Revelation...
---
Nang mapagod kami sa pag s swimming ay naglaro naman kami ng volleyball, kumain at nagkwentuhan. Halos sulitin namin ang buong araw na parang wala na kaming balak matulog.
Nakapalibot kami sa apoy ng mga kahoy na sinilaban. Lahat kami ay panay lang ang pagk kwento sa mga naging buhay namin, damang dama namin ang isa't isa dahil parang hindi din kami nagkakalayo at may ilang pagkakapareho.
Tulad nalang ni IU na wala nang Mother. Si Seulgi naman ay kontrolado din ng magulang kaya pala ganon nalang sya umasta. Si Dahyun na magkahiwalay din ang parents at sa Grandparents nya sya nakatira. At si Irene na broken sa jowa. Habang si Sana naman ay medyo hirap sa buhay.
Habang nagk kwento sila ay narealize kong hindi lang pala ako ang may problemang pinagdadaanan so why do I need to stressed myself? Kung may karamay naman ako diba?
Wala naman kasing tinatawag na perfect life sa mundo, oo swerte ka sa career pero swerte kaba sa lovelife? Okay ka sa ibang bagay pero may mga bagay parin na hindi. Coz no one is meant to have a perfect life. Just like Me and Chu, maybe everyone think that we both has the perfect life. Maganda na, mayaman pa.
But on the other side, they don't know that our lives are controlled, ni hindi nga namin magawang magpakasal sa taong gusto namin, and also walang time ang parents namin samin. Dahil busy sila sa pagpapalago ng businesses.
And I just learned that don't compare your life to others, kase may mga bagay na nakukuha mo na hindi kayang makuha ng iba.
"Jen! Huy! Ano nang nangyari sayo?!" Lahat sila ay nakatingin sakin habang tinatawag ako, kanina pa kasi ako nakatulala sa apoy.
"Inaantok kana ba?" Tanong ni Lisa na nasa tabi ko, ngumiti lang ako sa kanya.
"Hindi pa naman" tipid kong sagot.
"Lutang ka nanaman, sabi ko ikaw naman magkwento" sabi ni Chu, at natawa naman silang lahat.
"Kayo nalang, tagakinig lang ako" pagtanggi ko saka pinatong ang ulo sa balikat ni Lisa.
Nagpatuloy lang sila sa pagk kwento habang ako ay nanatiling nakatitig sa apoy. Sa tingin ko handa na nga akong umamin, alam ko namang sasamahan ako ni Lisa. She promised na sya ang bahala so I trust her.
Kinabukasan ay tanghali na kami nagsigising dahil lahat kami ay napuyat sa bonfire kagabi. Paggising naman namin ay saktong nakapagluto na sila Dahyun kaya't kumain muna kami bago naligo at nagbihis.
"Oh wala na ba kayong naiwanan?!" Tanong ni Irene habang nilalagay ang mga bag na bitbit namin at pinapatas sa likod ng van.
"Meron pa yata, yung puso ko HAHAHA" sagot naman ni Seulgi at lahat naman kami ay natawa sa kalokohan nya. So far, masaya naman silang kasama lahat at sa tingin ko ay mas magiging close pa kami pag di nagtagal.
"Jen gusto mo ako muna ngayon?!" Tanong ni Chu. Himala naisip nyang sya naman ang magdrive. Tumango lang ako at agad naman syang sumakay sa driver's seat. Sa likod na kami pumwesto ni Lisa since maya maya lang ay magpapalit din kami ni Chu sa pagd drive.
Nakaunan lang ako sa braso nya at nakikinig ng kanta na tumutugtog sa kotse habang binabaybay ang daan pauwi. Hapon na din kasi kami umalis kaya siguradong magdidilim na kami makakarating.
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...