35

395 13 0
                                    


Clairr's pov

"Are you okay?" tanong ni Ice at pinisil ang kamay ko na hawak niya..
Papunta na kami sa venue nung engangement party..
"Kanina ka pa tahimik.." nilingon ko si Ice..
"Ok lang ako" sabi ko at tumingin sa labas ng bintana..
"Nung naging tayo ba masiyahin ba ako?" tanong ko ng hindi man lang siya nililingon..
"Oo" simpleng sagot niya..
Tumingin nalang ako sa labas ng kotse..

Gusto kong makausap si tita..
Pero paano? Ayokong suwayin ang utos ni Dad ..
Pero pakiramdam ko may mali talaga eh..
Parang may hindi tamang nangyayari...
Pagdating namin sa venue ay agad kaming sinalubong ni Daddy..

Gusto ko siyang yakapin.. Pero yung mga mata ni Dad hindi ko nakikita ang paghahangad niyang yakapin ako...

"Sige na pumunta na kayo sa pwesto niyo"malamig niyang sabi...

Yumuko ako at naramdaman ata ni Ice na may iba akong nararamdaman kaya inangat niya ang ulo ko..
"May problema ba?"
"Wala"sabi ko nalang at umupo sa gitna ng stage...
Dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang lahat ng nandito..
Lahat sila masasaya at parang walang problema...
"Ice, restroom lang ako"paalam ko..
"Samahan na kita"
"Huwag na kaya ko na sarili ko" sabi ko at tumayo na...

Habang papunta ako sa restroom ay nararamdaman kong may nakasunod sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad..

Akmang isasara ko ang pinto ng may isang kamay na pumigil nito at nagulat ako ng makita siya..
"Zalena?"
"Shhhs!" Saway niya at sinara ang pinto...
Binuksan niya ang mga gripo bago ako hinarap..
"Oh my God Insan! I can't believe what happen!"sabi niya at niyakap ako..
"T-teka! Bakit ka nandito?! Di ba nasa States ka?" Umiling naman siya..
"Ilang linggo na ako rito! Insan you have to go with me!"sigaw niya at hinila ako..
Winaksi ko naman ang kamay niya..
"S-saan?"
"Sa taong totoong nagmamahal sayo.."sabi niya at binuksan ang pinto... May nakahintay naman sa aming lalaki na nakayuko lang..
"Tara Sparky!"sabi ni Zalena at agad tumango yung lalaki at hinubad ang jacket niya at tinakip sa ulo ko..

Habang nasa biyahe kami ay pareho lang silang tahimik kaya nanahimik nalang din ako..
"Halika na Insan andito na tayo"tumango ako at bumaba ng kotse..
Pagkababa ko ay napatingin ako sa paligid..
Bakit sobrang pamilyar ng lugar na'to?
"Boss"sabi nung kasama ni Zalena na lalaki...
Lumingon naman yung tinawag niya at natutop ko ang bibig ko..
"Light"
Tumayo naman siya at yinakap ako...
"Sorry.. kasalanan ko ito.. Kung nakinig lang ako sayo noon hindi tayo aabot sa ganito... Hindi ka mahihirapan ng ganito"sabi niya.. Kumawala ako at tiningnan siya ng nagtataka..
"Sino ka ba?"tanong ko..
"Ako si Light"sabi niya..
"Hindi kita kilala!"sigaw ko at lumayo sa kanya..
"Zalena sino ba sila?!"sigaw ko..
"arte"sabi nung isa kay Zalena..
"Niloloko ka nilang lahat!"
0.0 nagulat ako sa sigaw niya..
"A-ano?!"gulat kong tanong..
"tumigil ka! Gusto mo bang may mangyaring masama ulit sa kanya?!"sigaw nung Light..
Napatingin ako kay Zalena at yumuko naman siya..
"tara ihahatid na kita"sabi nung Light at hinila ako..

Habang hinahanda niya ang motor niya ay nakatingin lang ako sa kanya..
"Tara"sabi niya pero tiningnan ko lang siya..
Bakit pakiramdam ko gusto ko siyang yakapin?

Lumapit siya sa akin ng hindi ako sumakay sa motor niya..
Bago pa siya makapagsalita ay yinakap ko siya ng mahigpit..
"Huwag kang magsalita.. hayaan mo lang ako... pakiramdam ko kasi dapat kong gawin 'to.."sabi ko..

Pinakikinggan ko lang ang bulong ng puso ko..

Zalena's pov

"Hindi siya dapat magpaloko sa Ice na yun!"sigaw ko..
"Ano gagawin mo? Ipipilit mo sa kanya ang lahat? Para ano para mas mabura ang mga ala-ala niya? Alam mo naman ang rason kaya siya naging ganito di ba?"pinunasan ko ang luha ko...
"Bakit ba kayo ganyan?! Hahayaan niyo lang ba siya na mawala at makuha ng iba?!"lumapit naman sa akin si Spark at tinap ang ulo ko...
"Kapag nagmamahal ka Zalena kahit gaano pa yan kahirap kaya mong magtiis.. Mahal ni Boss si Lady kaya siya nagtitiis"
Alam ko naman yun.. pero paano kung maniwala si Insan kay Ice?! Hindi ko talaga akalaing demonyo din yung Ice na yun!
Hinila naman ako ni Spark palabas at naabutan naming magkayakap sila..
"Hindi man nakakaalala ang utak niya naalala naman ng puso niya ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing magkasama sila kaya huwag kang mag-aalala babalik din sa dati ang lahat"tumango ako kaya napangiti nalang siya...
Tayo Spark..hanggang kailan din ba ako magtitiis?

Clairr's pov

Pagdating namin doon ay hindi agad ako bumaba at nakayakap lang ako sa kanya..
Hindi ko alam pero gusto kong umiyak.. Ayokong bumitaw..
Sino ba siya?
"Bumaba ka na"sabi niya kaya bumaba na ako at hinubad ang sout kong helmet.. Tiningnan ko naman siya ng maigi..
"Nagkita na ba tayo noon?"tanong ko..Nagsmirk naman siya at tumingin sa gilid ko..
"Hinahanap ka na ng Fiancee mo"sabi niya kaya kumunot ang noo ko..
"Sino ka ba?"tanong ko ulit...
"Sino ba ako jan Clairr?"tanong niya habang tinuturo ang puso ko kaya mas naguluhan ako...
Tatanungin ko pa sana siya ulit kaso bigla niyang pinatakbo ang motor niya at iniwan akong tulala..
"Ghad! San ka ba galing?!"nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Ice..
"Huwag na nating ituloy to Ice"nagulat naman siya sa sinabi ko sa kanya...
"B-bakit?!"takang sigaw niya...
"Dahil hindi kita maalala!"sigaw ko rin..
"Naguguluhan ka lang! Ako si Prince! Ako ang boyfriend mo! Ang mahal mo! Naghintay ako ng mahigit dalawang taon para magising ka para mapakasalan kita tapos sasabihin mo ayaw mo akong pakasalan?!"galit na galit si Ice dahil habang sinasabi niya yun ay nanlilisik ang mga mata niya...
"Sino ba kasi si Light?!"sigaw ko...
"l-light?" Mahina niyang sabi...
"Sino siya? Bakit pakiramdam ko mahalaga siya sa buhay ko?"umiling naman siya sa sinabi ko..
"Hindi pagpapahalaga ang nararamdaman mo Clairr... Galit"
0.0
Galit.. pero bakit naman galit?
"Bakit naman ako magagalit sa kanya?!"sigaw ko..
"Dahil siya ang dahilan kaya namatay ang mommy mo at nakalimutan mo ang lahat!"
0.0
"A-ano?"

Janecha's pov

"Tss.. Sinusundan mo na naman siya"sabi ni Clyde na nakatayo sa likod ko...
Nakatingin lang ako kay Mito habang umiinom kasama si Spark..
"Naaawa ako sa kanya... Alam ko hindi na niya ako mapapatawad sa ginawa ko.. Ang maiisip niya lang ay niloko ko siya.. Ginamit" sabi ko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko..
"Hayaan mo siyang isipin niya yun.. Alam mong mamatay ang kung sino mang nagmahal sa tulad natin Janecha.. Hindi tayo pwedeng magmahal"napapikit ako sa sinabi niya dahil tama siya...
Hindi ako pwedeng magmahal..

"Magkaiba ang daan na tinatahak niyong dalawa.. Sa simula pa lang dapat pinigilan mo na ang sarili mo" hindi ako sumagot at tiningnan lang si Dane na nakatulala habang hawak ang bote ng alak...

Im sorry Dane.. Sorry dahil hinayaan kong mahulog ang loob natin sa isa't-isa..

Mito's pov

"Mito"bulong ni Spark...
"Alam ko" saka ako ngumisi..
Kung akala nila hindi namin alam na kanina ko pa nararamdaman ang presensya nila.. Pagpasensyahan nila pero hindi ako ganun kahina..
"Bakit nila tayo minamanmanan" naiiritang sabi ni Spark..
"Siguro dahil alam nilang posible tayong makagawa ng paraan para makuha si Lady" mahina kong sabi..
"Siya ba yung isa" tumango ako sa sinabi niya...
Nilagok ko ang alak para mawala ang bumabarang kung ano sa lalamunan ko..
Hanggang ngayon masakit pa rin.. Ang sakit palang maging gago.. P*ta ginamit niya lang pala ako para mabantayan ang kilos naming lahat!
At talagang ang boyfriend pa niya ang nagsabi sa akin...
Nagsisisi ako kung bakit ako nagpadala sa naramdaman ko sa kanya hindi ko siya dapat minahal! Dahil wala siyang puso! Wala silang mga puso!!!

Darating din ang araw na mawawala tong sakit Janecha at sa araw na yun wala na akong nararamdaman para sayo..

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon