Clairr's pov
"uuwi na ako!" sigaw ko pagkababa ko ng ferriswheel...
Hindi ko na hinintay pang sumagot sya at agad na akong tumakbo...
Kainis talaga! Eh sa nabigla ako kaya nasabi ko yun! Nagseselos ako?!
Ha.ha. Patawa! Bakit naman ako magseselos?! Wala naman akong gusto sa lalaking iyun! Isa pa... May gusto sa kanya ang pinsan ko!
Pagdating ko sa bahay ni tita ay bukas ang ilaw nito...
Kaya pumasok nako...
"Tita andito nako!" sigaw ko kay tita na nanunuod ng t.v sa sala
"kamusta ang date?"
"anong date?!"
"di ba magkasama kayo ni Light?"
"si Janecha ang inaya ko hindi siya... I don't consider it a date"
"ok...fine.. Whatever you say!"
"ewan ko sayo bakit ba pakiramdam ko gusto mo akong ireto sa unggoy na yun!"
"exactly! Kasi bagay kayo at isa pa alam kong aalagaan ka niya"
"Bukas iba na ang kasama niyang babae at guess who! Magkaugali kayo" sabi ko
"Oh no! Hindi pwede yun! Hindi ganun si Light kasi alam kong ikaw lang ang-"
"Ang ano tita? May alam ka bang hindi ko alam?"
Umiling naman sya na para bang may nasabi siyang hindi dapat sabihin?
"Basta! Kayo ni Light ang magsasama forever!"
Ano bang pinakain ni Light kay tita at botong-boto ito sa kanya?
Ah basta! Bahala na bukas..wala akong pakialam kahit na maging sila ni Zalena dapat maging masaya pa ako..
*-*
"Ah mahilig ka pala dun ako din naman mahal na mahal ko ang sports na yun haha"
Ang saya ni Zalena oh! Alam niyo kung bakit?
Kasi magkasama sila ni Light at masayang-masaya na nag-uusap.
"Hey Insan! Kanina ka pa ba jan?! Halika dito !"
=_=
"sige ok lang naman ako rito.." sabi ko atsaka ngumiti...
Kailangan ko ng tagapagligtas.. Sana may dumating...
"Ms. Laverna!"
Yes!
"bakit?"
"pinapunta ka sa Student council room"
Tumango ako at masayang naglakad paalis...
Buti naman at ligtas na ako!
"Good morning ms. Laverna" sabi niya..
"Ang pormal ah... Bakit mo ko pinatawag?"
"May itatanong kasi ako about sa records mo"
"oh? Ano naman itatanong mo?"
"Kailangan kasi namin ang records mo sa dati mong school bago ka na lipat dito.."
"records para saan?"
"Hindi kasi nila ibinigay samin ang records mo may naghold daw"
"si sir butiki" bulong ko...
Loko talaga ang manyak na yun..
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...