Legal...
---
Nang magising ako ay nakayakap sakin si Jen habang nakaunan sa braso ko, medyo namimitig na ang kamay ko pero okay lang.
"Hon, goodmorning" bulong ko sa kanya nang halikan ko sya sa labi.
"Gising na nini" sabi ko habang tinatapik tapik ang matambok nyang pisngi. Aish.
"Maya maya na, inaantok pako" mahina nyang sabi at nanatiling nakapikit. Bumangon naman na ako at dumiretso sa kusina, naghanap ako ng pwedeng kainin at buti nalang meron akong nakita.
Kasalukuyan akong nagluluto ng pagkain habang kumakanta. Nang biglang nagsalita si Jen mula sa likuran.
"Hon, goodmorning" bati nya at niyakap ako mula sa likod. Ang lambing ng asawa ko shit.
"Buti naman tumayo kana din" sabi ko nang humarap sa kanya.
"Iniwan mo kasi ako don" sabi naman nya at nakayakap parin sakin.
"How was your sleep, my one and only queen?" Tanong ko, napangiti naman sya at namula nang maalala ang nangyari kagabi.
"Syempre mahimbing tulog ko" sagot nya saka nag gummy smile. Arrghh pigilan nyo ko guys lalaplapin ko to.
"Pfft, umupo kana don. Wag moko daanin sa mga pacute pacute mo" pabiro kong sabi.
"Himala ngiting ngiti ka yata ngayon?" Sabi nya pa bago naupo sa harap ng mesa.
"Well, masisisi mo bako?" Sagot ko habang hinahango ang niluto kong bacon at hotdog.
"Dapat lang no! Maswerte ka at may girlfriend kang kasing ganda ko dzuh" natawa naman ako sa sinabi nya saka nilapag sa mesa ang pagkain. Naupo ako sa harap nya saka kami kumain.
"Hmm, ang sarap" sabi nya habang ngumunguya ng pagkain.
"Sus masarap ka jan, e prito lang yan. Bolera" sabi ko natawa naman kaming pareho.
"Pero mas masarap parin yung ano" sabi nya, napatingin naman ako sa kanya at inaabangan ang sasabihin.
"Yung ano? Yung kagabi?" Tanong ko saka kami natawa pareho.
"Btw, pagtapos mo kumain maligo kana" sabi ko napatingin naman sya sakin at nakataas ang kilay.
"Bakit? May pupuntahan tayo?" Tanong nya.
"Sa bahay" sagot ko saka sumubo ng pagkain.
"O-okay" sabi nya saka bumalik sa pagkain.
Pagtapos naming kumain at maligo ay umalis na kami kaagad, buti nalang at may dalang sasakyan si Jen kaya di na kailangan magcommute. Nang makarating kami sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ni mama.
"Oh nak? Bat ngayon ka lang umuwi? Nagkita na kayo ni Chaeng?" Sunod sunod nyang tanong.
"Ah good morning po tita" bati ni Jen na nakasunod lang sakin. Nagkatinginan kami ni mama at ngumiti lang ako.
"Nagkita na kami ni Chaeng ma, at saka kila Jen ako natulog kagabi" sagot ko at umupo muna sa sofa. Pinaupo ko din naman si Jen.
"Bat di ka manlang nagtxt sakin, kumain na ba kayo?" tanong ni mama at pumuntang kusina.
"Tapos na ma, nalimutan kong magtxt sa sobrang dami naming napagkwentuhan" palusot ko, nagkatinginan naman kami ni Jen at natawa nang mahina.
"Di ka pumasok ngayon, may pasok na kayo diba" sabi ni mama at dala ang isang pitchel na may juice.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...