Clairr's pov
"siya ang pumatay sa mama mo! Dapat sana nung araw na yun ay magkikita tayo pero pinilit ka niyang sumama sa kanya at dahil magkasama kayo ng mommy mo pati siya ay nadamay sa aksidente!"
0.0
Totoo ba?..Siya ba ang dahilan?
"Kaya kailangan na nating lumayo sa kanya Clairr.. baliw siya.. ako ang pakinggan mo dahil mahal na mahal kita"sabi niya habang kinukulong ang mukha ko sa dalawang kamay niya..
"Bakit.."bulong ko...
Nasasaktan ako..
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit ng nararamdaman ko..
"Huwag kang maniwala sa kanya ako dapat ang pinakikinggan mo" inangat ko ang tingin at nag-abot ang paningin naming dalawa..
Bigla niyang linapit ang mukha niya at bigla siyang pumikit..
Hahalikan nya ba ako?Pero may karapatan naman siya di ba?
Pinikit ko ang mata ko.."Lady..."lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa harap ko..
"Prince"sabi ko..
Hinila niya naman ang kamay ko..
"Huwag kang maniwala sa kanya!"Sigaw niya..*blaag!*
Natulak ko ng malakas si Ice dahilan para malayo siya sa akin...
Isang ala-ala..
napatingin ako kay Ice may nakikita akong galit sa mga mata niya..
Nagalit ko ba siya?
Bago pa man siya makapagsalita ay tumakbo na ako palayo sa kanya..Si Prince...
Sino ba talaga si Prince?!Someone's pov
"Anak" tawag ng isang nasa 40 na lalaki..
"Dad patayin mo na nga ang p*steng Lyle Knight na yun! Wala akong pakialam kahit ano pang sabihin ng Vince na yun!"sigaw ng bunso niyang si Darren..
"Darren, nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? Hindi ko na kailangan pang gamitan ng dahas si Clarence para ibigay ang anak niya" sagot ng nakatatanda..
"Gusto ko ng maging akin lang si Clairr! Ang tagal ko ng nagtatangahan sa mata nila!"nanggagalaiti namang sigaw nung anak niya.."Kung hindi mo kayang gawin! Ako ang gagawa!"sigaw nito ulit..
"Anong gagawin mo huh?! Papatayin mo si Lyle di ba sabi ko sayo ako ang gagawa nun!"sigaw naman nung kakapasok lang na lalaki..
"Ang tagal ng inutos sayo yan! Hanggang ngayon humihinga pa rin ang gago! Ang sabihin mo ayaw mo lang patayin ang kapatid mo!"sigaw nung Darren dahilan para hawakan siya sa kwelyo nung isa pa..
"Subukan mong galawin si Lyle at kakalimutan kong magkapatid din tayo Darren Ice!"pagkatapos niyang sabihin yun ay binitawan niya ng malakas ang nakababatang kapatid at padabog siyang umalis..Hindi lubos maisip ni Vince na kaya niya ba talagang patayin ang nakatatanda niyang kapatid na si Light.. Dahil kahit anung gawin niya ay nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa kapatid kahit kunting panahon lamang niya itong nakasama...
Sinubukan niya ng kausapin ang babaeng dahilan kaya pinapatay sa kanya si Light pero ayaw nitong layuan ang kapatid niya..
"Susubukan kong pigilan ang lahat ng posibleng mangyari Kuya"naibulong na lamang niya sa hangin..
Clairr's pov
"Dad.. Ayokong magpakasal"sabi ko kay Daddy tiningnan niya lang ako gamit ang mga malalamig niyang mata..
"Ikakasal ka"matigas niyang sabi..
"Dad.. Ayoko!"sigaw ko..
"Sinusuway mo ba ako?!"
"Dad hindi ko siya mahal! Iba ang mahal ko!"
"Sino?! Ang gangster na yun?! Nababaliw ka na ba talaga?!"
Sumingkit ang mata ko sa sinabi niya..
"May alam ka"sabi ko dahilan para mawala ang galit niyang ekspresyon..
"Niloloko mo ako... hindi siya si Prince!"
"Hindi makakabuti sa iyo ang pagsuway sa utos ko Xhienly Clairr.."
"No I won't marry him" matigas kong sabi..
"At anong gusto mo? Mamatay kaming lahat? Mamatay tayong lahat?"
"Ano bang pinagsasabi mo!"sigaw ko..
Pumikit ako at pilit inaalala ang lahat bago mangyari to... Bago ako maaksidente! Bago mawala ang ala-ala ko...
Sino ba talaga ako?! Ano ba talaga ang nangyari?!
"Pakakasalan mo siya!"sigaw ni Daddy..
Umiling ako..
"Tama na!!!!! Ahhhh!!" Sigaw ko..
"Clairr! Anak!"
Yun lang ang huling narinig ko...Millena's pov
Patakbo akong pumasok sa loob ng ospital ng tawagan ako ni Nana Tessy sa nangyari kay Clairr..
Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon..
Anong klase siyang Ama?! Anong klaseng tao ba ang kapatid ko?! Hindi ko na siya makilala!Ikinuyom ko ang kamay ko ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng ER ng makalapit ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang galit ko..
*pak!!!!*
"Kulang pa yan Kuya! Sana matauhan ka?! Bakit ka pa bumalik rito?! Ano bang dahilan mo?! Eto ba?! Papatayin mo ba ang sarili mong anak!"umiiyak kong sigaw sa kanya..
Sinuntok ko ang dibdib niya...
"Wala kang puso!"paulit-ulit kong sigaw habang sinusuntok ang dibdib niya..
Hinawakan niya naman ang braso ko at niyakap ako..
"Patawarin mo ako..."
0.0 natigilan ako sa sinabi niya..
"Naging masama akong ama sa anak ko" sabi niya habang yakap ako..
Nararamdaman ko ang sinseredad sa boses niya...
Parang naririnig ko ang dati kong kuya..
"Mahal na mahal ko ang anak ko Millena.." sabi niya..
"Kuya... bakit mo ba siya pinahihirapan? Tama na.. Hayaan mo na siyang maging masaya" umiling naman si Kuya..
"Kailanman Millena hindi na mangyayari yun hangga't nabubuhay sila"napatingin ako kay Kuya..
Sino ang tinutukoy niya?"Sino ang pamilya ni Miss Laverna"napalingon kami sa doctor..
"Kami"sabi ni kuya...Bumuntong hininga ang doctor bago kami tiningnan..
Pagkatapos makipag-usap ng doctor sa amin gusto kong magwala...
Ito ang kinatatakotan kong mangyari sa kanya...
"She's in comma"
Clairr gumising ka na!!
Janecha's pov
"Master"sabi ko.. tumango naman si Master..
"Code... kailangan nating subaysubayan ang bawat kilos ng mga Velasco lalo na ang Ice na yun.." tumango ako..
"Maghanda kayong lahat.. Dahil nalalapit na ang tunay na laban" sabi ni Master dahilan para magkatinginan kaming lahat..Lalabanan na ba namin namin ang Demons?
Masyado silang malakas at makapangyarihan laban sa amin..."Janecha"nagulat ako ng tawagin ako ni Master sa tunay kong pangalan..
"Master"sabi ko at bahagyang yumuko sa kanya..
"Ibinabalik na kita bilang personal na magbantay sa anak ko.." hindi ako nakapagsalita ng dahil dun..
"Binabawi ko na rin ang sinabi ko.. Binibigyan na kita ng kalayaang mahalin ang taong gusto mong mahalin"
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya...
Para itong panaginip..
"At sa oras na magising ang anak ko... Gusto kong alagaan mo siya bilang matalik niyang kaibigan at hindi lang dahil inutos ko ito sayo.."sabi pa niya bago umalis...Malaya na akong magmahal ng kung sino..
Pero paano? Matindi ang galit ni Mito sa akin... Hindi niya ako mapapatawad..
"Puntahan mo na"sabay tapik ni Clyde sa akin..
"Hindi.. hindi na pwede"sabi ko.."Hoy"natigilan ako ng may nagsalita sa likod ko..
"Bakit mo ba kami sinusundan ah"sabi niya ulit...
"Hindi ko kayo sinusundan"sabi ko..
"Hindi ko akalaing ganyan ka pala Janecha"sabi niya..
"Spark.. pakinggan mo muna ako-" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagpakita sa harap ko..
"Ano pa bang kulang?"sabi ni Dane na nakatingin sa akin..
"Dane-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumawa siya..
"Noong una kaya ako lumalapit sa'yo kasi ikaw pala yung babaeng hinabilin sa akin ng kaibigan ko" napatingin ako sa kanya..
"At ginamit lang din kita para malaman ko ang plano niyo kung sakali kay bossing"sabi pa niya..
Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko..
"Janecha tinanggap kita sa kabila ng lahat pero ang boung akala ko na mamahalin mo rin ako panaginip lang pala yun lahat""Sana nga hanggang dun na lang"sabi pa niya...
"Wow may drama!"napalingon ako at makita ang mga gangster...
"Pasensya na pero kailangan naming putulin yan.."sabi pa nung leader nila..
"Kilala kita ah! Ikaw yung girlfriend nung Allen.. sayang akala ko pa naman masisiyahan kami sa kanya namatay naman agad" nagtawanan naman sila...Sila...
Sila ang gumawa non kay Allen!
Agad ko silang nilapitan..."Janecha!"sigaw ni Mito...
"Walang hiya kayo!" Sigaw ko...
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
أدب المراهقينA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...