18

458 15 0
                                    

Clairr's pov

"Hey Insan! Whats up?!" andito na naman sya... Ewan ko ba dahil kahit sa kanya ay inis na inis ako...

"sabado ngayon di ba? Ano naman kailangan mo?"

"Magbonding naman tayo Insan!"

"ayoko" sabi ko at nagtalukbong ng kumot...

"Sabi ni tita kahapon ka pa raw nagkukulong sa kwarto mo? Bakit may problema ba?"

"Wala... Trip ko lang.."

"may sasabihin pa naman sana ako sayo"

"ano? Na kayo na ni Light? Sige congratz" sabi ko... Ang bilis ah bilib na talaga ako sa unggoy na yun...

"Alam mo ba Insan! Kahapon grabi sya.. Para syang superhero Nang makita ka niyang masasagasaan na sana! he ran as fast as he could para sana iligtas ka..."

"talaga?"

"yeah! Sa panangin ko para talaga syang prince charming! Nakakakilig!!!"

Kaya ba sya ganun? Nag-alala talaga sya sakin?

Pero bakit?!

"Insan may gusto ka ba kay Light?"

0.0

"huh?! Adik ka ba?! Bat naman ako magkakagusto dun!"

"Bakit naman hindi? Ang gwapo niya kaya! Ang gentleman pa!"

"saan namang parte gwapo yun?! Hindi mo pa sya kilala Zalena"

"I know him... Alam kong gangster sya at may gang sya na sikat sa campus!"

"ayoko na masaktan kalang sa huli Zalena"

"Alam ko ding may gusto na syang iba" nabigla ako sa sinabi niya.. Pero ng tingnan ko sya nakangiti lang sya..

"Ok lang sayo?"

"of course! "

May gusto si Light kanino?

"So! Sige na Insan samahan mo na ako? Huh?!please!"

"san ka ba pupunta?"

"May date ako ngayon and im sure you will be happy to see him! Kaya mag-ayos ka na!"

"sino?"

"someone important to both of us!"

Napailing nalang ako at tumayo.. Sana nga lang talaga kilala ko...

*airport*

"anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya...

"padating na yun! Oh he's here! " may kumaway naman kay Zalena na lalaki... Parang nakita ko na sya noon..

"Si Clairr na ba to?" tanong niya..

"yup!" pero nakatulala pa din ako..

"Hey! Speak up! Li'l sis its me your big brother! Zeke"

"Zeke?!" tanong ko

"Yeah one and only!"

"Kuya Zeke! Ilang taon din kitang hindi nakita!"

"Ako rin namiss kita!"

Unlike kay Zalena close ko si Zeke.. Kuya siya ni Zalena at sya ang pinakamatanda saming magpipinsan.

Mabait na kuya si Zeke napakagentleman pa..

"Bumalik na ba ala-ala mo?" biglang tanong nya..

"Hindi pa ... Pero may sumusulpot sa ala-ala kong tao pero hindi ko naman makita ang mukha..." sagot ko...

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon