The beginning of the ending...
---
LISA'S POV
Habang minamaneho ang kotse pauwi, rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko mula sa likod.
"Chaeng nakita mo yun?" Narinig kong sigaw ni Jisoo sabay halakhak ng malakas.
"Para kang sira, ako na naman napagtripan mo" inis na sabat ni Chaeng.
"E kase anlaki ng sinubo mo dito, puro ka kase kain" habang pinapakita ang litrato ni Chaeng na may nginunguyang pagkain.
Napatingin naman ako sa katabi kong si Jennie, kanina pa to nagbabasa mula sa cp nya.
"Jen? Antahamik mo?" Tanong ko habang nanatiling nakatingin sa daanan.
"Psh, wag kang maingay nagbabasa ako" sagot naman nya.
"Panigurado tungkol nanaman yan sa mga reincarnation, pft" entrada nila chaeng saka nagtawanan. Tss abnormal talaga.
"E ikaw Lisa? Naniniwala kaba sa reincarnation?" Tanong ni Jennie habang patuloy lang sa pagbabasa.
"Ako? Kung totoo man yan kahit itaya ko pa buhay ko" Sagot ko kaya't napatingin silang lahat sa akin.
"E pano kung ito na yung huling araw mo sa mundo? Maniniwala ka ba sa huling sandali mo?" Sunod sunod nyang tanong na hindi ko na nasagot.
"Nako tama na nga yan, wala namang totoo sa mga nababasa mo" entrada ni Jisoo.
"Gaiz gusto nyo?" Alok ni Chaeng habang kumukuha ng Softdrinks sa jug.
"Puro ka naman kain, kunwari kapa nililibang mo pa kami. Penge nga" natawa naman ako sa naging reaksyon ni Jisoo.
Habang sinisipat ang oras di ko sinasadyang matabig ang cellphone ko kaya't nahulog. Ipapaabot ko sana kay Jennie kaso hindi maistorbo sa pagbabasa nya.
Pilit kong inabot ng kanan kong kamay ang cellphone habang minamaneho ang sasakyan. Nang biglang may sumulpot na truck ng construction supplies at nabunggo ang sasakyan namin.
Hindi nako nakapagpreno pa, nakayuko ako kaya't di ako natamaan ng naglaglagang bakal, natanggal din ang kisame ng kotse kaya nabagsakan ako ng isang hallowblock.
"Eonnie?! Guys?!" Rinig kong sigaw ni Chaeng habang umiiyak, medyo nahihilo na ako sa pagkakataong yon pero pinilit ko paring tumayo.
At ikinagulat ko ang nasaksihan ko ng makita ko sila Jennie, Jisoo, at Rose na naghihingalo. Naramdaman kong nagsasara na ang mga mata ko at kaagad na bumagsak.
"Nak?! Nak?!" Rinig kong sigaw ng Mama ko.
"Nak! Gumising ka na!" Paulit ulit na sigaw.
Nang bigla akong nakaramdam ng isang palo kaya't napabalikwas ako agad at tumayo.
"Anong nangyari?!" Sigaw ko.
"Ginigising lang kita, male late kana, may pasok kapa" sagot ni Mama bago lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng maisip kong nananaginip lang pala ako. Sinipat ko ang muka ko dahil sa likidong tumutulo mula doon.
Teka? Umiiyak bako? Agad kong pinunasan ang mata ko at nag ayos na sa pag pasok.
Sa School...
"Lisaaa?!" Rinig kong sigaw ng kaibigan kong si Chaeng mula sa malayo. Agad nya akong sinalubong ng yakap.
"Oh, ano yan? Two days lang tayong di nagkita, ang OA mo" pagsusungit ko.
"Eto naman napaka, nga pala may ibabalita ako sayooo!" Excited nyang sabi habang sabay kaming naglalakad sa corridor ng building.
"Ano nanaman yang chismis mo?" Tanong ko.
"Alam mo ba?! May bago tayong kaklase" entrada nya.
"And so? Ano naman ngayon?"
"And guess what! Magkapatid silaaa. Yun nga lang di ko pa sure kung babae ba o lalaki e" sagot nya habang kinikilig kilig pa.
"Pero kung lalaki, sana gwapo" dagdag pa nya at pinulupot ang kamay sa braso ko habang hinihila dahil sa kilig.
"Ano ba ang ara mo" iritable kong sabi.
"Eto naman napakasungit, meron ka ngayon no?" Di ko nalang sya pinansin pa hanggang sa makarating na kami sa classroom namin.
Umupo ako sa palagi kong pwesto at ganon din si Chaeng na nakaupo sa tabi ko. Maya maya nagsimula na nga ang klase.
"Goodmorning Class!" Bungad ng first subject prof namin.
"Goodmorning Sir"
"So I think nabalitaan nyo na, na may bago kayong kaklase" -sir
"Uy ayan na lisayahh" Excited na sabi ni Chaeng habang niyuyugyog ako ng braso nya.
"Ano ba wag excited" giit ko.
"Oh ayan na pala sila" sambit ng prof namin ng may dalawang babae na pumasok sa classroom namin.
Sa pagpasok nila ay napukaw agad ang atensyon ko ng isang babae. Kaya't napatulala ako sa kanya.
TBC...
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanficDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...