Six.

46 4 0
                                    

Strange thoughts...

---

Habang nakasakay sa kotse ay tahimik lang kaming lahat. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Jen ng kotse kaya di ako masyadong naaapektuhan.

"Lisa! Magkwento ka nga, ang tahimik e" pagbasag ni Chu sa katahimikan.

"Ha? Ano namang ik kwento ko?" Tanong ko.

"Kahit ano" sagot nya, napatingin naman sakin si Jen mula sa salamin at ngumiti.

"Aah, alam nyo ba pwede kang maging lalaki sa pangalawa mong buhay" sabi ko kaya napatingin naman sakin si Chu.

"Reincarnation nanaman?! Wala ka nabang ibang alam bukod jan?" Sabi ni Chu natawa naman si Chaeng na nakasandal sa salamin ng bintana at nakatitig lang sa labas.

"Sabi mo kahit ano" sabi ko saka sinimangutan sya.

"E kung magiging lalaki ka naman sa pangalawang buhay mo tapos naging kaibigan mo kami? Kung may jojowain ka? Sino samin?" Tanong ni Chu, napatingin naman sakin si Chaeng at naghihintay ng sagot.

"Ako? Ano bang klaseng tanong yan" sagot ko naman.

"Basta ako, kung maging lalaki man ako si Chaeng pakakasalan ko. Yieee" pang aasar ni Chu.

"Manahimik ka nga jan ako nanaman nakita mo" inis na sabi ni Chaeng.

"Ayaw mo pa, ikaw na nga tong pakakasalan e" saka tawa ng malakas. Nag asaran naman ang dalawa habang kami ni Jen ay nakikitawa nalang.

"Jen, dito nalang ako" sabi ko nang makarating kami sa gate ng compound na tinitirahan ko.

"Ha? Okay kana ba dito?" Tanong naman nya.

"Oo" sagot ko saka tuluyang bumaba.

"Bukas dito moko sunduin" sabi nya nang ibaba ang salamin ng bintana. Naalala kong pupunta nga pala sya samin bukas para sa presentation kaya tumango nalang ako. Nag paalam nako sa kanila pati na kay Chaeng saka naglakad na pauwi.

Malapit lang naman kase kami sa gate ng compound kaya di na kailangan sumakay. 2pm na rin nung nakauwi ako. Pagpasok ko ng bahay ay agad ko namang nadatnan ang mama ko na nagri ribbon ng mga box ng cupcake.

"Oh nak, kamusta klase mo?" Bungad ni mama nang makaupo ako sa sofa.

"Teka ikukuha kita ng pagkain" dagdag pa nya saka pumunta ng kusina.

"Okay naman ma, may presentation kami next week kaya pupunta dito si Jen" sabi ko.

"Sino? Yung bago nyong kaibigan ni Chaeng na lagi mong nak kwento?" Tanong ni mama at inabot sakin ang pagkain.

"Yun nga ma, bukas makikilala mo na sya. Sobrang mabait yun" sabi ko at ngingiti ngiti habang kumakain.

"Sige, mag aayos ako ng bahay bukas at saka magluluto ako ng masarap" sagot nya at bumalik sa ginagawa. Binuksan ko naman ang tv para malibang habang kumakain.

"Ang ceo ng Taejin Company ay tinatayang ang pinaka kaunaunahang kompanya na nakapagpatayo ng building sa States. Ngayon, ang sinasabing kompanya ay nakikipagsapalaran sa mga pinakamagagaling na kompanya." Sabi sa balita.

"Nako, kung ganyan lang kayaman ang mapapangasawa mo nak. Baka nakapagpagawa na ako ng coffee shop, para tong mga recipe ko ng mga cupcake dun magamit" sabi ni mama na ikinatawa ko lang.

"As if namang may magkakagusto sakin na ganon kayaman, ma" sabi ko at bumalik sa pagkain.

Pagkatapos kong maubos ang pagkain ko ay tinulungan ko na rin si mama sa pagri ribbon ng mga box. Wala din naman akong gagawin kaya nang matapos kami ay dumiretso nako sa kwarto ko.

Naghalf bath muna ako saka nagsuot ng pantulog at sumalampak sa kama. Habang nagmumuni muni ay pumasok naman sa isip ko si Jen.

Hindi pa rin ako mapakali dahil hindi ko parin malimutan yung narinig ko sa cr. Ewan ko ba kung bakit sobrang curious ako sa mga simpleng bagay basta may kaugnayan kay Jen.

"Inlove na ba talaga ako? Pero hindi pwede yon, kakakilala ko lang kay Jen ilang weeks lang ang nakakaraan." Bulong ko sa sarili.

Ngayon ko lang to naramdaman kaya sobrang weird sa pakiramdam. Bakit ako nagkakaganto? Napabuntong hininga nalang ako at pumikit. Pero kahit sa pagpikit ko si Jen ang nakikita ko.

"Parehas kayong babae Lisa, bawal kang magkagusto sa kanya" sabi ko sa sarili ko habang nilalamukos ang sarili kong pisngi.

"Hindi ka pwedeng maging bi, okay? Isipin mo nalang magiging reaksyon ng mama mo. Kanina lang nag uusap pa kayo sa pag aasawa tapos ganyan lang mararamdaman mo? Hindi pwede yan. Erase erase erase." Kausap ko sa sarili ko.

TBC...

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now