31

422 17 2
                                    

Clairr's pov

"Sino ka Light? Sino ka ba talaga sa buhay ko?"
Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ngumiti siya..
"Boyfriend mo at soon to be husband mo"
"Maliban doon.. Parte ka ba ng ala-alang nawawala ko?"
"Tara na nga umuwi na tayo" umiiwas na naman siya...

Siguro tama si tita kapag sinabi man niya wala naman akong naalala na parte nga siya ng buhay ko noon..
Paano kung hindi? Paano kong magkaibang tao si Prince at Light?
Sinong pipiliin ko?

Paano kung isang araw balikan ako ni Prince? Anong gagawin ko kay Light?
"Anong iniisip mo?" nabalik naman ako sa mundo ng magtanong siya..
"Wala may naisip lang ako" sabi ko nalang..
"Light nasan si Lady?" nagulat sya sa tanong alam ko yun..
"Hindi ko alam" sabi niya
"Anong nangyari sa inyo?"
"Ayokong pag-usapan ang bagay na yan" umiiwas na naman siya..

Hindi nalang ako umimik hanggang sa nasa harap na kami ng bahay..
"Aalis na ako"
"Umuwi ka na diretso at higit sa lahat please lang umiwas muna kayo sa gang war" sabi ko..
"Aalis na ako"
"sige na umalis ka na"
"aalis na ako"
=_=
"Para kang sirang plaka! Paulit-ulit ka dinig naman kita! Oo na nga di ba!"
"aalis na ako"
=_= kunti nalang babatukan ko na ang boyfriend kong 'to!
"Bahala ka dyan!" sigaw ko at papasok na sana ng hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya para halikan ng mga labi ko..
Napadilat ang mata ko..
Nung pakawalan niya ako ay para akong binuhusan ng malamig na tubig..
"Light!"
"Ano? Hinihingi ko lang goodbye kiss ko.. Sige na alis na ako"
Nagsimula na siyang maglakad habang nasa bulsa ang dalawang kamay niya.. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa hindi ko na siya makita..

"Baby smile! Its your birthday!"
"Is my Prince coming mom?" tanong ko kay mommy habang nasa likod ko siya at inayos ang buhok ko..
"Oo naman gagawa si Mommy ng paraan.." napangiti nalang ako..
"Thanks mommy!" sabi ko..

Habang nagsisiyahan ang lahat nakatingin lang ako sa may gate at baka dumating siya bigla..

"Baby.. Baka mahalata ka ng Daddy mo"
"Mommy asan na siya?"
"parating na yun" sabi ni Mom..
"Hey whats the matter my sweetie" sabay kiss ni Dad sa pisngi ko..

"Nothing Dad" pilit akong ngumiti sa kanya kahit ang totoo may sama ako ng loob sa kanya dahil pilit niya akong nilalayo sa prince ko..

"Clairr!"
Nabalik nalang ako sa realidad ng may sumigaw sa pangalan ko..
Si Tita pala.. Buti nalang at hindi niya naabutan si Light..

"Anong ginagawa mo jan?"
"nanunuod ng t.v" walang ganang sagot ko..
"Galit ka ba sakin?" tiningnan ko siya na para bang may mali sa kanya..
"Clairr-"
"Papasok na ako" sabi ko at pumasok sa bahay..
Nung napatingin ako sa celphone ko may text ako galing kay Light..

I love u po....
Huwag mo muna akong isipin ngayong gabi baka hindi na naman ako makatulog...

"Ang kapal talaga ng mukha"

Sino namang may sabing iniisip kita?
Pagkasend ko nun ay inopen ko muna ang account ko.. May message ako galing sa tatay ko..
Clairr.. Uuwi na ako jan kukunin na kita..
0.0
Ano daw?! Asa pa akong madadala niya ako!
Kung noon hindi ako sasama sa kanya dahil sa kadahilanang ayaw niya akong makasama.. Ngayon naman iba na ang rason ko. Ayokong malayo sa taong mahal ko.. Ayokong malayo sa mga taong mahal ako at pinapahalagahan ang presensya ko o sabihin nating mga kaibigan..
Ayokong malayo kay Light..

Light calling..
Tumatawag si Light..
Agad kong sinagot ang tawag niya..
"Light?"
"Anong ginagawa mo?" tanong niya...
"Wala bakit?"
"Wala naman"
"ahh" sabi ko..
"May problema ka ba?"
Meron Light.. Gusto ko ng makaalala..
"Wala"
"Meron.. Ano 'yun?"
Kilalang-kilala niya talaga ako..
"Si Dad.. Ansabi niya uuwi na siya at kukunin niya raw ako.."
"...."
Hindi na siya sumagot..
"Light?" tawag ko sa kanya pero wala pa rin akong naririnig sa kabilang linya..
"Sasama ka?" sa wakas nagsalita na rin siya..
"Hindi.. Bakit naman ako sasama andito ka naman.. Ayoko ng mag-isa Light.. Nakakapagod mag-isa yung pakiramdam na walang nagmamahal sayo ayoko ng maramdaman pa ulit yun" sabi ko..
"Pangako hindi ka na mag-iisa ulit.."
"Please huwag kang mangangako.. Gawin mo"
"Oo naman gagawin ko talaga yun.."
Naging panatag ang kalooban ko sa sinabi niya..
"Light mahal kita"
"Mas mahal kita Clairr.. Mahal na mahal kita"
"Sige na magpapahinga na ako.."
"Sige bye"
Pagkababa ko ng phone ko ay napatingin nalang ako sa bagong message ni Dad..

Stay away with gangsters Clairr Its an order..

May alam na ba siya?

Bakit mo ba dinidiktahan ang buhay ko?
Sinend ko yun sa kanya..

Because Im your father

Ang bilis naman niya magreply..

Talaga? Di ko ata naramdaman?!
Hinintay ko lang ang sagot niya..

Stop being so immature Xhienly Clairr! Im doing all of this for you!

Ano raw for me?! Bakit sinabi ko ba sa kanyang ikagaganda ng punyetang buhay ko ang paglayo niya sa nag-iisa niyang anak?! I need my father! Not his money!

I'm not being an immature! Sa tingin mo nararamdaman pa ba kita?! Alam ko namang sinisisi mo ako sa nangyari kay Mom! At hindi ko alam kong bakit ako ang sinisisi mo! Wala akong maalala!

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kusa nalang umaagos ang mga luha ko.. Nasasaktan ako kapag ganito kami ni Daddy because I miss my Dad so much! 

Kukunin kita and thats final! Sasama ka sa akin sa ayaw o gusto mo! Huwag mo akong susubukan Clairr hindi mo alam ang mga kaya kong gawin!

Ano bang gusto niya?! Mamatay ako sa lungkot?!

No! This is my life! You can't force me to do things that I don't wanna do!

Pagkasend ko nun ay agad kong pinatay ang laptop ko at agad kong pinagbabato ang unan ko..
"I hate you Dad! I hate you!"

Zalena's pov

"What?" pagtataray ko sa a.k.a fiancee ko raw..
Kanina pa ako nabebwesit sa lalaking 'to..
"Meron ka ba bakit ang sungit mo? Tinitingnan lang naman kita galit ka kaagad" sabi niya at hinithit kaagad ang sigarilyo niya..
"Gusto mo bang mamatay ng maaga? Ganyan ba kayong lahat pati si Dane at Lyle?"
"Lyle *smirk* paiba ka rin ah marinig ka ni boss na tinatawag mo siyang ganyan lagot ka"
"at bakit?! Masama bang tawagin siya sa pangalan niya huh Spark?!"
Ano naman ngayon kung sabihin kong Lyle?!
"Kinamumuhian niya ang pangalan niya kaya huwag mong babanggitin" sabi niya at hinila na ako patayo..
"wow ah ang gentleman" sarcastic kung sabi..
"Hindi ka naman babae kaya hindi na kailangan magpakagentleman"
"Wow ah! Nahiya ako sayo! Hindi pa ako babae sa sout ko?!" nakadress kasi ako galing kasi ako sa kanila at doon ako nagdinner kasi nga fiancee ko raw siya! Ewan ko ba sa mga magulang ko at bakit sa lalaking ito pa pinagkatiwala ang buhay ko!
"Mas maton ka pa nga sakin eh"
"Tse!" sabi ko at hinila ang kamay ko..
"uuwi na ako! Bwesit ka!"

Paalis na sana ako ng magvibrate ang phone ko..

Tita M calling..
Agad kong pinindot ang answer button..
"Hey tita M!"
"Zalena I need your help! Please pakipuntahan mo ako sa bahay!"
"W-why?! May nangyari ba?!"
"Si Clairr!"
0.0
Hindi ko na pinatapos si tita at agad kong hinarap si Spark..
"May nangyari kay Clairr! Call Light!" natatarantang sigaw ko..
"Tara na sa bahay nila!" sabi ni Spark at hinila ang kamay ko.. Tumakbo naman ako kahit sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa hawak niya sa kamay ko..
Kinikilig kasi ako!! Sheyttt!!!

Ano ba Zalena! Hindi ito ang panahon sa paglalandi!

Pagdating namin sa bahay ni tita ay agad kong binuksan ang pinto..
"Tita!" sigaw ko..
"Nasa taas ako Zalena!"
Tumakbo agad ako sa taas at nakita si titang kinakalampag ang kwarto ng pinsan ko..
"Clairr! Open the door please!"
*Boogsh!Blag! Tigshh!*
Andami kong naririnig na nahuhulog o itinatapon sa loob ng kwarto...
"Insan! Open the door!"
Pero wala naman akong ibang naririnig kundi mga kalabog!

What the hell happened?!

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon