Distant...
---
Matapos nang ginawa kong pag amin, ay medyo nag iba ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi nako sobrang lumalapit sa kanya gaya ng dati, para less expectation.
Walang nag iba sa pwesto namin, pati sa presentation ay parang pormal lang kaming magkaklase at magkaibigan. Ayaw kong mapansin nila Chaeng at Chu na nilalayuan ko si Jen kaya kahit na magyaya sila ng gala ay hindi ako tumatanggi kahit pa makasama ko don si Jen.
Lumipas ang dalawang buwan at nasasanay nako sa gantong kalagayan, kaya habang tumatagal ay nagiging maayos na ang lahat. Mas pinag tutuunan ko rin ng pansin si Chaeng since sya naman talaga ang kaibigan ko noon.
"Guys, gala tayo!" Suhestyon ni Chu habang nakasakay kami sa kotse at pauwi na. Nawala na din ang phobia ko dahil nasanay na laging hinahatid nila Jen.
"Hindi ako pwede ngayon e" pagtanggi ko dahil marami na naman ang order kay mama na cupcakes ngayong araw.
"Ikaw Chaeng?" Tanong ni Chu kay Chaeng na nakasandal ang ulo sa balikat ko habang nagc cellphone.
"Hindi din ako pwede, pupunta ako kila Lisa ngayon" sagot naman nya. Agad namang sumimangot si Chu dahil wala syang makakasama sa paggagala.
Napansin kong nakatingin sakin mula sa salamin si Jen kaya isinandal ko naman ang ulo ko sa ulo ni Chaeng. Nang mapansin kong hindi na sya nakatingin ay saka ako tumingin sa kanya.
"Pero Chu, kung gusto mo gala tayo within this week. Since sembreak natin ng two weeks" suhestyon naman ni Chaeng.
"Great idea!" Sigaw ni Chu na para bang excited na.
"Ikaw Lisayahh? Sama kana!" Dagdag pa nya.
"Di ko sure kung papayagan ako" sagot ko naman.
"Wag na Chu, baka may gagawin sya" sabat naman ni Jen na kanina pa nakikinig.
"Lisayah! Paalam kita kay tita mamaya. Alam mo namang malakas ako don" sabat din ni Chaeng at tumingin pa sakin.
"Sige, ikaw lang naman nakakasundo non ni mama" sagot ko, napangiti naman sya at bumalik sa pagkakasandal sa akin. Maya maya pa ay nakauwi na kami.
"Titaaa! Aftie" bati ni Chaeng na akala mo sya pa ang anak kesa sakin. Napailing iling nalang ako sa kanilang dalawa.
"Baby Chipmunk!" Bati rin ni mama sa kanya. Tong dalawang to kala mo antagal di nagkita e nung last week lang nandito din si Chaeng.
"Ma, nakakaselos na ah. Parang mas anak mo pa si Chaeng" pakunwari kong tampo at naghubad ng sapatos.
"Syempree baby yata ako ni Tita" dispensa naman ni Chaeng, sarap batuhin ng tsinelas e balak pa yata akong agawan ng nanay.
"Asus, ang anak ko naman patampo tampo pa e dalawa naman kayong baby ko" sabi ni mama habang pinipisil pisil ang pisngi ko. Sabay sabay naman kaming natawa.
"Musta naman ang school nyo?" Tanong ni mama nang makaupo kami sa sofa. Nakahelera na sa ibabaw ng mesa ang mga box ng cupcake at kailangan nalang iribbon.
"Ayon po Tita, school paden" natawa naman silang dalawa. Mga kalokohan talaga. Haist.
Habang nagriribbon kaming tatlo ng mga box ng cupcake ay panay ang kwentuhan at tawanan ng dalawa. Habang ako tahimik lang. Para na talagang anak ang turing ni mama kay Chaeng, kapitbahay lang kasi namin sila Chaeng noon nung hindi pa nagd divorce ang magulang nya.
Kaya nung malaman nyang may kabit ang papa nya e kami ang dumamay sa kanya. Kaya parang kapatid ko na rin sya.
"Nga po pala tita, papaalam ko po sana si Lisa ng three days" sabi ni Chaeng habang tuloy lang sa pagriribbon.
"May gala kayo?" Tanong naman ni mama.
"Opo sana, balak naming magsleep over magb bestfriend" paliwanag ni Chaeng.
"Edi kasama dun sila Jen?" Tanong ni mama, nagkatinginan naman kaming dalawa.
"Opo Tita, as usual kaming apat padin" dagdag pa ni Chaeng. Napatingin si mama sakin na para bang nangungusap ang mata at sinasabing "kaya mo ba? Okay lang ba sayo?" Kaya tumango ako.
"Osige, basta wag kakalimutan magtxt sakin kung may mangyari man" sagot ni mama at tuwang tuwa naman syang niyakap ni Chaeng.
"Thankyou po tita, promise ako bahala kay Lis" sabi pa ni Chaeng at ngiting ngiti.
"Nako, kung ikaw lang ba ang kasama ni Lis e panatag ako" sabi pa ni mama saka namin tinapos ang pagri ribbon.
To be continued...
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...