Sixty.

21 2 0
                                    

Search...

---

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan, maagang nagising ang apat para pumunta sa tabing dagat. Naglakad sila papunta doon bitbit ang ilang basket na may lamang pagkain, balak nilang magpicnic sa tabing dagat.

"Guys, pahinga muna tayo" sabi ni Chu at mukang napagod sa paglalakad saka naupo sa bench na nasa gilid ng kalsada. Wala kasing masyadong nagdadaan na sasakyan doon.

"Chu, ang konti palang ng nalalakad natin pagod ka na agad?" Tanong ni Jen habang nakapamaywang at nakatayo sa harap nya.

"E wala ka namang bitbit pano ka hindi mapapagod" inis na sabi ni Chu saka sya sinimangutan.

"Tara na Love, kung kelan malapit na tayo. Ako na magdadala nyan" pagpiprisinta ni Chaeng at akmang kukunin ang dala nya.

"Wag na Love! Kaya ko na, tara na" mabilis nyang tanggi saka agad na tumayo at nanakbo pa. Natawa naman sila Lisa at Jen sa inasta nya.

"Tignan mo, pag si Chaeng. Pfft" natatawang sabi ni Lisa saka sila sumunod.

Nang makarating sila sa beach ay agad silang naglatag ng telang dala nila sa tabing dagat, sakto at wala ding gaanong tao doon kaya solong solo nila ang lugar. Masaya silang nagtatawanan habang kumukuha ng mga litrato gamit ang camera na dala ni Lisa.

"Lis? Gusto mo talagang maging photographer no?" Tanong ni Chaeng habang nakatingin kay Lisa na kumukuha ng mga litrato, tumango tango naman si Lisa.

...

Habang ang apat ay nagkakasiyahan sa tabing dagat sa Jeju Island, sa bahay naman ng mga Kim ay nagkakagulo ang lahat.

"Kai?! Jin?! I told you to keep eyes on Jen and Chu?!" Galit na sabi ni Agatha Kim nang mabuksan nila ang kwarto at malamang wala doon ang dalawa.

"Mom?! What happened?" Tanong ni Tata nang saktong paglabas nya ng kwarto.

"H-hijo, sila Jen, wala sila Jen at Chu. Di ko alam kung nasan sila" natatarantang sagot ni Agatha.

"What?! Mom? Kala ko ba binabantayan sila?!" Pag akto ni Tata na kala mo ay sinisisi ang dalawa.

"Wala kaming alam, nasa mga kwarto kami para magpahinga" sagot ni Jin at napakamot ng ulo.

"We need to find them!" Sabi ni Agatha at paikot ikot na naglalakad at di alam ang gagawin. Maya maya pa ay kinuha nya na ang cellphone nya at paulit ulit na tinatawagan sila Jen at Chu. Pero dahil patay ang cellphone nila Jen ay wala ring nangyari.

"Kai! Kailangan nating hanapin sila Jen" nag aalalang sabi ni Agatha, saka may kung sinong tinawagan sa phone.

Ringing...

Maya maya ay sinagot na nga ang tawag, tinawagan nya si Sixto Kim ang daddy nila Jen.

"Hello? Agatha? Napatawag ka?" Sagot ni Sixto sa kabilang linya.

"S-sila Jen, sila Jen at Chu. Nawawala sila, hindi namin alam kung nasan na sila" mabilis nyang sabi. Agad namang ikinagulat ni Sixto ang sinabi nya.

"A-ano?! Pinagtanong nyo na ba sa mga kaibigan nya?!" Tanong pa ni Sixto.

"H-hindi pa"

"Ipagtanong nyo, balitaan nyo ako pag may balita na" nag aalalang ibinaba ni Sixto ang tawag. Iniisip nyang kasalanan nya kung bakit nagrerebelde ang mga anak nya.

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now