Janecha's pov
"Tumahimik ka na nga!" singhal ko kay Dane na parang boyfriend ko na sinesermonan ako..
"Masama bang mag-alala sayo?! Paano kung iba na ipagawa nila sayo?! Paano kung gusto nilang pumatay ka ng tao gagawin mo?!" pumikit ako at hinarap sya..
"Matagal ko ng inalay ang buhay ko sa Association mahal ko ang trabaho ko Dane" Umiling nalang sya..
"Ginagawa mo lang to para maghiganti sa pumatay sa kanya"
That statement caught me off guard...
Naalala ko si Allen..
"Hindi mo alam kong gaanu ko kinamuhian ang mga pumatay sa kanya..."sabi ko at agad tumalikod dahil kusang pumapatak ang luha sa mga mata ko...
"Subukan mong magmahal ulit Janecha subukan mong magbigay ng rason para mabuhay huwag puro galit"
Oo inaamin ko napalapit na ang loob ko sa kanya pero ayokong talikuran ang pinangako ko kay Allen...
Ipaghihiganti ko sya kahit buhay ko pa ang maging kabayaran...
"Hindi na kayang magbukas ng puso ko" sabi ko nalang...
Nagkatitigan kaming dalawa...
Pero naputol iyun ng biglang nagring ang phone ko...
"Master?" sagot ko...
"Code Im coming home... Pagkauwi ko jan pwede ka ng magpahinga ako na ang bahala kay Lady"
"opo" sagot ko..
Mamimiss ko si Lady...
Tas binaba na ni Master ang tawag...
"Itigil mo na ang pangingialam mo Dane... Hindi ko alam kung anong gusto mo pero ayoko nyan so please tigilan mo ko"Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya
Tas bigla niya akong...
O.O
Hinalikan.. Hindi ako nakagalaw at hindi ko namalayanI'm kissing him back...
Im so sorry Allen...
Clairr's pov
"Andito lang naman ako para magpaalam sayo... Hindi kita pipiliting mahalin ako pabalik"
Sa sinabi niya hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan..
"sige" sabi niya at binitawan na ako at nagsimulang maglakad...
Ayoko.. Ayoko syang umalis.. Tanga na kung tanga.. Masaktan na kung masaktan!
"Mahal na mahal din kita Light!"
Tumigil sya sa paglalakad pero hindi siya lumingon...
"Kahit na sa huli masasaktan at masasaktan tayo.. Bahala na basta mahal kita at ayokong mawala ka"
Lumingon naman sya at tumakbo para yakapin ako...
"Mahal na mahal kita.." bulong niya.. Yinakap ko naman sya pabalik..Wala akong pakialam kong ano ang susunod na mangyari basta mahal ko sya at mahal niya ako period.
"Puntahan mo na ang kapatid mo muntik na syang kunin ni Vince kanina"
"Ano?!" tumango ako...
"Pero paano ka?"
"ok na ako... Kita nalang tayo sa school bukas"
"sige..bye"
"bye" sabi ko kinawayan ko pa sya nung pinaandar niya ang motor..Nakakakilig... Kami na nga!
Ahhhh!!! Boyfriend ko na ang gangster Prince!!!*-*
" Janecha!" sigaw ko sa kanya..
"Miss Clairr" sabi niya..
"Aalis ka na daw?" malungkot syang tumango..
"pero bakit? Dahil ba 'to kay Mito? Akala ko kayo na?"
Nabigla nga ako ng malamang sila na din pala ni Mito..
Bagay naman sila eh atsaka wala namang problema don..
"Wala pong kinalaman si Dane.. Kailangan ko lang umalis pero babalik po ako.."
"Sayang naman"sabi ko..
"Kayo na din po ba ni Light?" ngumiti ako..
"Mukha po kayong masaya..." nginitian ko sya..
"Necha!!!!" tawag ni Mito kasama niya din si Light..
Agad namang lumapit si Light sakin at hinawakan ang kamay ko..
"Tara" sabi niya..
"saan?" takang tanong ko..
"Sama kayo your highness! Punta tayong beach"
"Kailan?" tanong ko..
"ngayon" sabay na sagot ni Mito at Light nagkatinginan kami ni Janecha...
"Ano?!" sabay din naming sigaw."Masaya ka ba?" tanong ni Light habang nakaupo kami sa buhangin at nakatanaw lang sa dagat..
"Oo masayang-masaya ako" sabi ko habang nakangiti...
Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko..
"Ako rin" sabi niya.."Ano ba Dane! Mababasa ako!"
Sigaw ni Janecha.. Hinahabol kasi siya ni Mito..
Naghahabolan sila sa dalampasigan.."Light magtatanong ako pero gusto ko sagutin mo ako ng direkta at totoo" nilingon niya ako..
"sige" sabi niya..
"Si Lady.." lumunok mo na ako dahil meron kung anong bumabara sa lalamunan ko..
"Sino ba si Lady sa buhay mo?"Hindi sya nagsalita at dun palang nasasaktan na ako...
Sa pananahimik niya nasa utak ko na ang sagot.."Si Lady... Sya yung taong nagturo sakin magtiwala at maniwala ulit.."
Yumuko ako..
"Sya din yung nagturo sakin kung paano magmahal ng walang kapalit.." sabi pa niya..
"Nasan sya? Kung ganon mo sya kamahal bakit hindi mo sya pinaglaban? Bakit hinayaan mo syang mawala?" hindi ko na nakontrol ang bibig ko kaya naglabasan ang lahat ng yun.."Hindi naman kasi lahat kaya mong hawakan habambuhay..
Minsan kailangan mong pakawalan ang isang bagay hindi dahil hindi mo na gusto kundi dahil yun ang dapat at husto" makahulugan niya pang sabi.."kung ganon mahal mo pa din si Lady?"
"mas mahal kita yan ang tatandaan mo.. Minahal ko si Lady pero Minamahal kita"
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa ramdam ko ang init sa pisngi ko.."Ang chessy mo tara na nga!" sabi ko at hinila sya papunta kina Mito.
Zalena's pov
"I wanna see her! Nasan nga sila?!"sigaw ko kay Spark.. Nagsmirk naman siya at tiningnan ako..
"At bakit? Didisturbohin mo sila?" Sinamaan ko siya ng tingin..
"of course not!"
"Tss ang sabihin mo may pagnanasa ka pa rin kay bosing" sabi niya dahilan para humagalpak ako ng tawa..
"Hahahaha you think so?" Tanong ko pa.. sinaman niya naman ako ng tingin..
"Tigilan mo nga ako arte..." sabi pa niya at inirapan ako..
"Sige na kasi Sparky puntahan na natin sina Insan"
"Tss"sabi niya lang at umalis kaya agad akong sumunod..
"Sparky!"
"Ano!" Irita niya namang sabi..
"Tell me where they are" nakapout ko namang sabi.. nagbuntong hininga naman siya atsaka umiling..
"Ewan ko ba at hindi kita matiis"sabi niya dahilan para mapangiti at patakbong yinakap siya..
"Mahal na talaga kita sparky ko"
0.0
halos lumuwa ang mata ko ng marealize ko ang nasabi ko..
Like what just i have said?!
Ahhhh!!!!Clairr's pov
Napalingon ako kay Light ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko..
"Baka magdikit na yan"biro ko.. Ngumiti naman siya..
"OK lang" namula naman ako sa sinabi niya at sinandal ko ang ulo ko sa may balikat niya..
"Light sana ganito nalang tayo habambuhay"sabi ko..
"Oo naman.. Bakit naman hindi"sabi niya..
Sana lang talaga Light..
"Light kung magkakatuluyan tayo Ilan ba ang gusto mong anak?" tanong ko at nginitian siya..
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa..
"Isang dosena"pabiro niyang sabi.. sinuntok ko naman siya ng pabiro..
"Haha ikaw talaga!ano naman akala mo sa akin baboy ganun?"
"Sapat na sakin tatlo basta ikaw ang kasama ko" ngumiti naman ako..
Ang sweet niya naman..
"Ikaw?" tanong niya sa akin..
"Ako... tatlo rin tas mamumuhay tayo ng tahimik at nagmamahalan.."sabi ko at napangiti nalang ako ng maisip ko ang mga posibleng mangyayari..
Yumakap ako sa kanya..Yumakap din sya at ibunulong sakin ang mga salitang binubulong din ng puso ko..
"Mahal na mahal kita"Ilang sandali pa kaming ganun habang hinihintay namin si mito at Janecha na naliligo sa dagat..
Janecha's pov
"Dane!"sigaw ko at tumakbo kaso nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya..
"Ang ganda ganda mo"sabi niya at inalis ang ilang piraso ng basang buhok na dumikit sa may pisngi ko..
Napalunok naman ako ng mapatingin siya sa labi ko..
At bigla niya akong hinalikan ng mariin..
Ramdam na ramdam ko ang pananabik at pagmamahal ni Dane sa halik niya ngayon pakiramdam ko isa akong prinsesa sa malalambot niyang haplos sa katawan ko..
Tapos bigla niya akong pinakawalan at pinagdikit ang noo namin..
"Mahal na mahal kita Janecha"sabi niya..
Ngumiti naman ako at hinalikan siya..
"Mahal na din kita Dane"sabi ko at niyakap siya..
Tinawag naman kami ni ms.Clairr kaya umalis na kami sa tubig at magkahwak kamay na pumunta sa kanila..
hindi ko na kayang bitawan pa ang kamay mo Dane..Clairr's pov
Nakayakap lang ako ng mahigpit kay Light habang sobra niyang bilis na pinatatakbo ang motor niya..
Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumigil at nung napatingin ako sa paligid ay nakita ko ang maraming gangsters na nakapalibot sa amin..
"Light.."bulong ko..
Hinawakan niya naman ang kamay ko..
"Huwag kang matakot di kita pababayaan"
Tapos bumaba kami at itinago niya ako sa likod niya...Sobrang dami nila!kaya ba sila ni Light?!
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...