Ten.

30 3 0
                                    

Mood...

---

LISA'S POV

Kinabukasan..

"Goodmorning!"

"Morning Lisayahh"

Bati nila Jen at Chu at naupo sa pwesto nila.

"Morning" bati ko naman.

"Ano nanaman yan Lisayah, ang aga aga kung ano ano nanaman binabasa mo" sabi ni Chu at sumilip pa sa phone ko. Agad ko naman yong tinabi.

"E kasi wala pa kayo, wala ako makausap" sagot ko.

"Nasan ba si Chaeng?" Tanong naman ni Jen habang sinasalpak ang earphone nya.

"Ewan ko" sagot ko at kinuha ang earpiece sa tenga nya saka sinuot.

"Guys! Goodmorning!" Bati ni Chaeng na malaki pa ang ngiti at palapit samin.

"Morning!" Bati din namin tatlo sa kanya.

"Jigeum dangjang manheungol baraneun ge anya geujeo nae gyeote stay with me~" sabay naming kanta ni Jen habang pinakikinggan ang Stay ng blackpink. Sabay naman kaming natawa ng matapos sa pagkanta.

"Blink ka pala?" Nakangiting tanong sakin ni Jen, kitang kita ko ang gummy smile nya. Ang cute talaga netong pusa nato hshshs.

"Yeah" sagot ko naman.

"Chu tabi!" Sigaw ni Chaeng na nakatayo na pala ngayon sa harap ni Chu.

"Oh Chaeng ang init ng ulo mo? Kanina lang good mood ka?" Tanong ko nang makaupo sya.

"Ang pangit kase ngayon ng atmosphere! Parang may mga ulap na naglalandian!" Inis nyang sagot saka padabog na binaba ang bag nya.

"Wag mo na pansinin yung atmosphere. Kain nalang tayo, may dala akong pagkain" sabat naman ni Chu na ikinatawa ko.

"Magkasundo talaga kayo pagdating jan no" sabi ni Jen na natatawa din.

"Psh! Wag kayong hihingi" sabi naman ni Jisoo at didila dila pa. Di naman na sumagot si Chaeng at kumain ang dalawa. Di manlang nga namigay. Haist.

"Nga pala? Anong nangyari sa ginawa nyong presentation kahapon?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayon, di pa tapos" sagot ni Chaeng na mukang hindi na sinusumpong dahil nakakain na.

"E kayo anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Chu.

"Samin? Walang nangyari samin no!"

"Wala talaga" pagdedepensa namin ni Jen. Napatingin naman sila samin at napakunot ng noo.

"Sabi ko, anong nangyari sa presentation nyo." Paglilinaw ni Chu. Agad naman kaming namula ni Jen dahil sa naging reaksyon namin.

"Aah, ayusin mo kasi yung tanong mo" sabi ni Jen na medyo namumula pa.

"Ayun hindi pa din tapos" sagot ko. Nagkatinginan naman kami ni Jen, habang ang dalawa ay kunot noo paring nakatingin samin.

"Bakit may nangyari ba kahapon na di nyo sinasabi samin?!" Madiing tanong ni Chu.

"Jen? Ano?!" Tanong nya pa at tinaasan ng kilay si Jen.

"Wala nga!" Sagot naman ni Jen.

"Lisayahh?" Tanong ni Chaeng at tinaasan ako ng kilay.

"Wala naman nangyari" kalmado kong sabi kaya't di na sila nangulit pa. Mabilis na lumipas ang oras at uwian na namin.

Di nako nakapagpaalam pa kila Chaeng dahil kailangang makauwi ako ng maaga, naalala ko kasing may 500 pcs. na order kay mama kaya kailangan ko syang tulungan magribbon. 4pm kukunin na yung mga cupcakes kaya rush talaga.

"Ma, nandito nako" bungad ko kay mama na nakita kong kasisimula palang sa pagriribbon.

"Buti naman maaga kang umuwi, kumain ka muna" sabi nya matapos kong magmano sa kanya. Pumunta naman ako ng kusina at saglit na kumain saka bumalik sa sala.

Umupo ako sa couch at nagsimula na ring magribbon ng mga box. Tahimik lang kaming dalawa at busy sa ginagawa.

"Ma?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Sa tingin mo bakit may mga taong nahuhulog sa katulad nilang kasarian?" Tanong ko, saglit naman syang napahinto sa ginagawa at tinuloy rin bago magsalita.

"Kase nak, hindi naman basehan ang gender sa pagmamahal. Hindi naman natin kontrolado ang lahat, hindi porket babae ka e hindi kana mahuhulog sa kapwa mo babae." Sagot naman nya.

Tama nga si mama hindi natin kontrolado ang puso natin, kaya kahit na sabihin nating gusto na nating kalimutan ang isang tao, nananatili parin sa puso ang lahat. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko si Jen, alam kong medyo nahuhulog nako sa kanya at di ko macontrol ang sarili ko kapag nanjan sya, tulad nalang kahapon. Siguro kung di pa ni mama binuksan ang pinto, nahalikan ko na sya.

"Bakit mo ba natanong?" Tanong ni mama habang patuloy lang kami sa ginagawa.

"Wala lang ma" sagot ko.

To be continued...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now