Pairs...
---
Friday ngayon at half day lang kami. Late nakong nakatulog kagabi kakaisip sa sinabi ni mama kahapon. Napagalitan pako ng prof namin dahil lutang daw ako sa klase kanina.
Tapos na ang klase at napag isipan naming wag munang umuwi kaya nandito ako ngayon sa madamong part ng school kung saan pwedeng magpicnic. Naglatag kasi sila Chaeng ng tela sa lilim ng puno at bibili daw ng pagkain para sa picnic. Nakahiga lang ako at nakatingala habang nagmumuni muni.
"Kung yon ang pananaw ni mama, edi ibig sabihin matatanggap nya kung ano man maging desisyon ko?" Sabi ko sa sarili at di parin makalimutan yon.
Pumikit ako saglit at nagbilang ng sampu. 1..2..3..4..5..-8..9..10. Dinilat ko ang mata ko at wala akong nakitang kung sino na nakatingin.
"Sus, kalokohan" bulong ko sa sarili ko at bumangon.
"Oh Lisa, nasan na sila Chaeng?" Tanong ni Jen nang makalapit sakin at nilapag ang bitbit nyang Ice cream at milk tea. Sya kasi ang bumili ng drinks at sila Chaeng ang bumili ng pagkain, habang ako ang pinagbantay nila dito.
"Wala pa, mukang marami yatang pinamili" sagot ko saka bumalik sa pagkakahiga.
"Ano bang ginagawa mo kanina?" Tanong nya saka naupo sa gilid ko.
"Wala, sinubukan ko lang yung sabi sakin ng papa ko noon" sabi ko, hindi naman na sya nagtanong pa at nahiga rin sa tabi ko.
"Ang ganda ng langit no?" Sabi nya habang nakatingin sa kalangitan. Tumagilid naman ako paharap sa kanya.
"Sa tingin ko nga" bulong ko. Nagkatinginan kaming dalawa nang humarap sya sakin. Wala kaming imik at parang natulala lang sa isat isa. Eto na ba yung love? Shit nakakatense naman.
"Nga pala, kung gusto mo sa bahay naman namin tayo ngayon" sabi nya nang mailang sa tinginan namin. Bumangon naman na ako bago sumagot.
"Sa inyo padin sila Chaeng diba?" Tanong ko. Bumangon din sya sa pagkakahiga saka sumagot.
"Naumpisahan naman na yung presentation natin at saka magkaiba tayo ng napiling topics" sabi nya saka kinuha ang tumbler na nasa gilid at uminom ng tubig.
"Ah sige" sagot ko habang nakatitig lang sa kanya. Shit, wala bang nagsabi sa kanya na ang hot nya uminom?
"Were back!" Sigaw nila Chaeng na nananakbo palapit samin bitbit ang apat na supot sa magkabilaan nilang kamay. Sabi ko na nga ba e, binili pa nila ang buong grocery store.
"Andami nyo namang binili, mauubos ba natin yan?" Tanong ni Jen habang nilalapag nila ang pinatake out nilang pagkain sa Jollibee, donut, mga junkfoods at ang tatlong box ng large pizza.
"Dapat nga bibili pa kami ni Chaeng ng sundae kaso bumili kana ng milktea saka ice cream kaya hindi na" hingal na sabi ni Chu at naupo sa gilid.
Tinanggal na namin sa supot ang mga pagkain saka nagkainan. Halos hindi na kami makahinga ni Jen sa kabusugan habang ang dalawa ay wala pa ring tigil sa kakakain.
"Grabe, san nyo ba nilalagay lahat ng kinakain nyo?" Tanong ko na hinahaplos ang tyan dahil di na gaanong makahinga.
"May bodega kase kami sa tyan" dahilan ng dalawa at natawa pa habang ngumunguya ng burger. Napasandal nalang ako sa puno at hinintay silang matapos.
"Tara na!" Sigaw ni Chu ng makasakay sya sa kotse, agad naman namin niligpit ang mga naiwang kalat.
"Tignan mo yon si Chu, tumakas pa sa ligpitin" sabi ni Jen na ikinatawa ko. Pagtapos ligpitin ay sumakay na din kami sa kotse at umalis. Gaya ng dati dahan dahan lang sa pagmamaneho si Jen dahil sa phobia ko, pero sa tingin ko mawawala din to kapag nasanay nako.
"Mom, were here" sigaw ni Chu at sumalubong ng halik sa mommy nila. Anlaki sobra ng bahay nila Jen, di maitatangging anak mayaman nga sila.
"Oh may bisita pala kayo" sabi ng mommy nila.
"Good afternoon po" bati namin ni Chaeng.
"Nga pala mom, si Lisa friend din namin" pagpapakilala sakin ni Chu.
"You look familiar, may kamuka kang kaibigan ko dati" sabi nya ngumiti lang naman ako bilang sagot.
"Oh kumain na ba kayo?" Tanong nya samin.
"Yes mom, busog pa kami" sagot naman ni Jen.
"Okay, goodluck sa inyo girls" sabi nya nang hilahin kami nila Chu paakyat sa kwarto nila.
Si Chaeng nasa kwarto ni Chu habang ako sa kwarto ni Jen. Anlaki ng kwarto nya, parang kwarto ng prinsesa.
To be continued..
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...