Changes...
---
LISA'S POV
Pagkatapos umalis ni Jen para mag cr ay ilang minuto lang at sumunod nako sa kanya, sobrang tagal naman nya sa banyo. Nang pagpasok ko sa cr ay narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa isang cubicle.
"Dad, bat ba kailangan pati yon pakialaman nyo pa?" Sigurado akong si Jen yon, mukang kausap nya ang daddy nya mula sa cp.
Nakikinig lang ako sa kanya mula sa tapat ng cubicle pero hindi ko marinig yung sinasabi ng daddy nya.
"Jen?" Sabi ko na kunwari ay kararating lang at hinahanap sya.
"Sige Dad, I have to go" rinig kong sabi nya bago binaba yung tawag. Lumabas naman sya.
"Oh Lisa?" Matamlay nyang tanong. Ano kayang pinag usapan nila? Ano yung pinakialaman?
"Antagal mo kasi kaya sinundan na kita, kailangan na natin bumalik sa klase" palusot ko. Umalis naman kami agad ng coffee shop at bumalik na dahil tapos na ang breaktime.
Habang nagtuturo na ang prof namin ay diko maiwasang maisip kung anong pinag usapan nila. Ewan ko ba kung bakit sobra akong nagc care sa kanya. Minsan napapansin ko nalang na laging sya ang iniisip, ang weird. Napapangiti nya ako kahit sa mga simpleng bagay, teka inlove na bako?
"Erase erase erase" bulong ko sa sarili ko saka nagfocus sa discussion.
"I'll be giving you a by pair presentation" rinig kong sabi ng prof namin habang nagsusulat sa board.
"You can choose your own topics, but make sure it'll be interesting. The presentation will be next week so you still have 5 days to prepare" dagdag pa nya saka pinakita ang criteria ng presentation.
Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagsipili na ng partner nila pero kaming apat wala pa.
"That's all for today" paalam ng prof saka tuluyang lumabas ng classroom. Habang wala pa ang susunod na prof napag isipan naming magkwentuhan muna.
"Uy Chaeng, partner nalang tayo" napatingin naman kaming tatlo kay Chu na nagpapakyut pa.
"Bat ako? Ayaw mo kay Jen?" Sagot naman ni Chaeng.
"Bilis na tayong dalawa nalang partner, wag kana umangal" pagpipilit naman ni Chu.
"Tas tayo nalang partner Lisa" sabat naman ni Jen na kanina pa nakikinig sa usapan.
"Sige ba" mabilis ko namang sagot kaya napangiti sya.
"Oh tignan mo, partner na sila Lisa tayo nalang walang partner"
"Oo nalang" sagot naman ni Chaeng at tuwang tuwa naman si Chu.
"Jen, saan tayo?" Tanong ko kay Jen na parang may malalim na iniisip.
"Hoy bawal kayo sa bahay ah! Dun kami ni Chaeng" sabay naman ni Chu na sinang ayunan naman agad ni Chaeng.
"Dun nalang kayo kila Chaeng" sabi ko.
"Wag na, kilala mo naman si kuya saka yung mga kaibigan nyang kabute. Pagt tripan lang kami non" dispensa naman ni Chaeng.
"Dun nalang tayo sa inyo" sabat naman ni Jen at hindi na rin ako tumanggi.
"May kuya kaa?!" Tanong ni Chu nang biglang nagsiayos ang mga kaklase namin, nandyan na pala ang subject prof namin.
Matapos ang mahabang discussion ay sa wakas at makakauwi na rin kami.
"Chaeng!" Sigaw ko ng makita ko si Chaeng na nakatayo sa bus stop. Napatingin naman sya sakin saka ako tumakbo palapit sa kanya.
"Buti naabutan kita" sabi ko at medyo hinihingal pa.
"Bakit?" Tanong nya.
"Wala lang, sabay tayo umuuwi diba? Bat di moko hinintay" sagot ko.
"Kala ko kasi di ka sasabay sakin" sabi naman nya. Ewan ko kung anong problema nya netong nakaraang araw pero parang di nya ako gaanong pinapansin.
Peep...Peep...
Rinig kong busina ng sasakyan na nasa harap namin. Binuksan naman nila ang bintana ng kotse.
"Lisa, sabay na kayo samin!" Sigaw ni Chu. Hindi naman na ako tumanggi at hinila kaagad si Chaeng pasakay ng kotse nila.
"Jen di mo nasabi na marunong ka pala magdrive" sabi ko.
"Oo, natuto ako nung nasa States ako" sagot naman nya at nakatingin lang sa daanan. Saglit kaming natahimik.
"Himala, ikaw pa naghatak sakin pasakay sa kotse" sabi ni Chaeng. Napatingin naman ako sa kanya at di umimik ng maalala kong may Amoxaphobia ako.
"Ha?" Sabat ni Chu.
"Aah wala, may phobia kase si Lisa sa pagsakay sa kotse" sagot naman ni Chaeng. Napahinto naman saglit si Jen saka napatingin sakin.
"Okay lang, nac control ko naman paghinga ko" sabi ko saka nya tinuloy ang pagmamaneho.
TBC...
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...