23

479 17 0
                                    

Clairr's pov

"Tita" sabi ko at hinalikan siya..

"hey are you ok now?" tumango ako at umupo sa kaliwang upuan niya...

"si... Ano po.." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko...

"Si Light ba?"

Hindi ako sumagot...

"Nung hinatid ka niya kagabi natutulog ka na kaya diniretso ka na niya sa kwarto mo"

"ginising nalang niya sana ako... Baka magalit pa si Zalena sakin" sabi ko...

"sila na ba? Ambilis ah"

"Tita uuwi na daw si daddy two weeks from now" kitang-kita ko ang gulat ni tita..

"Oh my gash! Bakit hindi niya sinabi sakin!"

"Bakit tita?"

"w-wala naman! Dont mind me" napailing nalang ako...

"alis nako"

"sige bye!"

Pagdating ko sa campus ay lahat busy yung iba papunta sa court...

"anong meron?"

"basketball practice!" nagulat ako ng sumulpot si Mito na naka varsity Jacket..

"Hi! Manunuod po ba kayo?"

"wag na andami kong gagawin" ngumiti lang si Mito...

"sayang.. Janecha! Dito!" napatingin nalang ako kay Janecha na papunta sa'min..

"Bakit?" tanong nya kay Mito..

"nuod ka huh suportahan mo ko para ganahan naman ako maglaro"

"ayoko" napangisi nalang ako kay Mito

Basag eh!

"Magsama nga kayo mga masungit!"

Napatingin ako kay Mito...

"Hi ate Clairr!" sabi ni Sab ... Isa siya sa mga batang inaalagaan ko rito sa orphanage...
"Oh sab?" ngumiti naman sya at tumabi sakin...
"ate gwapo ba si kuya sungit?" piningot ko ang ilong nya..
"ambata mo pa ah!"
"Eh ate kasi bagay na bagay kayo eh!"
"si Prince bagay lang sa princess.."
"Ate para kang princess"
"hahaha ewan ko sayo..." napansin kong nakatingin sakin si Sungit kaya nginitian ko sya..
"ate may gusto sya sayo"
"hahaha wag ka nga magbiro!"
"totoo po.. Matagal ng volounter si Kuya rito pero ngayon ko pa sya nakitang ganyan.."
"alin masungit?"
"hindi po...paminsan-minsan ngumingiti"
"bakit ano ba sya noon?"
"noon kasi po laging nag-iinit ulo niya tas lagi siyang nakasimangot"
"may problema siguro sya"
"ako ba pinag-uusapan niyo?" sabay kami ni Sab na napaangat ng tingin...
"Hi prince sungit"
"tss"

"Clairr! Ayos kalang ba?!" napatingin ako kay Mito at Janecha...

"o-oo" sagot ko...

Naalala ko na naman yung Prince..

"papasok nako" sabi ko at iniwan na sila doon...

*-*

"finally" bulong ko ng makita ko na ang orphanage na hinahanap ko.

Pumasok ako at lahat ng nadadaanan kong tao napapatingin sakin...

"excuse me"sabi ko sa isang dalagita..

" Bakit po?"

"nandito ba si sister Marie?"

"Ah opo nasa opisina... Sasamahan ko na po kayo" tumango ako..

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon