Lose contact...
---
Lumabas si Mommy ng kwarto at tanging si Chu at Tata nalang ang nandito.
"Ch-chu?! Ano nang balita kay Lisa? Okay na ba sya? Bakit hindi sya pwedeng pumunta dito?!" Sunod sunod kong tanong, umupo naman sa gilid ng kama ko si Chu at napabuntong hininga bago nagsalita.
"Jen, wala pa akong balita kay Lisa at Chaeng. Dapat nga pupuntahan ko sila kanina pero pinigilan ako ni Mommy. Kinumpiska nya pati ang phone ko" sagot nya habang hinahaplos ang likod ko.
"What?! Bakit?! Bakit hindi pwede?!" Tuloy tuloy kong tanong at halos patulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I don't really know why Jen, si Mommy. Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganon?" Alala nyang sagot saka ako niyakap.
Iniisip ko palang na hindi na kami magkikita ulit ni Lisa ay hindi ko na kaya. Bakit ganito kadamot ang tadhana saming dalawa? May ginawa ba akong masama sa dati kong buhay?!
"H-hindi pwede Chu, p-pano na si Lisa" naiiyak kong sabi, hindi ko napansin na nakikinig pala samin si Tata at tahimik lang na pinapanood kami.
"A-anong meron?" Tanong nya habang seryosong nakatingin samin. Sinabi naman sa kanya ni Chu ang lahat ng nangyari at maging sya ay nagulat sa ginawa ng mismong Mommy nya.
"Seriously? Mom slapped you?" Tanong nya kay Chu. Lalo naman akong naiiyak nang maalala ko ang lahat ng nangyari. Sobra akong nag guilty na nasa harap lang ako ni Lisa nung time na yon pero wala akong nagawa. Lalong lumaki ang galit ko kay Kai.
"T-tata, help me please" naiiyak kong sabi sa kanya.
"Shh, don't worry Jen. Tutulungan ko kayo. But for now you have to get well first. Hindi ka pwedeng humarap kay Lisa na ganyan ang kalagayan" sabi nya saka ako niyakap.
"Thank you oppa" sabi ni Chu saka nakiyakap na din.
"Aww, I never thought that you guys are so closed with each other" bungad ni Mommy ng makabalik sa kwarto at madatnan kaming tatlo na magkakayakap.
Agad kong pinunasan ang luha ko at nagkatinginan pa kaming tatlo.
"Pwede ka nang umuwi sa Saturday, Jen" sabi ni Mommy na sobra kong ikinatuwa. Malapit na tayong magkasama Lisa, just wait.
CHAENG'S POV
Alas dose na ng tanghali nang magising ako, agad akong nagbihis dahil plano kong pumunta sa bahay nila Lisa ngayon. Nagcommute lang ako papunta sa bahay nya.
"Tita?!" Sigaw ko habang kumakatok sa gate, pero si Lisa ang lumabas at nagbukas ng gate. May hawak pa syang ice pack at nakalapat sa muka nyang may pasa.
"Yah?! Okay kana ba?" Bungad ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay nila.
"Okay nako, di na rin to gaanong kumikirot" sagot nya, nadatnan ko naman si Tita na abalang nagluluto sa kusina.
"Tita, good afternoon" bati ko sa kanya.
"Chipmunk, buti napadaan ka" tipid nyang sagot at mukang busy sa pagluluto. Magkaharap kaming naupo sa sofa ni Lisa.
"Chaeng? Ano nang balita? Si Jen? Makakalabas na ba sya? Pano sila tatakas?" Sunod sunod nyang sabi.
"Wala pa akong balita, hindi ko macontact si Chu, nag aalala na din ako Lisa. Pano kung hindi na natin sila makita? I mean pano kung hindi na kayo magkita ni Jen?" Sabi ko at muntikan pang madulas tungkol sa relasyon namin ni Chu.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...