Twenty five.

25 3 0
                                    

Plans...

---

Fastforwarded...

Sobra kaming nag enjoy kahit tatlong araw lang kami sa beach, kahit pa gusto pa naming magstay, ay kailangan na naming umuwi dahil tatlong araw lang ang paalam namin.

Ngayon ako naman ang nagd drive at katabi si Chu na kanina pa gising at parang hindi dinadapuan ng antok, habang ang dalawa ay nakatulog na sa likod. Napuyat kasi kami ng sulitin namin ang sleep over kagabi.

"Jen? Gusto mo sya diba?" Tanong ni Chu habang tahimik akong nagmamaneho.

"Huh?" Pagkakaila ko na kunwari ay hindi alam ang ibig nyang sabihin.

"Si Lisa" sagot nya, napabuntong hininga lang ako at nanatiling nakatutok sa kalsada.

"Nalilito ka?" Dagdag nya pa na ang tinutukoy ay ang tungkol kay Kai.

"Kung alam mo lang Chu, sobra akong naguguluhan" sagot ko.

"Kung ako sayo, mas susundin ko ang sinasabi ng puso ko" payo nya.

6 years ago, pinagkasundo ako ni Dad sa anak ng matalik nyang kaibigan. Palugi na non ang kompanya at kinailangan nyang humingi ng tulong sa dati nyang kaibigan na nagmamay ari ng isang malaking kompanya. Pumayag ang kaibigan nya na bigyan kami ng malaking pera para sa pagrerevive ng kompanya, at hindi namin inakalang may kapalit pala ang bigay na yon. Sabi nga nila, wala nang libre sa mundo. Hindi na nakatanggi si Daddy ng sabihin ng kaibigan nyang may isa syang hiling at yon ang ipakasal kami sa dalawa nyang anak na lalaki.

Gusto daw nyang pag isahin ang kompanya namin at kompanya nila sa pamamagitan ng isang arrange marriage, at kami ang pinili nila na mapangasawa ng anak nya. Nang mag aral ako sa States ay pinakilala nila sa akin si Kai na sinasabing mapapangasawa ko. Kahit gusto kong tumutol ay hindi ko magawa dahil na rin pangalan ng kompanya ang nakataya dito, maging ang pamilya namin.

Maging si Chu ay tutol sa bagay na yon, kahit na alam nyang may nakatakda nang ipakasal sa amin ay mas pinipili nya kung anong gusto nya. Pero tama naman sya diba, bat ka magpapakasal sa taong di mo mahal?

Nang makarating kami sa bahay nila Lisa ay nagpahinga muna kami saglit, naiihi narin kase si Chu kaya napilitan kaming magstay muna ng ilang minuto.

"Tita! Nandito na kami" sigaw ni Chaeng nang papasok palang kami ng pinto.

"Baby Chipmunk!" Sigaw naman ni Tita nang salubungin si Chaeng at niyakap.

"Ma! Ako lang to yung anak mo" sabat naman ni Lisa habang bitbit ang mga gamit nya at binaba.

"Sus, selosa ng anak ko" sabi naman ni Tita at niyakap din sya.

"Aah goodafternoon po tita" bati namin ni Chu saka ngumiti.

"Oh umupo muna kayo" sabi nya saka kami pinaupo sa sofa.

"Uhmm, tita pwede po makiihi?" Paalam ni Chu natawa naman sa kanya sila Chaeng bago sya nanakbo papunta sa cr.

"Kumain na ba kayo?"

"Ah, yes po. Aalis na din po kami agad, naiihi lang po talaga si Chu" sagot ko, tumango tango naman sya at napatingin sa direksyon ni Lisa.

"Ah ganon ba, sige mag ingat nalang kayo haa" sabi ni Tita saka kami hinatid sa gate nila. Nagpaiwan na si Chaeng at mamaya pa daw sya uuwi.

"Ambait talaga ni Tita no?" Sabi ni Chu habang nagc cp at nakasandal sa bintana ng kotse, tumango naman ako bilang sagot. Maya maya ay nakauwi na nga kami sa bahay, kaagad kaming sinalubong ni Mommy ng mahigpit na yakap. Parang three days lang miss na miss kaagad kami.

"So, how was your trip girls?" Tanong nya ng makaupo kami sa sofa. 7pm na kami nakauwi dahil traffic din sa daan. Saglit pa kaming nagkwentuhan at pagtapos ay nagsiakyat na sa kwarto, hindi na kami kumain dahil napagod din kasi kami sa byahe.

Nakatingala lang ako sa kisame at nagmumuni muni tungkol sa sinabi ni Chu, tama naman sya bakit ako magpapakasal kay Kai kung di naman sya yung mahal ko? Pero may pag aalinlangan padin sa kabilang banda, na pano ang kompanya namin?

Siguradong babawiin yon samin, pano nalang ang mga pinaghirapan ni Daddy? Hindi ko rin naman kayang ipagpalit si Daddy sa iba. Arghhhh! Bat sobrang hirap kasi magdecide. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ang lahat.

Maya maya pa ay may natanggap akong text mula sa kung sino.

Unknown Number

"Hey Jen, good evening" napakunot naman ang noo ko dahil kilala nya ako.

To be continued...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now