Clarence's pov
"Clyde"tumingin naman siya sa akin at huminto sa paglalakad.
"Thank you" sabi ko na nagpatigil sa kanya. Alam kong nagkulang ako sa kanila ni Lady.Nagkulang ako sa kanya bilang Ama. Hinayaan ko siyang lumaki na hindi kami magkasama."Wag ka magsasalita ng ganyan Dad na para bang hindi tayo makakaligtas dito."sabi niya at seryosong tumingin sa akin.
"Sorry for that"sabi ko nalang at tumingin sa harapan ko.
"Babawi pa kayo sakin"sabi niya at ngumiti.
Napatigil naman ako sa paglalakad ng biglang nawala sa tabi ko si Clyde.
"Buhay ka pa din pala Clarence. Ang tibay mo din ah,akala ko nabaliw ka na nung namatay si Leira"
"Ibalik mo sa akin ang anak ko"may diin kong sabi sa kanya.
"Ibaba mo muna ang baril mo Clarence. Kung ayaw mong patayin ko 'tong anak mo"gulat na gulat akong hawak niya na si Clyde."Nagulat ka bang alam ko kung sino tong hawak ko? Alam ko ang mga kagaguhan niyong lahat! Mang-aagaw ka Clarence! Inagaw mo si Leira!"
"Ibalik mo sakin ang anak ko! Huwag kang duwag Darryl!" sigaw ko sa kanya.
"Sayang yung pinagsamahan nating tatlo ni Lance. Sabay tayong nangarap noon na itatag natin ang pinakamalakas na gang. Walang makakatalo at walang titibag. Ngunit anong nangyari? Sinira niyo ni Lance ang lahat!"
"Hayop ka! Kulang pa ba ang mga buhay na kinuha mo?!"sigaw ko.
"Dad!"sigaw ni Clyde.
"Tapusin na natin lahat ng ito Darryl!"Clairr's pov
"May kotse na nasa labas at naghihintay sa iyo" sabi ng lalaking lumapit sa amin.
"Si Daddy?"tanong ni Ice.
" Kaharap si Clarence"sabi niya at tumingin sa akin.
"Bitawan mo ako Ice!"sigaw ko at nagpumiglas sa kanya.
"Tumigil ka! Walang magagawa yang pagmamatigas mo dahil lahat kayo mamamatay!"sigaw niya at hinatak ako papunta sa parking lot."Bitawan mo siya Ice" napatigil sa pagkaladkad sa'kin si Ice at tumingin sa humarang sa amin.
"Patay ka na ah!"sigaw ni Ice at tinutukan ng baril ang lalaking nakatayo sa madilim na bahagi.
Kilala ko ang boses na yun kahit hindi ko siya nakikita kilalang kilala ko ang boses na yun."Hindi mo ko mapapatay ng ganun ganun lang, kaya bumitaw ka na!"sigaw ni Light at mas lumapit sa amin.
"Mag-isa ka lang kaya paano mo ako kakalabanin? Gusto mo na ata talagang mamatay!"sigaw ni Ice at nagpaputok.
Napasigaw ako at agad napatingin kay Light buti nalang at nakaiwas siya.Nagpumiglas ako kay Ice at siniko siya sa tagiliran kaya nabitawan niya ako. Agad naman akong tumakbo papunta kay Light nung makawala ako sa kanya.
*Bang!*
Pero bago pa man ako makalapit kay Light isang putok ng baril ang umalingawngaw at bigla nalang humapdi ang likod ko.
May bumaon sa likod ko dahilan para manghina ako pero agad naman akong naakay ni Light at nagpaputok din siya ng baril.
"Clairr!!! Huwag kang pipikit!"sigaw ni Light sa akin.
Hindi ko alam kong paano kami nakapunta sa likod ng isang gusali."Mahal na mahal kita Prince"bulong ko sa kanya.
"Hindi mo ako pwedeng iwanan Clairr!!!"sigaw ni Light.
Patawad ..
Vince's pov
Lakad-takbo ang ginawa ko maabutan lang si Ice na pinauulanan ng bala si Light na hawak hawak ang sugatang si Lady.
"Gago! Humarap ka dito!"sigaw ko kay Ice kaya agad siyang humarap sa akin.
"Traydor ka!"sigaw niya at agad akong sinunggaban.
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...