Proposal...
---
"The hell, what took you so long guys?!" Bungad ni Chaeng na nakaupo sa sofa habang nakasandal kay Chu.
"Baka naman nagdate pa kayo?!" Inis na sabi ni Chu.
"Hindi kami nagdate no, sadyang mabagal lang yung driver" sagot ko saka binaba sa lamesa ang mga pinamili namin.
"Mabagal yung driver? You mean si Lisa nagdrive?" Natatawang tanong ni Chu.
"Ano pa nga ba, ayaw kasi paistorbo ng pusa sa ice cream nya" sabi pa ni Lisa, agad ko naman syang tinitigan ng masama.
"Pfft, tama na yan. Tara na Jen tulungan moko magluto, kanina pa kami nagugutom ni Chu. Puro chips na laman ng tyan namin" sabi ni Chaeng at inilabas na ang mga pinamili. Agad ko naman syang tinulungan.
THIRD PERSON'S POV
"Chu, tara turuan moko!" Tawag ni Lisa kay Chu na aakyat na dapat sa kwarto nang bigla nyang hilahin palabas ng bahay. Hindi naman na nakatanggi si Chu nang tuluyan na silang sumakay ng kotse.
...
"Ken? Ano na? Wala pa ba kayong nahahanap na impormasyon?" Tanong ni Sixto habang kausap ang private investigator sa phone. Nag utos kasi sya sa mga private investigator nya na hanapin ang mga anak nya.
Napabuntong hininga syang binaba ang tawag dahil wala pa ring balita tungkol sa dalawa nyang anak, sobra na syang nag aalala.
Si Agatha naman ay nasa kwarto nya lang at hindi lumalabas, sobra nyang ikinagulat ang mga sinabi ni Bam. At hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ang isipan nya ng mga bagay na yon. May puwang sa puso nya na gusto nya nang bawiin ang lahat ng pangyayari. Maging ang pagtutol nya kila Jen.
"Bernard?!" Sigaw ni Sixto sa body guard nyang nakatayo lang sa gilid nya habang sya ay nakaupo sa sofa.
"Yes sir?" Tanong ng lalaki, si Tata naman ay kasalukuyang nakaupo lang sa harap ni Sixto.
"Wala pa bang balita yung kinocontact mong investigator?" Seryosong tanong ni Sixto.
"Sir, wala pa ding balita. Sa katunayan, pinuntahan na nila lahat ng bahay ng kaibigan nila Ms. Jennie at Ms. Jisoo pero wala din silang nakuhang impormasyon" sagot ng lalaki.
"Sa tingin ko sir, mas mabuti kung magpa announce na kayo sa media" suhestyon pa ng lalaki, agad namang nabigla si Tata sa sinabi ng lalaki.
"Sa tingin k-" hindi na natuloy pa ni Sixto ang sasabihin nya nang biglang magsalita si Tata.
"T-tito hindi na k-kailangan yon" sabat ni Tata, seryoso namang napatingin sa kanya si Sixto habang kunot ang noo.
"Bakit hindi?" Tanong nya pa.
"Tito, alam ko po kung nasan sila Jen" sagot ni Tata, agad namang kinagulat ni Sixto ang sinabi ni Tata.
"Anong alam mo?" Tanong pa ni Sixto. Hindi alam ni Tata kung matutuwa ba o magagalit si Jen sa gagawin nya, pero ayaw nyang paabutin pa yon sa media since muka namang papayag ang daddy nila Jen sa kanila ni Lisa.
"Alam ko po kung nasan sila Jen, at may contact ako sa kanila" paliwanag pa ni Tata, agad namang tumayo si Sixto at lumapit sa kanya.
"Ano?! Nasan sila Jen? Nasan ang mga anak ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad" sunod sunod na tanong ni Sixto sa kanya na nangingilid ang luha. Mababakas sa muka nya na sabik na sya sa mga anak.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...