3

929 30 0
                                    

Clairr's pov

"Hi Clairr! Good Morning" napataas nalang ng kusa ang kilay ko.. Naiinis talaga ako sa Dark Souls na yun! Ang tahimik na ng buhay ko tas ngayon san man ako dumaan lahat kilala ako
Kabwesit huh!

"Aba... Ang sikat mo na ah"At talagang nagpakita pa itong Light na'to... Sa loob ng isang Linggo na pagtatagal ko rito lagi namang nakabuntot ang tatlong unggoy sakin.

Para nga akong may gwardiya eh..

Akalain mo yun nakatagal ako ng isang linggo sa school nato kahit na may mga unggoy na sulpot ng sulpot?

"milagro ikaw lang ang nandito?" Ngumiti naman sya.. Infairness ang gwapo nya..

Gwapo nya isilid sa sako!

"May ginagawa si Spark eh at padating na yun si Mito" Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad nakasunod lang sya sakin..

"pwede magtanong?" nilingon ko sya.

"nagtatanong ka na"

"tss.. Anong nangyari sayo sa makalipas na tatlong taon?"

Bakit nya naman tinatanong?

"Hindi ko alam"

Totoo yun wala akong matandaan... Hindi ko maalala kong paano namatay si Mama at bakit may isang parte ng memorya ko ang nawawala.

At pakiramdam ko yun ang kukumpleto sa nawalang parte ng buhay ko..

Hindi na nagsalita si Light.. Bakit kaya nya natanong?

"Bakit mo naman natanong yun?"

"wala lang"

"k"

Kahit pilitin ko alalahin ang sabi sakin ni tita huwag kong pipilitin ang sarili ko dahil kusa daw na babalik ang ala-ala ko..

"Alam mo may naalala ako sayo"

Kaya ba lagi syang nakabuntot sakin?

"Ganun ba ka common ang pagmumukha ko?"

Hindi ko malayan malapit na pala ako sa room..

"Hindi"

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad.. Hanggang makarating ako sa upuan ko...

Paupo na sana ako ng may mapansin akong maliit na papel kinuha ko iyun at binasa.

Laverna nakikita ko lahat ng kilos mo. Mag-iingat ka isang maling galaw mo lang patay ka.
-Killer

Killer? Ako ba pinagtritripan nila?

Tss.. Itatapon ko na sana sa tabi kaso hinablot iyun ni Light... Habang binabasa nya yun ay biglang nagbago ang timpla nya..

Bigla naman syang umalis.. Adik na naman ata yun pabayaan na nga...

Nagsimula na ang klase namin pero hanggang ngayon wala pa din ang tatlong unggoy mabuti ngayon eh walang nangungulit sakin...

*-*

Haay buti naman at natapos na ang klase ko at tahimik pa din ang buhay ko..

Pupuntahan ko nalang si tita sa flowershop nya..

Papunta na sana ako sa sakayan ng may naririnig ako ng ungol ng nasasaktan kaya sa curious ko pinuntahan ko yung lugar...

Kaya naman pala wala sila sa klase eh!

Nakita ko si Mito na nasa gilid lang ..nakaupo may hawak syang baseball bat na pinaglalaruan nya.. nakatingin lang sya habang walang awa na binubugbog ni Light yung isang grupo ng lalaki as in sya lang mag-isa!

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon