Pain...
---
CHAENG'S POV
Napagpasyahan namin ni Chu na hindi muna pumasok, although may uniform sya dito ay ayaw ko lang muna talagang pumasok ngayong araw. And besides nasa bahay ang gamit ko. Sobrang maga din kasi ang mata ko.
"Chaeng, kain na tayo! Nagluto ako" rinig kong sigaw ni Chu mula sa kusina. Tumayo nako kaagad at inayos ang pinaghigaan namin. Pumunta ako sa kusina at nakita ko sa mesa ang napakaraming pagkain.
"Ang dami mo yatang niluto?" Tanong ko saka naupo.
"Syempre, comfort na rin yan no. Pag kumain ka ng kumain, malilimutan mo lahat ng problema mo" sabi nya saka nilapag ang dalawang box ng medium size pizza na mukang pinadeliver nya. Naupo na rin sya sa tabi ko saka kami nagsimulang kumain.
"Btw? Bukas pasok na tayo? Mahirap umabsent ngayon since madami nang gagawin sa school" sabi nya habang ngumunguya ng pagkain.
"Pano ako papasok? Wala yung gamit ko nasa bahay" sagot ko habang kumakain.
"Huh? Dapat kasi iniiwan mo nalang sa locker" sabi nya pa.
"Masipag kasi ako" sagot ko saka kumagat ng pizza.
"Anong tingin mo sakin di masipag, tsk tsk ako nagluto ng lahat ng yan no! Maliban sa pizza" pagmamalaki nya, kahit papano ay napapatawa nya parin ako. Kengkoy talaga tong si Chu.
"Kunin mo nalang Chu, nandun naman si Kuya" suhestyon ko, agad naman nya akong tinaasan ng kilay.
"Ano?! Ayoko nga" pagtanggi nya, napabuntong hininga nalang ako saka tumayo.
"Uwi nalang ako" sabi ko.
"Tss, oo na!" Natawa nalang ako dahil di naman sya makatanggi.
Pagtapos naming kumain ay umalis na si Chu para kunin ang gamit ko sa bahay, kilala na naman sya ni kuya.
Nakatayo ako sa balcony at dinadama ang malakas na hangin na tumatama sa balat ko. Parang minsan talaga gusto ko nalang lumipad ng wala sa oras.
"Pinagtagpo ngunit di tinadhana~
Sadyang mapaglaro itong mundo~" rinig ko ang malakas na tugtog sa kabilang unit. Aish, ang epal naman oh.
Naramdaman kong unti unti nanamang tumutulo ang luha sa mata ko, at dahan dahan ring nagflashback ang lahat sa isip ko.
Naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin since childhood, yung mga araw na masaya kaming naglalaro sa playground. At pag may nangbully sa isa samin ay pinagtatanggol namin. Were like sisters, pero hindi ganon yung turing ko sa kanya.
Yung time na sa tuwing nag aaway ang parents ko, tumatakbo ako sa bahay nila at don ako nagiging masaya. Masaya ako kapag kasama ko si Lisa at si Tita. Lahat ng sakit na nararamdaman ko nawawala pag nanjan sila.
Yung time na pumasok kami ng elementary at madalas kaming nagpapataasan ng grade. Na kapag recess nililibre namin ang isa't isa. Sobrang sarap balikan ng mga araw at oras na yon, hindi ko naman kasi inexpect na mahuhulog ako e.
At ngayon sobrang sakit na malaman na kapatid lang ang turing nya sakin. Hindi pa man sya sumasagot, alam ko nang hanggang dun lang kami.
"Kinalimutan kahit nahihirapan~
Para sa sariling kapakanan~
Kinalimutan kahit nahihirapan~
Pag ibig na ating sinayang~"
YOU ARE READING
Reincarnated Dream
FanfictionDo you believe in reincarnation? Do you believe in reincarnation? What if you experienced being reincarnated? Pipilitin mo pa bang balikan ang nakaraan? This story is about a girl na binago ang paniniwala sa pagkakataong sinubok na siya ng tadhana...