37

385 13 0
                                    


"Anak!! Congratz graduate ka na!"sigaw ni Mommy kaya yinakap ko siya..
"At hindi lang yun Valedictorian pa!"singit naman ni Daddy...
"Waahh Dad I can't believe it"tumawa naman sila..
"So saan ka papasok?"napaisip naman ako..
"Sa St.Michael University!"masaya kong sabi dahilan para mapangiti sila..

Pagkatapos ng celebration naming tatlo ay umuwi na rin kami sa bahay..
"Ay anak bukas na pala yung sinabi ko sayo.. Di ba sabi mo gusto mong magvolounter?" Tumango naman ako...
"Opo mommy sasama ako sayo bukas.."sabi ko ng nakangiti..
"Sige na anak matulog ka na good night"sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo..

"Anak! Ito yung sinasabi ko sayo.. Mababait ang mga tao rito lalo na sila sister.. Katulad ko i'm sure mamahalin mo rin ang lugar na'to"sabi ni Mama.. napatingin naman ako sa paligid..
Ang ganda rito sa totoo lang..

"Magandang araw Mam Leira!" Bati ng bawat batang madadaanan namin..

Pumasok naman kami sa opisina at naabutan namin ang isang nakangiting Madre..

"Hi sister eto nga pala ang anak kong si Clairr gusto niya daw kasi magvolounter"
Nginitian ako ni sister kaya nginitian ko din sya..
"Ma'am Liera maraming salamat talaga sa tulong mo"
"No... Malaki din naman ang natulong mo sa pamilya ko noon sister" sabi ni Mommy..
"Wala yun Ma'am Leira"
"So Clairr aalis na ako.. Pupuntahan ko pa si Daddy mo ok? Mag-iingat ka baby huh... Sister kayo na po bahala sa anak ko"
"Wag po kayong mag-aalala hindi ko sya pababayaan.."

Ngumiti ako kay Sister at giniya niya ako palabas ng opisina..
"may ipakilala muna ako sayo Miss Clair katulad mo ay volounter din siya rito...
tumango ako

napatingin nalang ako sa paligid dahil andaming bata na naglalaro ng habulan...
Lumapit naman si Sister sa isang lalaki na parang kaedad ko lang..

"Siya ang makakasama mo sa pagbabantay mo sa mga bata "nilingon ko ang lalaki na parang wala sa sarili..

"Sige po sister Marie" sagot ko habang nakangiti...
"maraming salamat talaga sa pagvovolounter mo Ms. Clairr"

"wala po yun bakasyon naman po at wala akong gagawin sa bahay" sabi ko at nagpaalam na para puntahan yung nga bata.. Habang yung kapartner ko ay tahimik lang na nakasunod sakin...
"anong pangalan mo?"
"tss"
"nice meeting you tss.." nakangiti kong sagot ang ganda nga ng pangalan niya eh andaling tandaan..
Pfft..
"ako nga pala si Clairr" sabi ko...
"ingay mo" ngumiti parin ako...
Pero sa totoo lang kunti nalang mapipikon na ako sa kanya...
"matagal ka ng volounter sungit?"
"close ba tayo?" sagot niya...
"no... But we can if you want... Hindi naman ako choosy eh"
"Kuya!!!!!!" sigaw nung mga bata at hinila na si "tss"
"haha ok tama na! May dala pala akong mga bagong laruan para sa inyo!"
Napangiti nalang ako ng makita ko syang masayang nakikipaglaro sa mga bata...
"pwede bang sumali sa inyo?!" masaya kong tanong...
"opo!!!" sabi nang mga bata at hinila ako...
Napatingin sakin si "tss" at umirap...
"prince sungit" sabi ko...

"manong!"Sigaw ko at patakbong lumapit kay manong dado..
"Mam pinapasundo na po kayo ni Sir Clarence po"tumango ako..
Napalingon naman ako bago ako sumakay ss kotse kasi nakita ko si Sungit na nakatingin sa akin..
"babye sungit! Hehe"sigaw ko at sumakay sa kotse..

Magiging kaibigan ko rin siya!

Someone's pov

"Light"lumingon naman ang binata at nakita niya ang hindi niya inaasahang taong makikita niya...
"Anong kailangan mo Vince?"simple niyang sagot..
"Nakarating na ba sa iyo ang balita?"
Kumunot naman ang noo niya at may pagtatakang tiningnan ang kapatid..
"Nasa ospital ngayon si Lady" nagulat ang binata at agad napatayo..
"Anong nangyari?!"nag-aalala niyang tanong...

"Siguro panahon na para maalala niya ang lahat"sagot ni Vince dahilan para titigan siya ng kapatid..

"Sana hindi pa.. dahil alam ko sisihin niya ang sarili niya sa nangyari" sabi ni Light at napatingin sa taas... Naramdaman niya naman ang pagtabi ng kapatid niya sa kanya..
"Gusto lang kitang balaan"napalingon siya sa kapatid dahil sa sinabi nito..
"alam kong kilala mo na si Ice.. Alam mo kung gaano siya kademonyo mag-isip kaya sinasabi ko sayo huwag mo nang ipagpilitan pa ang sarili mo kay Lady"ngumisi lang si Light sa sinabi no Vince..
"Bakit naman ako matatakot sa hayop na yun? Di ba siya naman ang nag-utos para maaksidente ang sinasakyan nila Lady? At teka nga bakit hindi mo na kinakampihan ang kapatid mo ngayon?"sabi ni Light..
"Kapatid din kita Light.. at alam ko lahat ng pinagdaanan mong hirap makasama lang si Lady"nagtataka naman si Light sa inaasta ng kapatid...
"anong gusto mo? Babalik ka na ba sa Dark souls?"nakangising tanong ni Light...
"Hindi.. Gusto kong itigil mo na ang paghahabol kay Lady.. Dahil ayokong umabot tayo sa pagpapatayan na dalawa"sabi ni Vince bago tumalikod at umalis...
"Kaya mo bang patayin ang kuya mo Vince?"natigilan si Vince sa sinabi ni Light pero agad rin siyang umalis...
"Ikaw hindi kita kayang saktan.."naibulong niya naman..

(Lahat po ng pov ni Clairr ay isang matinding flashbacks)

Clairr's pov

"Hi ate Clairr!" sabi ni Sab ... Isa siya sa mga batang inaalagaan ko rito sa orphanage...
"Oh sab?" ngumiti naman sya at tumabi sakin...
"ate gwapo ba si kuya sungit?" piningot ko ang ilong nya..
"ambata mo pa ah!"
"Eh ate kasi bagay na bagay kayo eh!"
"si Prince bagay lang sa princess.."
"Ate para kang princess"
"hahaha ewan ko sayo..." napansin kong nakatingin sakin si Sungit kaya nginitian ko sya..
"ate may gusto sya sayo"
"hahaha wag ka nga magbiro!"
"totoo po.. Matagal ng volounter si Kuya rito pero ngayon ko pa sya nakitang ganyan.."
"alin masungit?"
"hindi po...paminsan-minsan ngumingiti"
"bakit ano ba sya noon?"
"noon kasi po laging nag-iinit ulo niya tas lagi siyang nakasimangot"
"may problema siguro sya"
"ako ba pinag-uusapan niyo?" sabay kami ni Sab na napaangat ng tingin...
"Hi prince sungit"
"tss"

Napangiti na lang ako at sabay kami ni Sab na tumawa..
"Alam niyo kayong dalawa sarap niyong-"
"Mahalin?" Pang-iinis ko pa..

Isang Linggo na rin ako rito kaya nakakaya ko na siyang asarin hindi man kami kasing close eh pinapansin niya naman ako lalo na kapag inaasar ko siya..

"Bakit pwede ka bang mahalin?" Napalunok ako sa tanong niya.
"Uuy... Kayo ah... Kuya ahh may gusto ka ba kay ate Clairr?!" Pang-aasar ni Sab na mas lalong nagpapula sa akin..
"Sab!"sabay naming sigaw na tinawanan lang ni Sab..

"Sab! Nasan na yung iba?"
"Ate Clairr! Nandun po sila!" tinuro niya yung ibang mga bata kasama si Sungit...
Naghahabol-habolan kaya lumapit agad ako...
"Sali kami!" sabi ko habang kasama si Sab..
"Tss.." narinig kong sabi ni Sungit..
"taya ka ate!" sabi ni Timothy..
"ok!" nagsitakbuhan na sila kaya hinabol ko na sila...

Hanggang sa nahuli ko na yung mga bata at si Sungit nalang ang hindi pa kaya hinabol ko sya... Hanggang sa nahuli ko sya... At sya na ang taya...

"hahahhaha teka! Oo na nahuli mo na ako!" sabi ko ng hulihin niya ako at ikinulong sa mga bisig niya...
"uyyyyy! Ang sweet nila!" napabitaw sya sakin at ako naman ay napayuko...
Nakakahiya...

"uyy Gabriel!" napalinga ako at nakita si Gab na natumba.. Kaya agad akong lumapit...
"Gab!" sabay naming sigaw ni Sungit...
Agad niya namang kinarga si Gab.

Pagdating namin sa ospital ay hindi pa rin ako mapakali... Paano kung may mangyaring masama kay Gab? Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
"Ayos kalang?" nilingon ko siya na nasa dulo ng inuupuan namin..
Naramdaman kong umiiyak na ako dahil basa na ang pisngi ko...
Lumapit naman sya at nag-abot ng panyo..
"Tumahan ka na..."
"eh kasi nag-aalala ako kay Gab.."
Bigla niya akong niyakap...

Napahawak nalang ako sa damit nya at niyakap sya pabalik...
"magiging ayos din si Gab kaya huwag ka na umiiyak..." tumango ako...

Dahil sa nangyari kahit sa konting panahon ko lang nakasama si prince nahuhulog na ang loob ko sa kanya..
Kasi kahit masungit siya alam kong may puso siya para sa mga bata...

"Ano?" Tanong niya kaya umiling ako..

Gusto ko na siya..
Parang mahal ko na ata si Prince..

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon