15

569 16 0
                                    

Clairr's pov

"Good morning Clairr!!!! Hi tita Millena!!!!"

Nagkatinginan nalang kami ni tita... At pinuntahan ang maagang nambubulabog sa araw namin...

"Zalena! How are you?!" linapitan naman sya ni tita at ayun nagbatian na sila...

Aga naman nyang pumunta rito..

"ahh... Pinayagan ka ni Miguel pumunta dito?"

"yes po! He trust me naman po eh... At andito naman si Clairr para bantayan ako right Insan?"

Hindi nalang ako sumagot at kinuha ang mga gamit ko..

"tita pupuntahan nalang kita sa flowershop mo mamaya"

"oh sige hihintayin kita! Ingat kayo huh!"nararamdaman kong nakabuntot pa din siya sakin ..

"Whats that?!" sigaw nya ng makakita sya ng jeep

"Jeep, yan ang sinasakyan ko papuntang school.."

"What?!oh my gee insan! We have money! Tito Clarence have-" hindi ko na sya pinatapos ng tingnan ko sya ng masama...

"You have money but i don't have hindi ako isinilang na prinsesang kagaya mo...."

"We can ride on my car or magtaxi nalang tayo..."

"ikaw nalang.. sasakay ako ng jeep"

"ok... Kita nalang tayo sa school!" sigaw nya at sumakay sa kotse na kanina pa din nakasunod sa amin.

Pagdating ko sa school ay napansin ko kaagad si Light na nakaupo sa lilim ng puno na nasa likod ng building namin...

Bakit kaya pakiramdam ko lagi siyang malungkot? Dahil kaya sa babaeng mahal niya?

Dumiretso nalang ako sa paglalakad.. Naiinis pa din ako sa kanya... Kasi...

Ah basta naiinis ako!

Naiinis ako sa ugali niya! Hindi ko siya maintindihan! Hindi ko mabasa ang mga gusto niyang iparating.. At parang may tinatago sya sakin...

"Ang aga mo naman nakasimangot"

"Ice"

Ngayon ko lang sya nakita pagkatapos nung fieldtrip namin...

"Im happy... Nakita na din kita"

"huh? Bakit naman?"

"stress reliever... Nakakastress na kasi andaming dapat gawin ng student council"

Naiintindihan ko naman sya... Andami nga namang dapat gawin..

Sila kasi ang nag-oorganize sa lahat ng contest...

At ang alam ko nagmemaintain din ng grades si Ice....

Napakaresponsableng tao...

"I heard sasali ka sa contest"

Oo nga pala naalala ko yung contest..

"Oo... Sana nga magawa ko ng tama"

"Haha kaya mo yan kaw pa!"

"salamat"

"susuportahan kita" nginitian ko naman sya...

"tsk.. Tsk... Aba mr. Student council president... Answerte mo naman"

Tss.. Si Red Mondragon na naman para talagang kabute ang taong to biglang sumusulpot.

"Mr. Mondragon... What do you need?" plain na tanong ni Ice..

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon