Nineteen.

22 3 0
                                    

Shared room...

---

"Jen sino yun?" Nakataas ang kilay na tanong ni Chu.

"Aah, wala nakakwentuhan ko lang" sagot ko saka dumungaw sa nakabukas na bintana at dinama ang hangin.

"Wala pa tayo sa pupuntahan, may naakit kana agad" natatawa tawang sabi ni Chaeng. Natawa nalang rin kami ni Chu sa sinabi nya habang si Lisa ay parang walang naririnig na nakakunot ang noo.

"Okay guys were here!" Sigaw nila Chu at Chaeng nang makapagpark kami. Nandito kami ngayon sa beach. Kanya kanya kaming bitbit ng mga gamit namin saka dumiretso na sa bahay na nasa tabing dagat. Vacation house pala to ng family nila Chaeng at tanaw na tanaw ang katabing beach ressort.

"So eto pala yung sinisecret nyo samin?" Tanong ni Lisa na kanina pa mainit ang ulo.

"Yeah, don't you like it?" Tanong naman ni Chaeng.

"Pwede na" tipid na sagot ni Lisa. Agad kong kinuha ang mini camera na lagi kong dala sa mga gala. Naglakad lakad ako palapit sa dagat saka kumuha ng mga pictures.

"Jen! Picturan moko dali!" Sigaw ni Chu saka pumwesto na sa gitna at nagpacute sa camera. Nakailang kuha rin kami ng picture bago mapagod at napagpasyahang magpahinga muna.

Pumasok kami sa bahay nila at nag ikot ikot muna sa loob. Nakita ko si Lisa at Chaeng na inaayos ang mga pinamili nilang pagkain.

"Guys? May matutulong bako?" Tanong ko habang nakatayo sa harap nila.

"Oh sure. You can cook for our dinner" suhestyon naman ni Chaeng habang si Lisa ay walang kibo at patuloy lang sa ginagawa.

"Okay sige" pag sang ayon ko naman. Agad akong kumuha ng mga engredients na gagamitin ko. Kumpleto kasi ang binili nila Chu para sa samgyeop at kimchi.

Maya maya pa ay naglatag sila ng malinis na carpet sa gitna ng mga sofa na pwede naming maupuan. Balak kasi naming dun kumain. Inihanda nila ang gagamiting stove at grilling pan para sa karne.

Pagtapos ko naman lutuin ang ginawa kong kimchi ay agad ko yong dinala sa sala. Nakapwesto na ang tatlo. Magkaharap si Chu at Chaeng habang sa harap ko naman si Lisa.

"Btw guys? San tayo matutulog?" Tanong ni Lisa habang busy sa pagkain ang dalawa.

"Uhmm, dalawa lang kwarto dito na magagamit natin. So we have to be divided into two" sabi ni Chaeng saka nagpatuloy sa pagkain.

"Then lets play a game!" Suhestyon ni Chu. Lahat naman kami ay napatingin sa kanya. Ano nanaman kayang pauso neto.

"Anong game?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lisa. Ako ang taga grill ng mga karne habang sila nanginginain. Well, ako ang naassign sa pagluluto, haist.

"Edi ano pa ba, pabilisan makaubos nang pagkain!" Suhestyon pa ni Chu. Napatingin naman ako sa kanya. Sa dinami dami ng ipapalaro, yun talaga?

"Game ako jan!" Mabilis namang sang ayon ni Chaeng.

"So since si Jen ang nagluluto, yung matatalo makakasama nya sa kwarto. And! Bukas sya naman ang tagaluto" paliwanag ni Chu. Napakadayang laro diba?

"So ano game kaba?" Tanong pa ni Chu kay Lisa.

"Ano pa bang magagawa ko? Nagpapaawat kaba?" Pagsusungit ni Lisa at natawa naman ang dalawa. Hinintay muna nila akong matapos sa pagluluto ng tatlong platong mga karne saka ko sila binigyan isa isa.

"Ready! Set! Start!" Sigaw ko bilang hudyat na simula na ang laro. Naging mainit ang labanan sa pagitan ng tatlo. Lahat sila gustong manalo.

"Grabe naman, ayaw nyo bako kasama" entrada ko, muntik namang mabilaukan si Lisa sa sinabi ko habang si Chu ay tinawanan pa sya. Nagpatuloy lang ang tatlo sa pagkain, maya maya pa ay nauna si Chaeng sa laro.

Habang ang dalawa ay nagtatagisan pa din. Mukang desidido talaga si Lisa na hindi ako makatabi, habang si Chu naman ay desididong makatabi ang crush nya. Matagal ko na rin namang alam na may gusto sya kay Chaeng no.

Maya maya pa, biglang tumawa ng malakas si Chu nang sya ang sumunod na manalo. Tuwang tuwa ang babae, kaya napailing na lang ako. Habang si Lisa ay seryoso ang muka na nilapag ang hawak nyang chopstick.

"Aww, better luck next time Lisayah" sabi ni Chaeng at tinapik tapik pa ang braso ni Lisa. Ang dalawa naman ay tuwang tuwa na nagcelebrate dahil kinabukasan ay hindi sila ang magluluto. Pero mas doble ang tuwa ni Chu dahil si Chaeng ang makakatabi nya.

To be continued....

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now