Leave...
---
LISA'S POV
Maaga akong gumising para mag impake ng gamit. Bumaba muna ako para mag almusal dahil langhap na langhap ko ang masarap na almusal na niluluto ni mama.
"Ma? Ambango naman, anong niluluto mo?" Bungad ko sa kanya saka naupo sa harap ng mesa.
"Buti naman, gising kana" sagot nya saka nilapag sa mesa ang niluto nyang kimbap. Hmm, ang bangoo.
"Syempre ma, maghahanda nako ng gamit ko para bukas" ngingiti ngiti kong sagot habang kumukuha ng pagkain.
"Excited kana, sigurado na ba kayo don?" Napatingin ako sa direksyon ni mama na seryosong kumakain.
"Sabi nila Chaeng, sure na daw yon. Atsaka lalabas na si Jen sa sabado, tiwala akong di sila papayag na hindi matuloy yung plano" sagot ko saka sumubo ng pagkain.
"Mag iingat kayo nak, sana sa pagkakataon na to. Maging maayos ang pagtakas nyo" nakangiti nyang sabi kaya nginitian ko din sya. Sobrang swerte ko sa mama ko no? Nakasuporta sya sa kung anong gusto ko.
Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang mga pinggan saka bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang lahat ng damit na susuutin ko pati na yung mga importanteng bagay.
Halos maggagabi na rin nang matapos ako sa pagiimpake, tumawag naman ako kay Chaeng para sabihing naihanda ko na ang lahat.
Ringing...
Maya maya pa ay sinagot na nya ang tawag.
"Oh? Lisayah? Tapos kana maghanda?" Bungad nya sa kabilang linya.
"Tapos na! Nahanda ko na lahat, bukas agahan mo haa!"
"Pshh, matutulog na nga dapat ako para maaga ako magising bukas" natawa naman ako sa sinabi nya, mukang parehas pala kaming excited.
Sino ba naman kasing hindi maeexcite kung makakasama mo na yung taong mahal mo? Diba?
"Osige sige, matulog kana" sagot ko saka binaba ang tawag.
"Nak! Hindi kana ba kakain?" Sigaw ni mama habang kumakatok sa pinto, agad naman akong tumayo at hinarap sya ng ngingiti ngiti.
"Hindi na ma" sagot ko, maging sya ay napangiti rin naman sa itsura ko. Agad akong bumalik sa pagkakahiga saka agad na natulog.
Kinabukasan...
Pagkagising ko ay agad akong dumiretso sa cr para maligo, nagsuot ako ng hanging shirt at fitted jeans saka sneakers. Nakailang ulit na rin akong humarap sa salamin, halos magmodel na nga ako.
Binaba ko na ang gamit ko saka prenteng naupo sa sofa.
"Oh? Bihis kana kaagad? Akala ko e gigisingin pa kita" bungad ni mama habang pababa ng hagdan.
"Mahirap na maiwan ma" natatawa kong sagot. Dumiretso naman sya sa kusina para magluto.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong nya. Umiling iling lang ako at nagcellphone. Antagal naman nila Chaeng.
CHAENG'S POV
Kasalukuyan akong nakasakay sa van, maaga ako sinundo nila IU at Seulgi.
"Chaeng? Pano kung may maghanap sa inyo? Anong sasabihin namin?" Tanong ni Seulgi na nagmamaneho, napatingin din naman sakin si IU.
"Ang sasabihin nyo lang araw na kayong walang contact samin, hindi tayo nagkita at hindi nagusap" sagot ko.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...