Unanswered confession...
---
Hindi ko alam kung panaginip lang ba to o ano, pero masaya akong malaman na matatanggap ako ni mama. Kaya pala ganon nalang ang pananaw nya sa pag ibig, dahil isa rin sya sa umibig sa kapwa babae.
"Alam mo nak, kung sigurado kana sa nararamdaman mo. Ipagpatuloy mo, pero ang magiging katanungan don ay tanggap ka ba nya. Kung sakaling umamin ka?" Payo ni mama.
Napatulala naman ako sa sinabi nya. Oo nga, matatanggap nga ba ako ni Jen? Isang malaking tanong na bumagabag sa isip ko. Tumayo sya at iniligpit ang kinainan nya, saka nagtungo sa lababo para maghugas.
"Kung ako sayo, ipagtapat mo muna kung anong tunay mong pagkatao. Kung matanggap ka man nya, ipagpatuloy mo." Dagdag pa nya.
"Pano naman ma kung hindi nya ako matanggap?" Seryoso kong tanong. Humarap naman sya sakin at napabuntong hininga.
"Dapat ihanda mo na ang sarili mo na layuan ng taong mahal mo. At dapat handa ka ring dumistansya" sagot naman nya saka nagpunas ng kamay. Lumapit sya sakin saka ako niyakap.
"Tandaan mo nak, suportado kita sa lahat ng bagay" bulong nya saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako sa ginawa nya. Halos buong gabi ay hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni mama.
Buong gabi kong tinatanong ang sarili ko kung handa ba ako sa magiging kapalit ng pag amin ko, o baka hindi ko kayanin? Kinuha ko ang cp ko at tinignan ang picture ni Jen, saka napagpasyahan na bukas na bukas din ay aamin nako.
Kabado ako sa mangyayari sa pag amin ko kaya idinaan ko nalang sa dasal bago matulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit sobrang late nakong natulog. Pinaghandaan ko na ang magiging pag amin ko.
"Lisa, i'm on my way na. Sunduin na kita" message ni Jen. Napagpasyahan kasi namin na sa kanila na tapusin ang presentation kaya agad akong nagbihis at naghanda na sa pag alis.
"Ma, malapit na si Jen. Dun ko na sya hihintayin sa gate" paalam ko kay mama.
"Yung phobia mo? Baka atakihin ka bigla. Sabihan mo si Jen na bagalan lang pagd drive ha" paalala ni mama.
"Yung phobia ko unti unti nang nawawala" sabi ko na nakapagpangiti naman sa kanya. Tuluyan nakong lumabas at nag abang sa gate ng compound. Ilang sandali pa at dumating na nga si Jen.
Sumakay ako sa kotse at pumwesto sa tabi nya. Tapos na kasi ang presentation nila Chu kaya hindi na kailangan pumunta ni Chaeng sa kanila.
"Kanina kapa ba don?" Tanong ni Jen, tumango lang ako bilang sagot. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa kanila.
Iniisip ko palang ang gagawin kong pag amin e di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Dumiretso na kami kaagad sa kwarto nya at sinimulan na ang gagawin.
"Ma'am, kumain daw po muna kayo" pumasok ang isang maid at inilapag ang dala nyang pagkain. Hindi na kami pinababa ngayon.
"Sige ya, thankyou"
Halos hindi kami nag usap ni Jen at puro presentation lang ang inatupag. Sobrang tahimik sa loob ng kwarto.
"Lisa, tara na kain muna tayo" yaya nya sakin saka umupo sa sofa. Umupo rin naman ako sa tabi nya at sabay kaming kumain. Sa totoo lang kanina pako naghahanap ng tyempo kung kelan ako magsasabi.
Pagtapos naming kumain ay mabilis na rin naming natapos ang dapat gawin. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama nya at pinapakalma ang sarili. Lumabas kase sya saglit.
"Eto na yon Lisa, its either tanggap ka nya o hindi" Bulong ko sa sarili. Minsan kase kailangan mo rin magtake risk.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa non si Jen. Tumayo naman ako saka kinuha ang gamit ko.
"Jen, may sasabihin ako sayo" panimula ko.
"Ano yon?" Tanong nya habang seryoso akong nakatingin sa kanya.
"Jen? Pano kung malaman mong bi ako? Lalayuan mo bako?" Straight forward kong sabi. Nagulat naman sya sa sinabi ko.
"Bat naman kita lalayuan?" Sabi nya habang nakangiti. So it means tanggap nya ako?
"Pano kung mahal na kita?" Tanong ko ulit, sandali naman syang napahinto at di umimik.
"Jen! Tara na, may dadaanan pa tayo!" Biglang pumasok si Chu sa kwarto. Napatingin naman sya sakin.
"Oh, Lisa taraa na!" Sabi pa nya bago tuluyang lumabas. Sumunod din naman si Jen sa kanya habang ako ang nahuling lumabas ng kwarto. Anong ibig sabihin non? Tanggap nya bako? Bakit hindi sya sumagot? J-Je-nn...
To be continued...
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanficDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...