Fourty eight.

22 2 0
                                    

Flirt...

---

JEN'S POV

Gusto ko mang sundan sila Lisa ay hindi ko magawa. Alam kong masakit para sa kanya ang mga nasaksihan nya, at siguradong hindi pa sya handa na marinig ang lahat. Padabog akong umakyat sa kwarto at kaagad na kinuha ang phone ko para tawagan si Daddy.

Ringing...

Maya maya pa ay sinagot nya din. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago magsalita.

"Dad?" Bungad ko.

"Oh Jen? Kasama mo na si Kai?" sagot nya mula sa kabilang linya.

"Dad? Bakit hindi nyo sinabi na dadating sila?" Inis kong sabi.

"Hindi mo ba nagustuhan? Sinorpresa nga nila kayo"

"Sobra nga akong nasorpresa, they ruined my night. Dad, kelan nyo ba ititigil tong kahibangan na to?" Sunod sunod kong sabi.

"Jen, anak. Ginagawa naman nila ang lahat para mapamahal kayo sa kanila, why don't you give them a chance"

"Dad, lahat naman ng gusto nyo ginawa ko na. Pinasama nyo ko sa States para doon mag aral, ginawa ko. Pinakuha nyo ako ng course na hindi ko naman gusto dahil sakin nyo pinagkatiwala ang Taejin, tinanggap ko kahit ayaw ko. Dad, pano naman ako?" Medyo naluluha ko nang sabi. Hindi ko na sya pinagsalita at tuluyang binaba ang tawag.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol sa iyak, yung pinaghirapan ko nawala lahat. Okay na kami ni Lisa, bakit lagi nalang may hadlang.

"Jen? Kakain na bumaba kana!" Rinig ko ang boses ni Kai na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Pinunasan ko ang luha ko saka naghilamos bago lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay nagkatinginan pa kami.

"Kakain na babe, tara na" sabi nya at akmang hahawakan ang kamay ko.

"Marunong ako maglakad mag isa, di ko kailangan ng alalay" inis kong sabi saka padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko at nauna nang bumaba.

"Oh girls, buti naman bumaba na kayo" bungad ni Mommy na nakaupo sa dulo ng lamesa. Nakasalubong ko si Chu na kabababa lang din, saglit kaming nagkatinginan. Mukang galing din sa pag iyak. Now I know na mahal na mahal nya si Chaeng, I think its been 6 years nung huli ko syang nakitang umiyak.

"Luv, dito kana" sabi ni Jin at inayos pa ang upuan na nasa harap ni Chu, pero hindi sya pinansin ni Chu at naupo sa tabi ko. Magkakaharap kami nila Kai at Jin.

"See, you all look perfect. Bagay na bagay kayo" sabi ni mommy habang nakatingin saming apat. Nakakailang subo palang ako ng pagkain pero pakiramdam ko ay sobrang busog nako. Agad akong tumayo at akmang aalis na.

"Jen?! San ka pupunta?" Tanong ni mommy.

"I lose my apetite" walang gana kong sagot, saka sila iniwan sa baba. Pag akyat ko ay dumiretso ako sa balcony at agad na tinext si Lisa. Tinadtad ko na sya ng text at puro missed calls, pero walang ni isang sagot. Ni hindi ko alam kung binabasa nya ba ang mga message ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa kalangitan. Naalala ko ang mga nababasa ko sa libro tungkol sa reincarnation. Kung mamatay kaya ako ngayon at mareincarnate? Wala na kayang hahadlang samin ni Lisa? Magiging malaya na kaya ako?

Ilang oras din akong nakatayo sa balcony at ni hindi dinadapuan ng antok, kung ano ano nang pwesto ang ginawa ko don at hinihintay na antukin man lang ako pero wala talaga, sobra talaga akong nag ooverthink kay Lisa. Umiiyak kaya sya ngayon? Gising pa kaya sya?

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now