Fifty eight.

21 2 0
                                    

Away...

---

JEN'S POV

"Mom? Hindi pa ba tayo aalis?" Naiinip kong tanong habang nakatayo sa front desk ng hospital.

"Patience hija, makakauwi ka din" tipid naman nyang sagot at may kung ano pang ginagawa.

"Jen, alam nyo na gagawin mamaya" bulong ni Tata nang makalapit samin ni Chu.

"Oo, basta si Mommy. Kumbinsihin mo sya" sabi ni Chu.

"Oh, mom nakaready na yung kotse. Di pa ba tayo aalis?" Bigla naman ang pagsulpot ni Jin kaya agad kaming napaayos.

"Mom, mauna na kami don" nagmamadali kong sabi saka hinila si Chu.

"Osige sa kotse nyo nako hintayin" tipid nyang sagot kaya agad na kaming sumakay sa kotse na nasa harap na ng hospital.

"Babe? How are you feeling?" Bungad ni Kai na nakaupo sa driver's seat. Hindi ko sya pinansin at naupo nalang sa tabi ni Chu. Maya maya pa ay sumakay na din si Mommy saka naupo sa gilid ko.

"Jen, magpahinga ka kaagad pag uwi" sabi nya habang minamaneho ni Kai ang kotse pauwi.

"So, I'll expect na walang gugulo sakin mamaya. Ayokong may pupunta sa kwarto ko" pagsusungit ko, hindi kase nila pwedeng malaman na tumakas kami at wala ako sa kwarto.

"Oh Kai, narinig mo. Wala nang ibang istorbo dito kundi ikaw, kaya kung nagbabalak kang pumunta mamaya para guluhin si Jen. You better fuck off" inis na sabi ni Chu, ang init ng dugo pfft.

"Chu, watch your words!" Galit naman na sabi ni Mommy.

"No, its okay Tita. Alam ko namang galit pa sakin sila Jen, and I'll fix that issue" sabat nya saka pa ako sinulyapan mula sa salamin. Tinarayan ko naman sya.

"Buti naman hindi kana nakikimommy, better know your lessons" dagdag pa ni Chu.

"Chu! I said stop" galit na sabi pa ni mommy kaya natahimik na lang din si Chu.

"Btw mom? Can we go out tonight?" Singit ni Tata na kanina pa tahimik, napatingin naman kami sa kanya ni Chu.

"Tonight? Bakit biglaan naman yata hijo" tanong ni Mommy at mukang nagdadalawang isip pang sumama, aish. Hindi pwedeng maudlot ang plano namin.

"Please mom, and besides nakalabas na din naman si Jen ng ospital. We haven't bond yet" dagdag pa ni Tata at halos magmakaawa na. Nice Tata, we owe you everything.

"Pumayag kana Tita, hindi rin naging maayos yung una nyong pagkikita. I think its time to celebrate" singit naman ni Jin. Mukang kakampi namin ngayon ang tadhana.

Napabuntong hininga muna si mommy at may kung anong tinignan sa phone saka sumagot.

"Okay, fine. Jin and Kai kayo na bahala kila Chu mamaya" sagot ni mommy, agad kaming nagkatinginan ni Chu nang makumpirma ang desisyon nya. This is it.

"Yeah, Tita" sagot nila Jin.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto kasama si Chu. Sila Kai at Jin naman ay nagsidiretso din sa kwarto nila.

"Jen, suutin mo to. Oh eto" sabi ni Chu at inabot sakin ang makapal na hoodie. Agad ko naman yong sinuot saka nagsuot din ako ng bonnet.

Maya maya pa ay may kung sinong kumakatok sa kwarto.

Reincarnated DreamWhere stories live. Discover now