Fourty one.

22 2 0
                                    

Arrival...

---

"Sino nanaman ba yon?" Inis nyang sabi.

"Aah wala wala. Tara na" nagmamadali kong sabi saka sumakay ng kotse. Napabuntong hininga nalang sya at sumunod na din.

Nang makarating kami sa bahay ay agad syang niyakap ni mama, pano kasi madalas na sya samin simula nung naging kami at parang anak na din ang turing sa kanya ni mama. Two weeks din syang hindi nakapagstay sa bahay kaya siguradong namiss sya ni mama.

"Aaaah tita namiss po kitaa" sabi ni Jen habang nakikipag yakapan kay mama.

"Nako, namiss din kita. Ilang linggo ka nang hindi natutulog dito" sabi din ni mama.

"Tama na yang yakapan ma, sakin yan e" singit ko at hinila si Jen. Natawa naman silang dalawa dahil sa inasta ko.

"Aah hindi na rin po ako magtatagal tita, nagmamadali din po ako kase kailangan pa ituloy yung review" paalam ni Jen.

"Ahh oo nga pala, exam nyo na bukas. O sya sige, mag ingat ka sa pagmamaneho" sabi naman ni mama.

"Huh? Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ko at nakataas ang kilay sa kanya, hindi na sya sumagot at lumabas na ng bahay, sumunod nalang ako sa kanya.

"Ingat sa pag uwi hon, text ka kapag nakauwi kana haa" sabi ko bago sya sumakay ng kotse.

"Aye aye hon!" Natatawa nyang sabi saka pinaandar ang kotse.

CHAENG'S POV

Pagpasok ko ng room ay bumungad sakin ang hiwa hiwalay na upuan. Aish, eto ang pinakaayaw ko tuwing exam. Bawal magdaldalan, at magtinginan, konting lingon nangongopya na. Tss.

"Uyy Chaeng! Dito tabi tayo!" Sigaw ni Chu na nakaupo sa likuran. Katabi nya si Jen at Lisa sa kabilang side at mukang nireserba pa sakin yung katabing upuan.

"Goodmorning chipmunk" natatawang bati ni Jen at nakagummy smile pa nang makaupo ako.

"Goodmorning din" tipid kong sagot nang biglang magring ang phone ko.

Seulgi calling...

Si gigi lang pala kala ko kung sino na.

"Oh gi? Napatawag ka?" Sabi ko nang sagutin ang tawag. Agad namang napatingin sakin ang tatlo.

"Hello babe long time no talk ah" sabi nya sa kabilang linya. Aish kahit kelan babaero talaga.

"Manahimik ka jan rinig ka ng mga kaibigan ko" pagsusungit ko.

"Oh hello fans!" Natatawa nya namang asar sakin, kainis.

"Oh si Seulgi yan?!" Singit ni Lisa sa usapan. Inabot ko naman sa kanya ang phone.

"Gigi!" Nakangiting bati ni Lisa habang sila Jen at Chu ay walang emosyong nakatingin samin.

"Sinong Seulgi?" Bulong ni Chu na kanina pa nakikinig sa usapan namin.

"Aah childhood bestfriend namin ni Lisa" sagot ko saka ngumiti, agad namang kumunot ang noo nya. Problema neto.

"Oh buto! Bat mo kinuha yung phone! Kausap ko pa si Chaeng mah labs" rinig naming sabi nya, napasapo nalang ako sa noo sa kahihiyan. Kahit kelan talaga.

"Labs daw, di ka naman labs" natatawang asar ni Lisa saka binalik sakin ang phone.

"Che! Btw, uuwi na pala ako, this sunday" dagdag pa nya.

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now