38

407 17 1
                                    

Mito's pov

"Ayos ka lang ba?"hindi ako sumagot at winaksi ang kamay niyang pilit akong tinatayo..
"Kaya ko sarili ko! Ano pa ba kailangan mo?!"
Shit! Mukhang napuruhan talaga ako ng mga gago!
Nung susugurin niya ang mga ito inunahan ko siyang patumbahin lahat sila gamit ang mga dala dala kong kutsilyo na may kakaibang gamot na kapag tumama sa ugat mo siguradong tulog ka..
Pero hindi ko namalayan may paparating pa pala at naubusan na ako ng kutsilyo kaya eto ako ngayon wasak ang tadyang..
"yung kapatid ni Light ang.. nag-utos na ipapatay si Allen.."umiling ako..
"Hindi..sigurado ako hindi kayang pumatay ni Vince ng tao"sabi ko at naglakad na.
"Dane Sandali-" hindi ko siya pinatapos at nilingon ko siya..
"Ano pa ba gusto mo?! Kulang pa ba yung sakit?! Gusto mo dagdagan sige ano pa Janecha! Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo!"sabi ko.. punong-puno na ako sa kanya..
"Dane...Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo kaya ako nandito para magpaalam.. Huli na natin tong pagkikita.. aalis na ako at hindi na kita guguluhin pa.. Andito ako para.. magpasalamat sa iyo... pati na rin kina Spark at Light.."parang tumigil ang mundo sa mga narinig ko... pati ang paghinga ko parang tumigil rin..

"Im sorry Dane.. nasaktan kita.. pero sa ginawa ko mas nasaktan ko ang sarili ko.. Maniwala ka man o sa hindi. Hindi ko ginusto ang mga sinabi ko"sabi niya...
Hindi ko pa rin siya nilingon...

Nasaktan ako at kailanman wala pa akong salitang binawi.. Sinabi ko sa kanya na kapag tinalikuran niya ako nung araw na yun kailanman hindi na siya makakabalik...

Kaso ang isipin ko pa lang na hindi ko na siya makikita kahit kailan..
Tan****! Ayoko! Hindi ko kaya!!!
"aalis na ako" nagmadali akong haralin siya at hawakan ang kamay niya... Tiningnan niya naman ako at sobrang sakit makita ang mga luhang dumadaloy mula sa mata niya..
Hinawakan ko ang pisngi niya at inilapit ko ang mukha ko at hinalikan ko siya...
"Mahal kita Janecha.."sabi ko..

Ice's pov

"Ano?!"sigaw ko...
Bwesit talaga ang Mito na yan at nakaligtas pa talaga! Hindi na lang mamatay katulad nung Allen na yun!
Papatayin ko lahat ng taong malalapit kay Light at sisimulan ko yun sa mga kasama niya pero parang pumapanig pa sa kanila ang tadhana..

*blaag!* napatingin ako sa pinto at lumabas doon ang kapatid kong wala namang ginagawa! P*ste!
"Ano ba talagang gusto mo huh Ice! Kung gusto mo silang ubusin huwag mo idamay ang gang ko!"nagsmirk ako..
"Gang mo? Wala ka ng gang ngayon Vince... Akin na ang Liontale ngayon.. wala ka namang binatbat bakit ka gagawimg leader? Kasalanan ng mga ka gang mo kung hindi ba naman sila mahihina hindi sila mamamatay!"sabi ko dahilan para maikuyom niya ang kamay niya..
"Sasaktan mo ako? Gawin mo.. baka bukas mabalitaan mo yung pinakamamahal mong Yumi ay lumulutang sa ilog"pananakot ko...
"huwag mong paabutin sa punto Ice na patulan kita hindi ka matutuwa sa kaya kong gawin" tumawa naman ako sa sinabi niya...
"Ano akala mo sa akin tanga?! Akala mo hindi ko alam na kinakampihan mo ang kapatid mong gago?!"
Ngumisi lang siya at hindi sumagot..

"Bumalik ka rito!"sigaw ko ng bigla siyang umalis...

Pinagtatapon ko naman lahat ng nakita ko...

"Patayin niyo sila!!!"sigaw ko sa mga tauhan ni Papa..
Akin lang si Clairr!

Angela's pov

Napatayo ako sa upuan ng biglang may pumasok...
Hindi ito sina kuya o kahit si Red...
Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman lang ang gagawin niya..
"Umalis ka na rito"sabi niya.. Kilala ko ang boses niya pero hindi ko mawari kong sino ba talaga..

"S-sino ka?"sabi ko...
"huwag ka ng magtanong umalis ka na dahil ikaw na ang isusunod nila!"kumunot ang noo ko..
"K-kuya Vince?"Takang tanong ko...

"Angela.. umalis ka na"naguguluhan man ako ay tumayo ako at naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko..
"K-kuya Vince.. bumalik ka na.. bumalik ka na sa amin ni Kuya"sabi ko at naramdaman kong bahagya siyang umatras...
"Hindi na maibabalik sa dati ang lahat Angela... Madami ng nangyari" umiling ako...
Pilit kong inaabot ang mukha niya..
"Kuya.. Kahit kailan hindi nagbabago ang pagmamahal namin ni Kuya Light sayo"sabi ko...
Hinawakan niya naman ang kamay ko at binaba ito...

"Umalis ka na" sabi niya..
"Hindi ko alam saan ako pupunta"sabi ko..
Ilang sandali siyang nanahimik...

"Tara"sabi niya at hinila ang kamay ko...

Napangiti na lang ako...

Sana bumalik ka na sa tunay mong pamilya kuya Vince...

Mito's pov

"Shit! Nasan ang kapatid ko?!"sigaw ni Boss at binato ang isang flower vase na buti ay nailagan ko..

"Boss hahanapin na lang namin siya"
"Sa oras na malaman kong si Ice ang kumuha sa kanya mapapatay ko siya!"sigaw ni bossing at agad umalis..

Nagring naman ang celphone ko kaya dinukot ko ito ng hindi man lang tiningnan kong sino ang tumawag..
"Boss..Si Boss Spark po.. Nasa hospital binaril po siya kasama si Miss Zalena.. Pareho po silang masama ang tama boss" sa narinig ko ay napamura ako ng malakas at tinadyakan ang sementong nasa gate nila Bossing...
"mga hayop sila!"sigaw ko at mabilis na sumakay sa motor...

Pagdating ko sa Ospital ay naabutan ko si Tita Millena..
" Jusko anong nangyari Mito?!"sigaw ni tita kaya agad ko siyang niyakap.. Noon paman ay napamahal na kami kay Tita dahil kapag napapatrobol kami lagi niya kaming sinasalo..
"tinambangan sila tita hindi ko alam anong nangyari"sabi ko.
"Dane"
Nilingon ko ang tumawag at gusto kong ngumiti nung makita ko siya pero sa sitwasyon ngayon hindi ko na alam kung papaano pa.. Nasa Comma si Lady...Nawawala si Angela at ngayon ito pa ang nangyari kina Spark!
Sunod sunod na trahedya..
Naramdaman ko naman ang yakap ni Janecha sa akin..

"Andito lang ako hindi kita iiwan"bulong niya sa akin...
Sinusumpa ko sa oras na malaman ko kung sino gumawa ng lahat ng 'to magtago na lang siya sa lungga niya...

Clairr's pov

Asan ako? Napatingin ako sa paligid at nakakita ako ng maraming aparatus.. hindi ko rin maigalaw ang katawan ko..
Pumikit ako sandali..
Tama nawalan akong malay dahil..

Pumikit ulit ako ng may pumasok sa loob ng kwarto..
"Huwag ka na sanang makaalala pa.. Dapat kalimutan mo na siya" kilala ko ang boses na'to..

Flashback

"Ano ginagawa mo jan?"tinapon niya naman ang hawak niya..
"Bakit ka ba biglang sumulpot jan gusto mong mamatay?" tiningnan ko ang lalaki at tsaka ako tumawa..
"Hi ako si Clairr ikaw anong pangalan mo?"
"Darren"sabi niya..
"Ilang taon ka na?" Tanong ko at umupo sa swing siya naman ay nakaupo sa malaking bato malapit sa akin..
"14" tumango ako
"Mas bata ka pala sa akin ng dalawang taon"tumingin siya sa akin..
"Alam mo bang bawal makipag-usap sa akin?"umiling ako sa kanya..
"Bakit bawal?"
"Kasi isa akong mafia"sabi niya at binato ang kanina niya pang hawak na patalim at tumama iyun sa isang pusa at natumba ito..

"Bakit mo yun ginawa?! Ang sama mo!"sigaw ko at tinakbo yung pusa..

Simula nung araw na yun lagi na siyang nakatayo lang don sa may swing at pinagmamasdan ako..
At yung swing na yun ay natatagpuan sa likod ng bahay ampunan..

Kaya ba siya nagsinungaling?

gusto kong iwaksi ang kamay niyang humahaplos sa mukha ko nandidiri ako sa kanya....
"Itigil mo na ang kabaliwan mo Darren hindi ko ibibigay ang anak ko sa'yo"si Daddy?
"Tumahimik ka ah pag ako napuno pati kapatid mo isusunod ko.. Alam mo namang kaya kong gawin yun di ba Daddy?" tapos tumawa siya...

Nababaliw na talaga siya..
Nasaaan ka na ba? Nasaan ka Prince?

Comment guys...

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon