24

453 17 1
                                    

Clairr's pov

Pagkatapos ng nangyari dumating ang mga pulis at hinuli ang butiking yun... Nakuha ko din ang kailangan ko.

Bugbog sarado pa nga sya dahil ginulpi siya ni Mito... Basag ang ilong niya at puno ng sugat ang katawan niya...

"Ms. Clairr... Ayos kalang ba?" tumango ako...

"Iuuwi na ba natin sya?" tanong ni Mito kay Janecha...

Siya kasi ang nagdadrive habang nasa likod kami ni Janecha...

"oo mukhang inshock pa din sya"

Pinikit ko nalang ang mata ko...

Napagod ako at hanggang ngayon natatakot parin ako..

Nararamdaman ko pa rin ang mga hawak ng hayop na yun...

" ate Clairr!" sigaw ni Sab..
"Sab! Bakit?" hinila niya naman ako at dinala doon sa playground..
"nasan sila?' sabi ko..
"pupunta na yun! Dyan kalang!"
Tas umalis na sya..
Nakakainis... Hindi ko nga naabutan si daddy at mommy eh tas mag-isa pa ako dito... Ang saya ng birthday ko ah!

"Uyy!" nilingon ko ang nagsalita si Prince pala..
"Hi!" sabi ko...
"para sayo" sabi niya at inabot ang tatlong roses..
"I love you?"
"hindi ah! Thank you po ang ibig sabihin nyan"
Tumawa nalang ako..
"welcome po" sabi ko..
" salamat at nakilala kita" nagulat ako sa sinabi niya..
"huh?"
"kasi ah basta salamat"
"ok... Thank you din kasi madami din akong natutunan sa buhay dahil sayo" sabi ko..
Yumuko naman sya..
"happy birthday ate!!!!" nagulat ako ng lumabas yung mga bata kasama si daddy and mommy...
"Waahhh! Andaya niyo mommy!"
"hahaha"

Naramdaman ko ang luhang pumatak sa pisngi.. Namimiss ko na si Mommy.. Sana ako nalang ang nawala kaysa sa kanya...

Sana ako nalang yung napuruhan hindi sana nagalit si daddy...

"Miss Clairr" nilingon ko si Janecha...

"Janecha... Bakit ang sakit? Bakit kailangan pang si Mommy pa ang nawala? Bakit hindi nalang ako?"

Niyakap naman ako ni Janecha...

"Alam kong masakit mawalan ng minamahal sa buhay miss Clairr.. Pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan" tama sya...

"Mito... Sa south Cemetery tayo" tumango naman si Mito...

*-*

"Mommy.. I miss you so much" sabi ko habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko...

"Please let me know about everything Let me remember all.."

"Baby Clairr.."mas lalo akong sumoksuk sa likod ni Daddy ng dumating na si Mommy na may dalang gamot...
"Mommy ayoko ng gamot!" sigaw ko...
"Dad.. Kausapin mo ngayang anak mo"
"alright... Clairr gusto mo bang pumunta sa amusement park?"
"Oo... Pero gusto ko tayong
tatlo.."
"sige hindi na ako papasok basta uminom kalang ng gamot"
"yehey!!!!"

I was ten years old ng mangyari yun..

Mahal na mahal ako ng parents ko to the point na isusuko nila ang lahat para sakin.

" Miss Clairr tama na po yan... Umuwi na tayo" tinanguan ko si Janecha at nagpaalam na ako kay mommy..

Mito's pov

"Ano?! Magsalita ka!" napapikit nalang ako ng naririnig ko ang ungol ng hayop na muntik ng gumahasa kay Clairr..

Kung paano sya napunta dito? tanong niyo kay Boss kanina pa namin hindi nakakausap ng matino ang taong yun...

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon