Truth from the past...
---
THIRD PERSON'S POV
Agad na sinalubong ni Agatha si Sixto na kakababa lang ng private plane na sinakyan nya papuntang Seoul.
"Agatha?! Ano na? Wala pa bang balita sa mga anak ko?!" Nag aalala nyang sabi ng makasakay sa van kung nasaan si Agatha.
"W-wala pa" utal na sagot nya. Madaming body guards ang nakabantay sa kanya dahil na rin isa syang CEO ng malaking kompanya, kaya maaaring manganib ang buhay nya. Tahimik sila sa byahe at mukang parehas na malalim ang iniisip, hanggang sa makarating sila sa bahay.
Sinalubong naman sya nila Kai at Jin, maging si Tata ay sinalubong sya.
"Tatlo kayong lalaki dito, ni hindi nyo man lang nalaman kung nasan ang mga anak ko?" Inis na bungad ni Sixto at naupo sa sofa.
"S-sorry po T-tito" utal na sabi nila Kai at Jin habang si Tata ay nanatili lang na tahimik.
"Wala silang kasalanan, sila Lisa ang may kasalanan dito" inis ding sabi ni Agatha na sinusubukan pang ipagtanggol ang tatlo.
"Sabihin nyo nga sakin, Kai at Jin. Pano ko ipagkakatiwala sa inyo ang anak ko kung ganyan?" Dagdag pa ni Sixto. Hindi naman nakasagot ang dalawa sa sinabi nya.
"Hindi mo naiintindihan! Si Jen may girlfriend sya! Girlfriend as in parehas silang babae" dagdag din ni Agatha.
"At ano kung babae ang mahal ng mga anak ko?!" Galit nyang tanong.
"Pero may fiancé na sila" pag angil pa ni Agatha.
"Wala na! Tinapos ko na ang marriage agreement!" Seryoso nyang sabi na nakapagpatulala kay Agatha.
"B-bakit?! P-pano? Ang kompanya?! Pano ang kompanya?!" Alalang sabi ni Agatha, maging ang magkapatid na si Kai at Jin ay nabigla sa sinabi ni Sixto.
Ikinagulat naman ng lahat nang biglang sampalin ni Sixto sa Agatha, at mismong sa harap pa nilang lahat. Napaupo si Tata sa tabi ng Mommy nya na nagulat din sa ginawa ni Sixto.
"Akala mo ba, wala akong alam sa mga nangyayari dito?! Alam kong nililimitahan mo ang mga anak ko, anong karapatan mo?!" Galit na sabi ni Sixto.
"P-pero Ti-" hindi na naituloy pa ni Kai ang sasabihin nya nang unahan sya nito.
"Isa pa kayo! Sinabi kong kunin nyo ang loob nila pero hindi ang ipagpilitan sa kanila!" Galit nyang sabi at halos marinig na sa buong bahay ang malakas nyang boses.
"Agatha, pinagkatiwala ko sayo ang mga anak ko. Pero ikaw mismo, ginagawa mong miserable ang buhay nila" sabi nya kay Agatha.
"Babayaran ko ang utang sa kompanya ng Dad nyo, kaya umalis na kayo!" Sigaw nya habang galit na nakatingin kila Kai at Jin.
"Hindi ako makapaniwalang mismong anak ko ang ginagantihan mo sa pariwara mong buhay" ang huling kataga na sinabi ni Sixto saka kaagad na umalis at umakyat sa kwarto nya.
Naiwan si Agatha na umiiyak habang yakap ni Tata, sa pagkakataong yon ay lalo pang nadagdagan ang galit nya kay Lisa at Chaeng.
"Hijo, ihanda mo ang kotse may pupuntahan tayo!" Galit nyang sabi saka agad na pinunasan ang luha.
Habang nagmamaneho ay pasulyap sulyap si Tata sa salamin at sinusulyapan ang Mommy nyang may kausap sa phone.
"Mom? San ba tayo pupunta?" Tanong ni Tata.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
ספרות חובביםDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...