Thirteen.

20 3 0
                                    

Massage...

---

"Ma'am, wag po! Wag po kayong tatalon" rinig kong sigaw ng isang maid mula sa likuran.

Nabitawan nya pa ang bitbit nyang basket na puno ng maruming damit saka nanakbo palapit sakin at niyakap pa ang binti ko. Sa sobrang kilig ko kase ay napaakyat nako sa hamba ng balcony.

"Yaaa! Hindi naman ako tatalon" sabi ko at saka bumaba sa hamba.

"E bat po kasi kayo nanjan. Akala ko tuloy e magpapakamatay na kayo" sabi naman nya na ikinatawa ko.

"Hindi po ako magpapakamatay no" sagot ko.

"Ngayon pa? Na malapit na kami sa isat isa?" Bulong ko sa sarili saka napangiti.

"Ah ganon ba, kinabahan ako" sabi nya saka dinampot ang basket na bitbit nya kanina.

"Yeah, pero salamat sa concern" paalam ko habang malaki ang ngiti at naglakad palayo.

"Ohh Chu, sabihan mo si Jen saka yung mga kaibigan nyo na kumain muna. Nagpahanda ako ng meryenda." Sabi ni mommy ng makasalubong ko sya nang pabalik ako sa kwarto.

"Sige mom" sagot ko naman saka nagpunta kay Chaeng.

"Ch-chaeng! Kain muna daw" sabi ko habang nakadungaw sa pinto.

"Sige patapos nako" sagot naman nya kaya nagpunta nako sa kwarto ni Jen.

"Dadahan dahanin ko lang pramis"

"Weyt wag mo kase diinan, masakit. Di mo naman nasesentro"

"Kaya nga dadahandahanin ko para di ka masaktan. Sorry talaga Jen." rinig kong usapan nila sa pinto. Wtf? Anong ginagawa nila.

Hindi naman na ako kumatok at kaagad na binuksan ang pinto.

"Jen!" Sigaw ko. Napahinto naman sila sa ginagawa at napatingin sa akin.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko at tinaasan sila ng kilay.

"Aah, hinihilot ko si Jen nadulas kasi sya." sagot naman ni Lisa. Well, muka naman talagang hinihilot nya. Nakatayo sya sa likod ni Jen at hawak ang magkabilang balikat nya.

"Ano yon? Bat di ka manlang kumatok?!" Inis na tanong ni Jen, sus porket naistorbo ko sila sa ginagawa nila.

"Kumain muna daw no!" Sigaw ko at tinarayan sya. Natawa naman si Lisa sa inasta ko saka ako lumabas at bumaba na.

Pumwesto naman ako agad sa couch, dun kasi nila dinala ang meryenda naming pizza bread at waffles na may palamang hotdog at ham. Maya maya pa ay nagsibaba na rin sila.

"Oh? Sino gumawa?" Tanong ni Jen na naupo sa tabi ko.

"Si Ate Tess, sino pa nga ba" sagot ko. Si Jen kase ang nakaimbento ng pizza bread na yon, katulong nya namang gumawa si Ate Tess kaya silang dalawa ang may alam ng experiment na yon.

(A/N; try nyo guys, tasty bread tas lagyan ng ketchup at cream cheese, lagyan nyo din ng ham para mukang pizza then initin nyo sa oven. Sarap yon)

Agad naman silang nagsiupo at kumain habang nanonood ng tv.

"So, kamusta ang presentation nyo girls?" Bungad ni mommy at nakiupo rin malapit samin.

"Okay naman po Tita, malapit nang matapos" sagot ni Lisa saka kumain.

"Well, thats good. Pero sana kahit tapos na ang presentation nyo, dumalaw dalaw kayo dito" sabi naman ni mommy at nakikain din. Marami kasing nagawa si Ate Tess.

"Yes po" sagot naman ni Chaeng. Napangiti naman ako ng maisip kong okay si Chaeng kay mommy.

LISA'S POV

Agad akong nanakbo papunta sa cr ng maramdaman kong ihing ihi nako. Aksidente ko pang natabig ang isang vase na nasa sahig at puno ng marbles. Nasa labas si Jen kaya hindi ko muna pinansin at pumasok ng sa cr.

Pagtapos ng ilang sandali, lumabas nako ng cr at pabalik na sa ginagawa nang bigla akong nadulas nang maapakan ko ang marbles. Matutumba na sana ako ng may kung sinong humawak sakin sa bewang. Akala ko pa maliligtas na pero dalawa kaming nadulas at napatihaya nang bumagsak.

Hindi ako gaanong nasaktan dahil sa kanya bumagsak ang likod ko. Tumayo ako agad.

"J-jen!" Natataranta akong tinulungan sya sa pagtayo saka pinaupo sa swivel chair sa harap ng study table nya.

"Aah!" Inda nya dahil sa mabilis na pagbagsak.

"S-sorry" natataranta kong dinampot ang mga marbles at binalik sa lalagyan.

"Masakit ba?" Tanong ko at naupo sa gilid.

"M-medyo lang" sagot naman nya. Nakakahiya, isang katangahan nanaman Lisa. Nagprisinta akong hilutin sya since patapos na kami sa presentation at bukas na ang iba.

"Dito ba?" Tanong ko habang kinakapa ang balikat nya na mas napuruhan sa pagbagsak.

To be continued...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now