayoko na ako yung maging dahilan kung bakit mag away pa sila.

Kapag halimbawa sakin nangyari yun, kunwari naging kami ni Paolo tapos lagi nyang kasama yung "friend" nya.. syempre sa una hindi naman ako magagalit kasi friend nga lang diba. Pero pano pag nalaman ko na matagal na palang may gusto yun kay Paolo?

Anong gagawin ko?

Malamang papalayuin ko yung babae.

Ayokong mangyari yun, diary. Mas maganda na siguro na mag kaibigan nalang kami ni Paolo kesa yung ilayo sya sakin ni Lea kasi at least makikita ko pa din sya eh. Matatanong ko pa din sya kung kamusta yung araw nya.. kung ano yung plans nya for today..

Please, please. Sana wag nalang malaman ni Lea. Kahit sino nalang, basta wag lang si Lea.

I started to freak out last night. I was crying hysterically, and I looked in every corner of the room. Kahit saang room na nga pinasok namin eh. We went on each and every room sa bahay nila, but still, wala talaga.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon