44

394 16 2
                                    

Janecha's pov

"Ano?!"gulat kong tanong sa sinabi sa kin ni Clyde..
"Yan din ang naging reaction ko ng sinabi sa akin yan ni Dragon"sabi niya.. Ang tinutukoy niyang dragon ay ng mentor namin na namatay sa isa naming misyon..
"Ibig sabihin si Master ay isa sa leader ng demons?"naguguluhan kong tanong...
"Ganun na nga pati ang tatay nung Light"mas lalong kumunot ang noo ko..
Alam ba nila ito?

"Walang nakakaalam maliban sa ating dalawa Code.. Pati si Ms.M ay kasali din sa Demons noon katulad mo magaling din siya sa computer kaya siya ang most wanted hacker nung mga panahong iyun.. at si Misstress Liera naman ay ang isa sa pinakamagaling na mafia assasin noon"

"so magkakagrupo sila noon?"tumango naman siya..
"Magkakaibigan silang tatlo.. si Master
yung tatay nung Light at si Velasco... Kaso dahil sa kasakiman ni Velasco nasira ang pagkakaibigan nila.."sabi niya pa..

Tumigil naman kami ng bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa si Dane at Spark..

Nagkatinginan kami ni Clyde at tumango siya tsaka lumabas..

"Anong pinag-uusapan niyo"umiling ako kay Dane at niyakap siya..
"Tsk PDA"react naman ni Spark..

Baka kasi hindi ko na ito magawa sa kanya pagkatapos ng mangyayari bukas...

Clairr's pov
"Soutin mo yan at magpaganda ka"sabay bato niya ng damit at mga gamit pampaganda..
"Lalamayin na ba ako"sabi ko.

"Gusto ko ikaw ang naiiba sa lahiat mamayang gabi... Dahil kapag puti ang damit mo mas makikita ko ng mabuti ang kagandahan kapag nababahiran ng maraming dugo" kinalabutan ako sa sinabi niya lalo na nung tumawa siya na parang nababaliw....
"At gusto ko ring magmistula kang anghel na napunta sa lungga ng mga demonyo" sabi niya at lumapit para hawakan ang mukha ko..
"Ano kayang mangyayari ngayong gabi sa tingin mo mahal ko? Sino ba ang una kong papatayin? ang pinakamamahal mong Light o Ang walang kwenta kong kapatid"tinulak ko siya ng malakas..
"Nandidiri ako sa tuwing hahawakan mo ako!"sigaw ko tumawa naman siya ng malakas na malakas...

"Magiging akin ka rin Clairr.."sabi niya bago lumabas sa kwarto.. Napatulo ang mga luha ko ng dumako ang tingin ko sa damit na puti....

"Wala sanang dumanak na dugo mamaya"bulong ko..
Hindi ko kayang makitang may isa pang mamatay..
Sobrang dami ng nagsakripisyo..
andami ng napahamak..

Si sister Marie. Si Sab.. Sina Spark at Zalena..

Pumikit nalang ako at inaalala ang masayang ala-ala namin...

Flashback

"San tayo?"tanong ko habang magkahawak kamay lang kaming naglalakad.. Yung isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko habang ang isa ay nasa bulsa niya lang.. Tumigil naman siya at tumingin sa akin..
"San mo ba gusto?"nag-isip muna ako bago ako ngumiti..
"Alam ko na!"hinila ko naman siya para tumakbo kaming dalawa..
"Park"sabi niya ng nasa harap kami ng isang Park..
"Di ba ang sabi mo dito mo ako unang nakita dahil dinala ka ng mama mo rito at magkakilala sila ni Mommy?"tumango naman siya at inaya akong sumakay sa swing..

Umupo siya sa katabi kong swing at tumingin sa langit..
"Salamat"sabi niya bigla..
"Bakit?"
"Kasi dumating ka sa buhay ko"ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya pero ngumiti lang ako..
"Salamat rin.. kasi tinuruan mo ako ng mga bagay na hindi ko alam na kaya ko palang gawin"ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko..
"Mahal na mahal kita.."sabi niya..
"Mahal na mahal din kita"sabi ko rin at ngumiti..

Akala ko ang magiging kasunod ng kwento namin ay HAPPILY EVER AFTER..
Pero Hindi.. Siguro dahil hindi pa tapos ang kwento namin...
Siguro dahil wala pa kami sa dulo...

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon