Mistake...
---
CHU'S POV
Matapos ang mahabang pag uusap namin ni Jen sa plano ko ay agad na syang umalis at sinunod yon. Nakatayo ako dito sa di kalayuan at natatakpan ng mga puno ng niyog. Nakatingin lang ako kila Chaeng at Seulgi na masayang nag uusap habang kabado at iniisip kung pano ako aamin. Nandito kasi ako sa bandang likuran nila.
Maya maya pa nakita kong nilapitan sila ni Jen at nag usap. Antagal naman nya, parang sasabihin lang e. Aish. Matapos ang ilang minuto ay lumayo na nga sila ni Seulgi kay Chaeng kaya dali dali kong inayos ang sarili at saka naglakad palapit kay Chaeng.
"Guess who" sabi ko nang takpan ko ang mata nya mula sa likuran.
"Mayghad Chu, as if namang di ko alam ang boses at hulma ng kamay mo no" natatawa nyang sabi saka inalis ang kamay ko sa pagkakatakip sa mata nya. Napangiti nalang ako nang malaman kong kilalang kilala na pala ako ni Chaeng.
"Kala ko di mo makikilala e" sabi ko saka naupo sa tabi nya.
"Ganda ng mood mo ah? Parang kanina lang halos hindi ka makausap" sabi nya pa at natatawa tawa.
"Aah yun ba" tipid kong sagot at nakatitig lang sa dagat.
"Nga pala, ano yung ibig mong sabihin kanina?" Tanong nya saka napatingin sakin.
Bumuntong hininga naman ako dahil sa kaba bago sumagot.
"Yung problema kita?" Tanong ko at lalo pa syang napatingin sakin.
"Y-yeah di kasi kita maintindihan, bat mo ko naging problema?" Tanong nya pa. Tumingin muna ako sa kanya at saglit kaming nagkatitigan.
"Alam mo yung problema Chaeng? Manhid ka kase" mabilis kong sagot at tumingin sa malayong parte ng dagat.
"A-anong m-manhid? Ano bang sinasabi mo?" Nagtataka nyang tanong at halatang seryoso na ang boses.
"Chaeng? Hindi mo manlang ba nahahalata sa mga kilos ko? Na-" sandali akong napahinto sa pagsasalita at huminga ng malalim.
"N-na a-ano?" Halatang kabado sya sa itsura nya palang ngayon.
"Na matagal na kitang gusto" diretsahan kong sagot. Hindi ako nakarinig ng kahit na anong salita mula sa kanya kaya agad akong napatingin sa direksyon nya.
"Ch-chu, alam ko naman na e, hinihintay ko lang na sayo mismo manggaling" sobra kong ikinagulat ang naging sagot nya, akala ko magiging katulad ng pag amin ni Lisa kay Jen. Na hindi sya kinibo.
Aaack! Bat ang swerte ko?! Parehas kaming nagkatinginan at parehas na natawa sa mga kadramahan namin. Amporkchop kung pwede naman palang di na magdrama, pinractice ko pa yon.
"So love, mark your calendar now" agad akong napatingin sa kanya at di ko mapigilan ang pusong gusto nang lumundag nang hawakan nya pa ang kamay ko.
"W-wuttda? T-tayo n-nab-ba?" Utal kong tanong at halos sobrang bumilis na ang tibok ng puso ko. Ngumiti lang sya sakin at isinandal ang ulo nya sa balikat ko. Wtf? I cant believe na kami na ni Chaeng! Aaack! Lord, take me. De charot.
Isinandal ko din ang ulo ko sa kanya saka namin dinama ang simoy nang hangin na tumatama sa lugar na yon.
"So? Can you tell me what was the real reason of you being moody?" Tanong nya.
"I'm jealous, tinatanong pa ba yun" natatawa kong sagot, napatingin naman sya sakin.
"At kanino naman? Kay Seulgi?" Tanong nya pa.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...