Comfort...
---
THIRD PERSON'S POV
Hindi tumitigil si Chaeng kakaiyak at pinagsisisihang umamin pa sya, iniisip nyang kung hindi na sya umamin ay walang magbabago sa pagsasama nila ni Lisa. Iniisip nyang baka layuan na sya ni Lisa, dahil sa nalaman. Si Chu naman ay sobra ang pag aalala kay Chaeng.
"S-sorry Chaeng kung hindi ko sinabi s-sayo. Edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan" sabi ni Chu habang hinahaplos ang likod ni Chaeng at pinapatahan sa pag iyak.
"A-ang alin?" Utal namang tanong ni Chaeng habang humihikbi dahil sa pag iyak.
"Na matagal nang umamin si Lisa kay Jen, s-sorry. Sana sinabi ko na sayo kaagad" napatulo na rin ang luha ni Chu habang yakap si Chaeng. Wala na syang paki kung magalit man si Chaeng dahil sa sinabi nya pero para sa kanya ay gusto nyang damayan si Chaeng.
"Bat ka nagso sorry wala kang kasalanan, kasalanan ko lahat ng to. Kase nagpakatanga ako" sabi naman ni Chaeng at napatingin kay Chu.
"Hindi ka tanga Chaeng, okay? Mas tanga yung taong sinayang ka" sabi ni Chu.
"Tanga ako Chu! Matagal ko nang alam na may gusto si Lisa kay Jen, pero still sinubukan ko parin kahit alam kong masasaktan ako sa huli" sagot ni Chaeng saka pinunasan ang luha nya.
"Anong ibig mong sabihin? Pano mo nalaman?" Sunod sunod na tanong ni Chu.
"Nung last night natin sa vacation house natin, narinig ko silang nag uusap" sagot ni Chaeng.
...FLASHBACK...
Pagkatapos ng bonfire namin ay nagsibalik na kami sa kanya kanyang kwarto at saka natulog. Ansakit ng ulo ko kaya nagising ako ng alanganing oras, akmang babangon na sana ako ng makarinig ako ng nagsasalita.
"Kung alam mo lang na mahal din kita, kung sana sinagot kita nung umamin ka. Sana tayo na ngayon" rinig ko ang boses ni Jen. Sandali akong napako sa pagkakahiga at patuloy lang syang pinakinggan.
"Hindi mo lang alam, hindi ako nakatulog nung araw na yon. Sobra akong nagsisisi nang mga sandaling yon, lalo na nung umiiwas kana sakin"
"Hindi mo naman kailangang umiwas e, parehas naman tayo ng nararamdaman. Hindi ko lang talaga masabi sayo ang dahilan ko, sorry"
Sobrang tahimik ng mga sandaling yon kaya rinig na rinig ko ang mga sinasabi nya, pero wala namang Lisa na sumasagot sa mga sinasabi nya. Tulog na kaya si Lisa? Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako, mabilis na nag uunahan ang mga luha sa mata ko. Mahal nila ang isat isa, kaya pano pako aamin kung alam kong talo na?
...END OF FLASHBACK...
Nabigla naman si Chu sa narinig nya, kung ganon matagal na pala nyang alam? Hindi sya makapaniwala na pilit paring umasa si Chaeng na mamahalin din sya ni Lisa kagaya ng pagmamahal na meron sya. Sobrang nasaktan si Chu sa narinig nya na para bang sya ang nasa posisyon ni Chaeng at damang dama nya kung gaano ito nasasaktan.
Matapos ang mahabang pag iyak ni Chaeng ay napagod din ito at nakaramdam ng antok, agad naman syang humiga at hihikbi hikbi pa habang nakapikit. Si Chu naman ay nasa tabi nya lang ng mga oras na yon, hangga't maaari ay gusto nyang sa kanya ilabas ni Chaeng ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.
Dahil iniisip nyang yun lang ang tanging paraan para mahulog sa kanya si Chaeng. Ang samahan sya sa oras na yon.
Magkatabi silang natulog habang nakasiksik ang ulo ni Chaeng sa leeg nya. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang maramdaman. Ang maging masaya dahil pwedeng maging sila o ang maging malungkot dahil nasasaktan ang taong mahal nya.
Halos di sya nakatulog buong gabi at tinititigan lang ang maamong muka ni Chaeng habang mahimbing itong natutulog. Halos tumalon sa tuwa ang puso nya kapag naaalala nyang kasama nya si Chaeng at magkatabi silang natutulog.
"Don't worry Chaeng, I promise that I'll take care of you" bulong nya at hinalikan si Chaeng sa noo.
Bago pa sya tuluyang makatulog ay nagselfie selfie pa sya na kasama si Chaeng. Niyakap nya yon ng mahigpit saka pumikit.
Kinabukasan wala ni isa sa magkakaibigan ang pumasok sa eskwelahan, tapos na ang one week sembreak nila. Pero dahil sa condo sila natulog ay wala silang dalang gamit maski uniform.
To be continued....
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...