Clairr's pov
"Tara na nga lang Ice" sabi ko at tumayo na ako..."May gang war! May gang war!" sigaw nung isang estudyante habang tumatakbo sa loob ng cafeteria..
"A-anong meron?" takang tanong ko.. Bigla namang tumayo si Ice..
"Let's Go!" sabi niya at hinila na ako paalis...
Pagdating namin dun ang dami ng tao na nakapalibot kaya sumuot na kami ni Ice..
"Tigil niyo na yan! Kung ayaw niyong ma-expel!" sigaw nung vice-president ata ng student council..
Pero hindi naman nila naririnig..
Hindi ko makita kung sino itong nagbubug-bugan! Pero iba ang pakiramdam ko.. Parang sila.."Ano ba!" sigaw ko.. Napatigil ang lahat at napatingin sakin..
Nagulat nalang ako ng makita sila Mito at Spark pati ang leader nila..
Sila pala yung nasangkot sa gulo
Hinawakan naman ni Ice ang kamay ko..
"kayong lahat detention room please" sabi ni Ice at inakay na ako palayo.. Habang hila niya ako napatingin naman ako sa kanya prente lang siyang nakatingin sa kamay namin ni Ice pero wala naman akong makitang emosyon sa mga mata niya..Hahayaan mo nalang ba na mawala ako sayo Light?
Wala na ba akong halaga sayo?Tumalikod nalang ako at hinayaan si Ice na hilahin ako..
Kaso..Biglang may kamay na humawak sa kamay ko kaya napatigil kami ni Ice..
"Bitawan mo siya Velasco" sabi pa niya..
"Tara na Ice" sabi ko at pilit binabawi ang kamay ko pero ayaw niya namang bitawan.."Let me go Light" plain kong sabi..
"Bitawan mo ang girlfriend ko Velasco" humigpit ang hawak ko kay Ice kasi alam kong bibitawan niya ako.."Girlfriend?! Girlfriend mo pa pala ako? Buti naalala mong girlfriend mo pa ako" madiin kong sabi sa kanya at hinihila ang kamay ko..
Hindi siya umimik at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko..
"Bitawan mo siya" may halong pagbabanta na ang sinabi niya kaya binitawan ko na si Ice..
"Salamat sa oras Ice ako na bahala sa kanya.. Ayokong madamay ka" tumango naman si Ice at umalis..Tiningnan ko siya ng masama..
"Ano?! Magtititinginan lang tayo?" pasinghal kong tanong.. Binitiwan na niya ako at nagsimulang maglakad..
"Ganyan ka ba nakikipagbreak? Natauhan ka na ba na mahal na mahal mo pa rin si Lady? Na wala talaga akong puwang jan sa lintek na puso mo?" sabi ko..
Ayokong umiyak pero kusang lumalabas ang mga pesteng luha sa mata ko.. Na para bang kusa siyang umiiyak dahil alam niyang nasasaktan na ako..
Na ang sakit sakit na pala talaga"Sumagot ka naman Light! Minahal mo ba ako? O ginawa mo lang akong-"
0.0
Naramdaman ko nalang ang labi niyang nakadikit sa labi ko.. Hindi ako makagalaw..
Nung pakawalan niya ang labi ko parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko..
The kiss seems so magical.. Para akong nililipad..
"Naramdaman mo ba?" tanong niya.. Tiningnan ko siya..
"A-ang alin?"
"Naramdaman mo ba ang pagmamahal ko sayo? O kulang pa? Bakit mo ba kinukumpara ang sarili mo kay Lady?"
"Kasi una mo siyang minahal!"
"Ikaw ang mahal ko!" sigaw niya..
Sa apat na salitang yun parang huminto sa pag-ikot ang mundo..
Korni pero yun ang pakiramdam ko.. Para akong hinihigop ng mga tingin niya..
"Kung mahal mo ko bakit ka ganyan? Bakit mo ko iniiwasan?"
"akala mo ba madali para sakin din 'to? Sobrang hirap! Pero wala naman akong magagawa! Kasi mahal kita ayokong makita kang nahihirapan.." nagulat ako sa sinabi niya..
"Ano bang-"
"Sana nga hindi nalang ako lumapit sayo"
"Light hindi kita maintindihan! Bakit ka ba kasi ganyan!"
"Mahal kita.. Mahal na mahal kita lahat ng ginagawa ko para sa'yo.. Kung inaakala mo na hindi na kita mahal na mas mahal ko si Lady.. Tatandaan mo lang ito Mahal na mahal kita"
Kung nasa normal na sitwasyon lang kami.. Babatukan ko siya dahil sa dami ng mahal kitang nasabi niya.. Kulang nalang ipabilboard niyang mahal niya talaga ako..
"Mahal mo ako? Bakit hindi ko maramdaman?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at idinikit ang noo niya sa noo ko..
"Pagdating ng araw malalaman mo rin na may bagay kang dapat gawin sa taong mahal mo hindi dahil hindi mo na siya mahal kundi dahil sobra mo siyang mahal" hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa isang pisngi ko..
"Is this a goodbye?" tanong ko habang hinahayaan ko lang ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ko..
Ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko.. Napapikit nalang ng kusa ang mga mata ko sa ginawa niya..
"Mahal na mahal kita na ayokong pakawalan ka ngayon.. alam ko na kapag hinayaan kitang mawala sakin ngayon hindi ko alam kong paano kita makukuha ulit" sabi niya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko..
"So don't let me go.. Stay with me.." sabi ko..
"I want to.."
"Please?" pagmamakaawa ko..
"Mahal kita Clairr"
"Kotang-kota ka na sa Mahal kita Light" biro ko at pilit ngumiti..
"Kung mahal mo hindi mo bibitawan kumapit ka lang dahil kapag mahal niyo ang isa't-isa kahit harangan man kayo ng kahit na ano pag-ibig niyo sa isa't-isa ang mananaig.." sabi ko
Bigla ko kasing naalala yun ang laging sinasabi ni Mommy sa akin noon..
"Light Mahal kita.. Hindi ko alam kung paano pero pakiramdam ko matagal ka ng nandito sa puso ko.. Hahayaan mo bang mawala lang ito?"Hindi siya sumagot kalaonan ay yumuko siya..
"Bahala na sila Clairr pero hindi ko hahayaang mawala ka" sabi niya at yinakap ako..
"Mahal na mahal kita Clairr"
"I love you too"sabi ko at niyakap siya pabalik..Pagkatapos ng drama namin ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase ng masaya..
At nung uwian na ay sinundo niya pa ako sa huli kong klase..
"Hatid na kita?" tanong niya..
"huwag na! Hindi pwede malaman ni tita na tayo parin.."
"alam ko.. Naiintindihan ko naman siya kung bakit" nagulat naman ako sa sinabi niya..
"Alam mo?" tanong ko..
"Narinig ko kayo"
Kaya ba umiiwas siya dahil narinig niya?!
Natampal ko nalang ang noo ko.. All this time ako lang pala ang nag-iisip ng masama sa kanya?!
Bakit ang tanga mo Xhienly Clairr?!"Ok.. Sige ihatid mo na ako" sabi ko at hinawakan ang kamay niya..
"para di ka mawala" sabi ko..
"hahaha ang posesive"
=_="sige tawa pa gusto mo batukan kita?"
=_=
"Huwag ka mag-alala hindi ako mawawala.. Lagi lang akong andito sa tabi mo at hawak ang kamay mo"
Tiningnan ko lang siya at nginitian..
"Maglakad nalang tayo para mas matagal kitang makasama" sabi ko..
Tumango naman siya kaya nagsimula na kaming maglakad pauwi..Nung makadaan kami sa may tindahan ng ice cream ay bumili muna kami bago nagpatuloy sa paglalakad..
"Light pwede magtanong?"
"Ano yun?"
"Bakit mo ko mahal?"
"kasi ikaw si Xhienly Clairr" simpleng sagot niya..
"Ano ako sa buhay mo?"
"Ano pa ba? Para kang isang liwanag na dumating sa pinakadilim na parte ng buhay ko"
"Light?"
"oo bagay sayo ang pangalan ko.. Para kang Light" napangiti ako sa sinabi niya..
"eh ako?" tanong niya..
"question mark" sagot ko.. Kumunot naman ang noo niya...
"Question mark?" takang tanong niya..
"oo.. Para kang question mark kasi kapag kasama kita napupuno ng tanong ang utak ko..."
"Ano namang mga tanong?"
Tumigil ako at tinitigan siya tumigil din siya at tiningnan ako..
"Sino ka Light? Sino ka ba talaga sa buhay ko?"Janecha's pov
"Magdate nalang tayo! Ligtas naman si Lady eh!"
"Hindi nga kasi pwede di ba? Sige na baka naabala lang kita sa mga plano mo pabayaan mo nalang ako na bantayan si Lady" sabi ko na hindi man lang siya tiningnan dahil ang boung atensyon ko ay na kay Lady lang.. Kaiangan ko siyang bantayang mabuti dahil may nagbabanta na naman sa buhay niya kaya uuwi si Master.. Malapit na siyang umuwi..
Magkakaalaman na din ang lahat...
Malalaman na rin ang mga sagot sa mga tanong na matagal ng ikinukubli..Maipaglalaban niyo kaya ang pag-ibig niyong dalawa?
Author's note: comment and vote guys :3
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...