Clairr's pov
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Tita..
"Clairr!"
"Anong nangyari tita? Bakit ba ako nandito? Nagkasakit ba ako?"
"H-hindi mo maalala?"
"Ang alin?"
Wala akong ma-alala di ba nga kalalabas ko pa lang sa ospital! Teka nasa States pa ba ako?!
"Clairr.. Are you kidding me?"
"Tita asan tayo? Nasa States pa ba ako?" tanong ko...
"Tatawag lang ako ng doctor" sabi niya at umalis..Anong nangyari dun?
Pagkabalik niya may kasama na siyang doctor at agad akong nilapitan..
"Clairr ichecheck lang kita ah" tumango nalang ako..Pagkatapos niyang icheck ang lahat ay hinarap ako nung doctor..
"Clairr nasan ka kanina bago ka nawalan ng malay?"
"Nasa ospital.. Kakagising ko lang di ba? Naaksidente ako kasama si Mommy tas a-ang sabi niyo wala na siya.. Di ba nga natulog ako ng dalawang taon" nagkatinginan naman ang doctor at si tita..
"Ganun ba.. Sige na Clairr ah magpahinga ka muna" tumango nalang ako at humiga sa kama...
Lumabas naman silang dalawa...May problema kaya sila?
Millena's pov
"Doc ano pong nangyari bakit po siya naging ganun?"
"Mas lumala ang amnesia niya dahil sa nakaranas siya ng isang matinding stress..
Alam niyong hindi niya dapat pinupwersa ang pag-alala ng lahat"
Oo alam ko yun...
"Babalik pa ba siya sa dati Doc? Maalala niya kaya ang lahat?"
"Oo makakaalala siya pero hindi niyo siya dapat pinupwersa.. Makakaalala siya ng kusa.. Dahil kapag nangyari ulit ito maaring mabura na ang lahat ng ala-ala niya..."
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko..
Bakit ba nangyayari to sa kanya? Nung akala ko maalala na niya ang lahat siyaka pa nawala.."Millena"
Nilingon ko si kuya..
"Kasalanan niyo to! Kasalanan niyo tong lahat!" paninisi ko sa kanya..
Totoo namang kasalanan niya! Kung hindi niya sinabi iyun kay Clairr hindi niya susubukan maalala ang lahat..
Ngayon paano na?!
"Bakit?" takang tanong niya..
"Bakit?! Kasi nabura na naman ang ala-ala niya!"
Hindi siya nakapagsalita..
"mas mabuti na yun.. Mas mabuti ng hindi na niya maalala habang buhay ang Dela Merced na yun.."
"Ganyan ka na ba ka sama kuya?!"
"Ginagawa ko to para sa ikakabuti ng buhay niya"
"Ikakabuti niya?! Ikakabuti ba niya na pinagkakaitan mo siya ng pagmamahal galing sa kanyang ama?!Hindi kita maintindihan!" sigaw ko at umalis.Im sorry Clairr.. Hindi ka dapat nahihirapan ng ganito...
Clairr's pov
Narinig kung bumukas ang pinto.. Pero hindi ko nilingon ang pumasok.. Baka kasi doctor lang..
"Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka"
0.0
D-daddy?! Si daddy ba 'to?!
"Daddy!" sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit... I miss him so much!Nagulat ako ng bahagya niya akong tinulak..
"D-daddy Bakit?" napaatras naman ako ng maalala ko ang sinabi ni tita..
"magkasama kayo ng mommy mo ng mangyari ang aksidente"
Galit si Daddy sakin.."Your going home with me.. Ipakilala kita bukas sa Fiancee mo"
Fiancee?!
"Fiancee?! Ikakasal po ako?!"
"Oo.. Matagal rin siyang naghintay na magising ka"
Siya kaya yung lalaking nasa panaginip ko? Siya ba yung Prince?
"Magpahinga ka na.. At syanga pala huwag kang maniniwala sa tita mo"
"bakit po?"
"basta.. Ako lang ang dapat pinapakinggan ko nagkakaintindihan ba tayo?" tumango nalang ako..Pagkatapos kong dumaan sa mga test ay pinalabas na rin ako.
"Daddy hindi ba tayo uuwi sa bahay?"
"Dito na muna tayo" napatingin nalng ako sa loob ng condo unit..
Bakit pakiramdam ko ayoko sa lugar nato?
"Mag-ayos ka at papunta na ang fiancee mo"
"ok" sagot ko nalang..Nang abutin ko ang bag ko ay nalaglag ang isang celphone.. Pinulot ko iyun at binuksan ang mga mensahe..
Fr:Unggoy ko
Im sorry.. Sorry kasi hindi kita naipaglaban...
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Ficção AdolescenteA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...