Seven.

39 4 0
                                    

Project...

---

JEN'S POV

"Jen?! Pupunta ka kay Lisa diba?" Bungad ni Chu ng bumaba sya at umupo sa katabing upuan ko.

"Oo" sagot ko naman habang kumakain ng tanghalian. Wala kasing pasok ngayon since holiday kaya uumpisahan na namin ang presentation namin.

"Sasabay ako haa, malapit lang naman dun si Chaeng. Nagpapasundo sya e" paliwanag nya saka kumain para sa tanghalian.

"Ikaw magd drive?" Tanong naman ni mommy na kanina pa pala nakikinig samin. Napatingin kaming dalawa sa kanya na kumukuha ng tubig sa ref.

"Yes mom, pupunta sya dito kasi di kami pwede sa kanila" sagot naman ni Chu.

"And what about you Jen?" Tanong nya sakin.

"Dun ako sa bahay ni Lisa mom." Sagot ko saka tumayo.

"Take care girls" rinig kong sabi nya nang makaakyat nako at bumalik sa kwarto para maghanda. Nilagay ko sa isang backpack ang laptop ko at dalawang libro na kakailanganin namin.

"Chu? Tara na" sigaw ko habang kinakatok ang kwarto ni Chu. Nagulat naman ako nang lumabas sya na nakasuot ng damit na kala mo ay makikipagparty.

"Ano ba yang suot mo" natatawa ko pang sabi.

"Bakit? Panget ba?" Sabi nya saka tumingin sa suot nya.

"Hindi, ang oa lang" sabi ko saka mas lalong natawa.

"Psh tara na" sabi nya saka ako hinila papunta sa garahe.

Nang makarating kami sa gate ng compound nila Lisa.

"Jen? Ano na? Wala paba? Kanina pa naghihintay sakin dun si Chaeng" iritableng tanong ni Chu dahil kanina pa namin kinocontact si Lisa para sunduin ako dito sa labasan.

"Wala pa nga e" sagot ko saka ulit tumawag.

"Pagtanong tanong mo nalang kaya, malapit lang naman yata bahay nila" suhestyon ni Chu.

"Sige, basta dumaan ka dito pag susunduin mo na si Chaeng" sabi ko naman saka kinuha ang backpack ko. Lumipat naman sya sa driver's seat at nagsimulang magdrive.

"Ingat Chu baka makabangga ka nanaman" paalam ko at dumila lang sakin bago nagdrive paalis.

Nagsimula nakong maglakad lakad nang makakita ako ng babaeng kalalabas lang ng gate nila, mukang magtatapon sya ng basura.

"Uhmm excuse po?" Tanong ko, napaharap naman sya kaagad sakin pagtapos itapon ang basura.

"Yes? Hija ano yon?" Tanong nya.

"Aah alam nyo po ba kung saan nakatira si Lisa Manoban?" Tanong ko.

"Aah, ikaw ba si Jen?" Tanong ng babae. Nagulat naman ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Opo?"

"Aah dito nakatira si Lisa, tara na sa loob" sabi nya saka ako pinagbuksan ng gate.

"Umupo ka muna jan, tatawagin ko lang si Lisa" natataranta nyang sabi at nagmamadaling umakyat. Napangisi naman ako sa inasta nya, mukang sobrang linis ng bahay.

"Jen? Ang aga mo naman" sabi ni Lisa habang pababa ng hagdan at nakapantulog pa.

"Nagising ba kita?" Sabay ngiti.

"Hindi naman, nga pala pano mo nalaman na dito ako nakatira? Sabi mo hintayin kita sa labasan?" Tanong nya saka umupo sa gilid ko.

"Aah nakita nya kasi ako sa labas, ako pa napagtanungan nya" sabat naman ng mama nya na natatawa pa.

"Yeah, nagulat nga ako na kilala pala ako ni Tita" sagot ko naman.

"Teka hintayin moko dito, maliligo lang ako saglit" sabi nya saka bumalik sa kwarto.

"Aah nak kwento ka kasi sakin ni Lisa. Nako kung alam mo lang, pagkauwing pagkauwi e ikaw kaagad ang bukambibig" sabi ni Tita na ikinatawa ko naman. Naupo sya sa tabi ko saka inilapag ang isang baso ng juice.

"Oh uminom ka muna hija, mainit sa labas kaya siguradong nainitan ka" dagdag pa nya, agad ko naman ininom yon dahil hindi talaga ako sanay ng naiinitan.

"Thank you po" sabi ko saka nilapag ang baso.

"Totoo nga nakwento sakin ni Lisa, mabait ka nga at maganda pa" agad naman akong namula sa sinabi nya.

"Aah h-hindi naman po" nahihiya kong sagot. Natawa lang sya sa inasta ko at nagkwentuhan na nga kami. Matapos ang mahabang kwentuhan hindi parin lumalabas ng kwarto si Lisa.

"Hija, mabuti pa dun kana maghintay sa kwarto nya" suhestyon ni Tita, umakyat na din ako dahil mukang may gagawin pa sya.

Pagpihit ko ng door knob ay hindi naman nakalock kaya pumasok na ako. Pagpasok na pagpasok palang naamoy ko na ang amoy ni Lisa, ambango.

"Lisaa?!" Tawag ko sa kanya saka naupo sa gilid ng kama, pero walang sumasagot.

TBC...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now