50

464 17 0
                                    

Ice's pov

"Handa na po ang magkakasal sa inyung dalawa" napangiti ako sa ibinalita ng tauhan ni Papa sa akin.

Sa wakas yung matagal ko ng pinangarap ngayon mangyayari na. Ang maikasal kay Clairr ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Buti nalang at natauhan na siya at mahal na din niya ako.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"tanong ni Papa habang may hawak siyang alak.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo nalang tapusin ang buhay nila? Katulad ng pagplano mo nung mamatay si Leira" ngumisi ako at bumaling sa kanya.

"Gusto kong mamatay si Light sa sama ng loob kapag nalaman niyang wala na siyang magagawa"umiling naman si Papa.

"Pagmamahal mo sa babaeng yan ang papatay sa'yo"sabi ni Papa at nilagok ang alak sa baso niya.

"Katulad ng pagpatay ni Leira sa'yo ng piliin niya si Clarence?"

Alam kong una niyang minahal si Leira at nagpapanggap  lang siya na gusto niya si Elena para lang layuan ito ni Lance at mabaling ang atensyon ni Lance kay Tita Daisy

Hindi naman siya kumibo at magsalin na ulit ng alak.

"Katulad nga pagbuwis ng kapatid ko sa buhay niya para sa taong kahit kailan di naman siya minahal" nilagok ko ang alak at tumingin sa kwarto ni Clairr.

"Pag-ibig ang pinakamatibay na sandata Darren,tandaan mo yan"sabi ni Papa at umalis na.

Alam ko yun dahil hanggang ngayon mahal na mahal mo pa si Leira.

Kumatok ako sa kwarto ni Lady at naabutan ko siyang umiiyak na naman habang nakatingin sa labas ng bintana. Hinihintay na baka makita niya si Light.

Huli na ang lahat sa inyo. Dahil akin ka na Clair. Akin lang.

Clairr's pov

Paninindigan ko na lamang ang disisyon kong piliin si Ice para sa ikabubuti ng lahat.

Patawad Prince.

Alam kong sa gagawin ko habambuhay akong magdudusa sa piling ng taong kahit katiting man lang ay wala akong nararamdaman. Ngunit ang isipin ko pa lang na tumakas ay alam kong hindi matatapos ang gulong 'to.

Madaming madadamay at magbubuwis ng buhay para lang mailigtas ako.

Tumingin ako sa pinto ng may pumasok ditong babae.

"Ang sabi po ni Sir Ice ito daw po ang sosoutin niyo ngayon sa kasal niyo" sabi nung babae at bahagyang yumuko.

Napatingin ako sa hawak niyang kahon na alam ko damit ang laman dahil sa sukat nito. Hindi akonsumagot kaya nilapag niya ito sa higaan.

"Magbihis na daw po kayo dahil magsisimula ang seremonya sa loob ng isang oras" sabi pa nung babae at yumuko bago lumabas.

Kasal. Nung nakilala ko si Light yun ang pinakamasayang bagay na lagi kong iniisip. Bakit ngayon natatakot ako? Gusto kong tumakbo palayo. Iwanan ang lahat ng ito.

Kinuha ko ang damit at tumitig sa labas ng bintana. May darating kaya para iligtas ako?
Darating ka ba Prince?

Janecha's pov

" Si Angela?"tanong ni Light kay Red na nagmamaneho naman ngayon papunta na kami sa Kota ng Demons.

"Kasama niya si Queenie, ligtas na sila"sagot ni Red na nakatinginnlamang sa daan.

Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Mito sa kamay ko kaya nilingon ko siya.

"Kinakabahan ako" sabi niya.
"Alam kong mahirap isipin na parte siya ng kalaban Dane"patungkol ko sa Ama niya.

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon