Clairr's pov
"So..kumpleto na ang teams natin.. Alright representatives please come here!" lumapit kami kay prof at may binigay syang maliit na papel..
You have to find the red box
"Nasa papel na yan ang bagay na hahanapin nyo na susi sa susunod nyong challenge so goodluck guys! We will start on five minutes!"
Nagkatinginan kami ni Light at agad kaming lumapit sa iba naming ka grupo...
"Clash of gangs ba 'to?" tanong ni Mito kay Light..
"Siguro walang rules na sinabi at parang may kakaiba.." sagot ni Spark
Clash of Gangs?! Ano to parang COC?!"mag-iingat kayo.." sabi ni Mito bakit pakiramdam ko may mangyayaring masama?
"Di ba laro lang naman 'to?" tanong ko..
"Hindi mo ba alam ang premyo ng mananalo?" tanong ni Spark..
"Ano?"
"Money!" sagot ni Mito..
"Maglilipana din ang mga taga ibang gang para pabagsakin ang darksouls at alam na nila kung sino ang kahinaan namin"
"Bakit may kahinaan ba kayo?"
"Ikaw"
O.O me?! Why me?!
"Time's up!!!!!" napatingin kami sa harap tumayo na rin kami ni Light.
"Huwag kang bibitaw sakin" hinawakan nya ang kamay ko.. I felt weird...
"Ready!" hinanda ko ang paa ko sa pagtakbo ganun din si Light nang mapalingon ako sa kaliwa andun si Queenie..
Nagsmirk sya at nagpakita ng
Your dead sign
"get set !"
Mas humigpit ang hawak ni Light sakin kaya ganun din ang ginawa ko..
"huwag mo kong bibitawan" sabi ko.. Ngumiti naman sya.
"Go!!!!!" sabay-sabay lang kaming nagtakbuhan pero bakit yung iba ay nagpapatayan na?!
"wag mo silang pansinin" tumango nalang ako at mas binilisan ang pagtakbo...
"Hoy Light!" may humabol naman saming lalaki at kilala nya si Light?!
"wag kang lilingon" sabi niya kaya hindi na ako lumingon pa... Nang makahanap sya ng isang lugar na madilim ay doon kami pumunta...
Ang dilim dilim kaya pumikit nalang ako at pinakiramdaman ang paligid... Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Light pero hindi naman ako nasasaktan.
Bigla syang huminto..
"Huwag kang maingay..." tumango ako... Umupo kami at nakakarinig ako ng mga yabag ng paa malapit samin..
"asan na yun?" boses yun ng lalaki...
"Andito lang yun!" tinakpan ko ang bibig ko dahil ramdam kong malapit lang sila...
"Hanapin nyo! Kailangan nating makuha yung babae!!!"
"sino boss yung kapatid nung leader ng Ace Spider Gang?!"
"Hindi! Naiingayan lang si boss dun yung matapang! Yung anak ni Laverna"
Ako?!
"Eh boss mataray yun at tsaka kasama yun ng Darksouls"
"wag ka ngang tanga kaya kailangan natin kunin ang babaeng yun! Halughugin ninyo ang boung lugar!"
"opo!" hindi ako makapagsalita... Ano bang meron sakin na hinahanap ako ng mga gangsters? At sino ba talaga ang Daddy ko? Bakit pakiramdam ko may hindi ako alam sa kanya?!
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...