Eight.

29 4 0
                                    

Accident?...

---

Habang nanatiling naghihintay ay may nakita akong isang litrato na nakadisplay sa study table nya. Mukang family picture kaso medyo malabo na yung litrato.

"Oh pinaakyat kana pala ni mama" rinig kong sabi ni Lisa na kalalabas lang ng banyo. Agad ko namang binalik ko naman agad yung picture.

"Sabi ni tita dito na daw kita hintayin" sagot ko.

"Pasensya kana kay mama, madaldal talaga yun kapag may bisita" sabi nya na kinatawa ko naman.

"Masaya ngang kausap mama mo"

Pagtapos nyang magblower ng buhok ay agad naman syang pumwesto sa upuan na nasa harap ko.

"So ano? Umpisa na tayo?" Tanong nya. Nilabas ko naman ang dala kong laptop at mga libro saka kami nagsimulang gumawa ng presentation.

"Hindi pa tayo nangangalahati anong oras na" sabi ko habang sinisipat sipat ang oras sa relo ko.

"Kalma, hindi naman natin to kailangan madaliin. Next week pa to diba" sabi naman nya. Pumunta muna ako sandali sa banyo para umihi.

"Jen! May tumatawag sayo daddy mo" sigaw ni Lisa mula sa labas.

"Teka, pakisagot muna" sigaw ko pabalik habang sinasara ang zipper ng pantalon ko saka ako lumabas. Inabot nya naman sakin ang phone.

"Hello dad?"

"Jen, nacancel ang flight ni Kai. May kailangan pa syang asikasuhin sa ngayon. Abisuhan mo ang Tita mo, okay?" Rinig kong sabi sa kabilang linya. Sa ilang sandali pa ay binaba nya na ang tawag. Napangiti naman ako sa narinig ko.

"Oh? Anong meron ngiting ngiti ka?" Tanong ni Lisa habang nakatingin sakin.

"Wala, may good news lang" sagot ko saka naupo sa gilid nya. Ang weird pero sobrang saya ko na nacancel ang flight ni Kai.

"Lisaa?! Kumain muna kayo. Nagluto ako ng pagkain" sigaw ni Tita habang kumakatok.

"Sige po ma!" Sagot naman ni Lisa saka tinabi ang mga gamit.

"Tara na kain muna tayo" sabi nya sabay hila sa kamay ko.

"Teka, wag mo nako hilahin kaㅡ" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng nahatak ko sya pahiga, nakapaibabaw sya sakin at nagkatinginan pa kami. Sandali kaming natigilan at parang naging bato. Nagulat ako sa mga pangyayari, ewan ko ba pero may naramdaman akong kung anong bagay na di ko maintindihan. Weird.

"Lisaa?!" Sigaw ulit nang mama nya, sa pagkakataong yon ay binuksan nya ang pinto at nagulat sya ng makita ang posisyon naming dalawa. Nang makita namin sya ay natataranta naman kaming tumayo.

"Kakain na bumaba na kayo" sabi ni Tita na parang walang nakita.

"S-sor-ry, diko sinas-sadya" sabi ni Lisa na medyo namumula pa ang pisngi.

"O-okay lang" sagot ko naman habang nakatakip sa dalawa kong pisngi.

Bumaba na kami at nagpunta ng kusina para kumain. Nakita naming nakahanda ang ddeokbokki at mulnaengmyeon na mukang napakasarap.

"Oh umupo na kayo" sabi ni Tita habang sinasandukan na kami ng pagkain. Naupo naman kami kaagad si Tita sa gilid at magkaharap kami ni Lisa.

"Yung kanina..." sabi ni Tita habang ngumunguya ng pagkain. Agad naman akong napatingin sa kanya at si Lisa ay muntik pang mabulunan.

"Naistorbo ko ba kayo?" Dagdag pa ni Tita at tuloy lang sa pagkain. Agad naman akong namula sa hiya. Aish.

"Mamaa naman! Aksidente nya lang akong nahatak no" pagdidipensa ni Lisa saka uminom ng tubig.

"Ano bang sinasabi mo? E ang tinutukoy ko e kung naistorbo ko kayo sa presentation nyo nung kumatok ako" sabi ni Tita, napatingin naman ako kay Lisa na mukang namumula din.

"Nga po pala, Tita? Nasan po si Tito?" Pag iiba ko ng usapan saka nagpatuloy sa pagkain.

"Ah si papa, matagal nang wala" sagot naman ni Lisa.

"You mean? Patay na?" Tanong ko pa.

"Oo" sagot naman ni Tita.

"Sorry po for asking"

"Okay lang, matagal na naman yun at tanggap na namin" dagdag pa nya. Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa kwarto nya.

"Jen? Anong oras ka uuwi? Baka hinahanap ka na ng mommy mo?" Tanong ni Lisa habang nagpipindot sa laptop. Tinignan ko naman kaagad ang wrist watch ko, 6pm na pala.

"Sabi ni Chu mga 7 daw uuwi si Chaeng kaya may one hour pa" sagot ko habang binabasa ang topic na pinili namin. Saglit kaming natahimik dahil sa ginagawa.

"Anong feeling ng kumpleto pamilya?" Pagbasag nya sa katahimikan.

"Hahahahaha, hindi naman ako complete family" sagot ko.

TBC...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now