Two.

111 7 0
                                    

Meet you again...

---

JENNIE'S POV

"Guyss! Bilisan nyo mag ayos baka gabihin tayo sa daan!" Sigaw ni Lisa habang inaayos yung mga gamit sa likod ng kotse.

"Si Chu ambagal e" rinig kong dahilan ni Chaeng habang naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Ako pa idadahilan mo e ikaw nga tong kumuha pa ng pagkain" sabat naman ni Jisoo habang bitbit ang bag nya at inabot kay Lisa.

"Pano tong jug? Kasya pa ba?" Tanong ko kay lisa na kanina pa nag aayos.

"Don nalang yan sa loob!" Sigaw ni Chaeng at inagaw ang Jug saka nilagay sa loob.

Unti unting lumabo ang paningin ko at...

Narinig kong tunog ng alarm clock na nasa table sa gilid ng kama ko.

6 o'clock na pala ng umaga kaya naghanda nako, kailangan kasi namin pumasok ng maaga since first day namin ngayon.

"Jen?! Jen?!" Rinig kong sigaw ni Jisoo habang kumakatok.

"Gising nako!" Sigaw ko pabalik.

"Buti naman, kala ko tulog kapa. Magready kana" sabi nya saka tuluyang umalis.

Naligo nako kaagad saka nagbihis ng uniform. Kakabalik ko lang kasi dito sa Seoul mula sa States. Inayos ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto.

"Oh Jen, nasan na yung kapatid mo. Kumain na kayo, nakaready na yung breakfast nyo" bungad ni mommy habang pababa ako ng hagdan.

"Tapos nako!" Sigaw naman ni chu mula sa likuran ko na pababa na rin ng hagdan. Kumain na kami ng almusal saka nagpaalam kay Mommy.

"Jen, ingat sa pagd drive" paalam ni Mommy bago pa kami tuluyang umalis.

Nang makarating kami sa school kaagad kong pinarada ang kotse at bumaba na, anong oras na din kase kami nakarating dahil traffic. Nagtanong tanong pa kami sa mga estudyante hanggang sa makarating kami sa opisina ng prof namin kaso wala na dun.

Sakto namang nagring na ang bell kaya dumiretso na kami sa magiging classroom namin.

"Medyo kinakabahan ako" rinig kong bulong ni Jisoo.

"Oh ayan na pala sila" bungad samin ng prof namin na ngayon ay nakatayo sa harapan. Pumasok na kami at kaagad na pinagtinginan ng lahat ng estudyante. Nakakahiya, siguro namumula nako ngayon.

"Introduce yourself" dagdag pa ng prof namin.

"Annyeong, Kim Jisoo imnida" panimula ni chu.

"Annyeong, Kim Jennie imnida" pagpapakilala ko naman. Agad namang nagpalakpakan ang mga estudyante.

"So students, I hope you'll treat them well" sabi ng prof namin saka kami pinaupo.

Nakakita naman kami ng dalawang bakanteng upuan sa tabi ng dalawang babae.

"Uhmm hello? May nakaupo ba dito?" Tanong ko sa babaeng kanina pa nakatingin sakin. Pero para syang estatwa na nakatitig lang.

"Ahh wala, sige umupo na kayo" Sagot ng babaeng katabi nya. Naupo naman kami ni Chu saka nakinig sa prof. Pero buong araw din akong nailang dahil sa titig ng katabi ko. Anong problema nya.

"Ms. Manoban?!" Sigaw ng prof, agad namang napatingin sa babaeng katabi ko ang mga estudyante. So sya pala si Manoban?

"Ms. Manoban? Nakikinig kaba?!" Inis na sigaw ng prof namin sa pangalawang pagkakataon.

"Lisayahh!" Sigaw ng babaeng katabi nya na nakapagpabalik ng wisyo nya.

"Ha? Ano yon?" Lumilipad ang isip nyang tanong.

"Tinatanong ka ni Sir kung nakikinig kaba" sabat nanaman ng babae sa tabi nya.

"Y-yes sir" sagot nya.

"Then answer this equation" sabi ng prof namin at itinuro ang nakasulat sa board. Tumayo naman si Manoban at sinagutan ang nakasulat.

"Good" bati ng prof sa kanya ng masagutan nya yon ng tama. Bumalik naman sya sa pagkakaupo at nagfocus na sa discussion. In fairness tama yung sagot nya.

"So ikaw si Manoban?" Sabi ko.

"Lalisa Manoban, lisa nalang. Ako naman si Chaeyoung Park, chaeng nalang" sabat ng katabi nya.

"Ah Jennie, Jen nalang tas yung kapatid ko si Jisoo" sabay turo kay Jisoo na nasa kaliwa ko.

"Chu nalang" dagdag naman ni Jisoo.

"Nice to meet you" sabi ko sabay ngiti ng nakipagshake hands ako kay Chaeng.

"Sayo din Lisa" dagdag ko ng magshake hands kami.

"Nice to meet you din" sagot nya.

Pagkatapos ng ilang subject ay sa wakas ay break time na.

"Jen, san tayo?" Tanong ni Chu habang inaayos ang gamit nya.

"Ewan ko" sagot ko habang nagccp at parang walang balak na kumain.

"Lisa! Tara na. Wala ka bang balak kumain" sigaw ni Chaeng.

TBC...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now