Clairr's pov
*blaag!* napatingin ako sa bintana ng bigla itong kumalabog..
Tumayo ako at paunti-unting naglakad palapit doon..
Nagulat ako sa nakita pero agad siyang sumenyas na huwag akong maingay kaya tumango ako...
Tumayo siya at ngumiti sa akin...
May nagbato naman ng papel at pentelpen sa kanya.. nasa labas kasi siya nitong kwarto.. nasa terrace siya habang ako ay nasa loob lang.. dinikit ko ang kamay ko sa salamin na tanging hadlang sa aming dalawa ngayon..
Sinasabi ko na nga ba at hindi sila titigil mahanap lang ako..
mahal kita
yun ang ang nakasulat sa papel na hawak niya..
"Mahal na mahal din kita"sabi ko na walang lumalabas na boses sa akin..Dalawang araw mula ngayon kapag sinama ka niya sa Black Auction sumam ka sa kanya at doon kita babawiin sa kanya
Tumango ako sa sinulat niya...
Kasama kita sa labang ito lady.. Hindi kita iiwan kay huwag kang bibitaw sa akin..
Hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko at tinanguan ko siya..Kasama din natin sa labang ito ang CL mafia Associationat kumpleto na rin tayo ang darksouls..
Dinikit ko ang noo ko sa salamin at ganun rin ang ginawa niya...
"Mahal kita Light"sabi ko..
Sasagot pa sana siya ng biglang umingay ang pinto kaya agad namang tumalon si Light sa puno malait sa terrace ng kwarto..
Unti unti naman akong bumalik sa kama kung saan ako prenteng nakaupo.."Anong ginagawa mo mahal ko?"nakangiting sabi ni Ice..
Ang demonyong dahilan ng lahat ng ito!
Hindi ako sumagot at pinagmasdan lang ang flower vase na nasa tabi ko..
"Ice.. itigil mo na lahat ng to" tumawa naman siya na parang nababaliw.
"Tumigil?eh ikaw hanggang kailan ka ba titigil sa paghihintay na ililigtas ka niya?"umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga pisngi ko..
"Kalimutan mo na siya at sabihin mong akin ka lang .. Gagawin ko lahat Clairr kahit ano mahalin mo lang ako katulad ng pagmamahal mo sa Lyle Knight na yun.."
Kinuha ko ang mga kamay niya..
"Hindi ko kaya Ice.."sabi ko.. Nakita ko ang pagtigas ng panga niya at tumayo na siya..
"PAPATAYIN KO NALANG SIYA! NG HINDI NA KAYO MAGKITA KAHIT KAILAN!!"Sabi niya at padabog na sinara ang pinto...Hihintayin ko ang araw na magkakasama tayo ulit Prince ko...
Janecha's pov
"Zalena!"tawag ko sa kanya agad naman siyang yumakap sa akin ng makita niya ako...
"Bakit ka andito sa Hide Out?"takang tanong ko..
"Andyan ba si Spark?"tumango ako..
"Bawal ka rito"sabi ko..
"I need to talk to him!"sabi niya..sinenyasan ko si Clyde at tumango naman siya..
"Bawal kang pumasok sa loob ng walang pahintulot ni Master"paliwanag ko..
"Sana naging katulad niyo na lang ako.. How i wish I am a mafia or a gangster like you"sabi niya...
"Huwag mong pangarapin ang buhay ko Zalena hindi madaling mabuhay para lumaban..para ipaghiganti ang taong minahal mo"sabi ko.."Gusto kong maging kasing lakas at galing mo sa pakikipaglaban... Gusto kong maging kasing tapang ni Insan... Ayokong maging weak Janecha"sabi niya at umupo sa gutter nitong karsada..
"Hindi ka mahina Zalena... Kung mahina ka hindi mo makakayangd mabuhay ng ilang buwan rito ng ikaw lang mag-isa.. Kung mahina ka wala ka na sana ngayon matapos kang mabaril malapit sa puso"sabi ko..."I wanna stay beside him forever.. gusto kong lumaban na kasama siya.."ngumiti ako sa kanya..
"Umalis ka na kasama sila"bigang sabat ni Spark kasama si Dane..
"No..Spark-"
"Hindi kita kailangan rito.. Magiging pabigat ka lang kaya umalis ka na"nagulat ako sa sinabi ni Spark pero alam kong may dahilan siya kaya niya to ginagawa..
"Is that what you want? Fine.. I'm going! At hindi na ako babalik!"sigaw ni Zalena at umalis..
"tara na"sabi ni Spark at sumakay na sa motor niya..Nagkatinginan muna kami ni Dane bago sumunod sa kanya.."Kapag hindi na siya bumalik ako naman ang hahabol sa kanya pagkatapos ng lahat ng to"sabi ni Spark bago pinatakbo ang motor niya..
Clairr's pov
Bukas na..
Bukas na yung Black Auction na sinabi ni Light sa akin..
Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa araw na yan...Imposible kasing walang dumanak na dugo..
Paano si Light? Paano ang darksouls? Paano si Daddy?
Magiging ok lang kaya lahat pagkatapos ng mga mangyayari?Sana kaya kong ibalik lahat ng nangyari noon...
Si Daddy.. Kaya lang niya naman ako nilalayo kay Light noon dahil ayaw niyang maranasan ko ang magulong mundo na naranasan nila noon..
Pero si Light kasing dilim ng gabi ang buhay niya noon.. kahit kunting liwanag wala siyang makita..
Dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya at ang pagkabulag ng kapatid niya...
Nang mabou namin ang darksouls unti-unti na siyang nagbago.. Paminsan minsan tumatawa na siya kasama namin...
Pero nung araw na malaman namin ang tunay ng katauhan ni Vince nagsimulang magkagulo ang lahat..
Kinuha ng sapilitan si Vince ng ama niya at tinakot na papatayin kami kapag bumalik siya kaya kahit labag sa kalooban niya ay sumama siya sa ama niya..
Sana naman sa pagkakataong ito bumalik na siya sa Dark soul's...
"ANO?! ANONG PINAGSASABI MONG SUMALI NA SA GRUPO NILA SI VINCE?! Hindi maari yun! Takotin niyo! Patayin niyo si Yumi! Yung haponesa niyang girlfriend!" Nagwawala na naman siya.. napapangiti nalang na ako sa narinig..
"PEST*!!!"sigaw niya bago pumasok sa loob ng kwarto ko..
"Ano masaya na ba kayo huh?! Ang tanga talaga ng kapatid kong yun! Nakakabwesit! pinatay ko nalang dapat yun eh!"sigaw niya at hinithit ang yosing hawak niya...
"Ice masaya ka ba sa ginagawa mo? Masaya ka bang sobrang dami ka ng taong nasasaktan o napapatay?"matagal ko ng gustong itanong yan sa kanya.. Sana lang talaga nanatili na lang siyang si Ice na Student Council President yung bigla nalang sumusulpot kapag naguguluhan ako...
Pero yung Ice pala na yun ay isang huwad.. Isang maskara at kabaligtaran ng tunay niyang pagkatao...Sa likod ng maskrang yun ay ang Ice na walang kinatatakotan at puno ng poot at inggit..
Isang makasariling halimaw na puro kanyang sariling kaligayahan ang iniisip..."Oo naman! Nasisiyahan ako kapag naririnig ko ang pagmamakaawa nila na mabuhay... Nasisiyahan akong nakikita ang parang sapa ng dugo na galing sa katawan nila.."sabi niya na ngumisi na parang nasisirain ng bait.
"Bakit Ice? Bakit ayaw mo akong maging masaya sa piling niya?! Mahal na mahal ko siya Ice"
"Heh *smirk* wala tayo sa libro o kwento sa t.v na may magandang kataposan ang bawat kwento.. Nasa tunay tayong mundo kaya gumising kayo"sabi niya..
"Nasa totoong mundo o hindi man kami Ice.. Isa lang ang alam ko mahal ko siya.. Mahal ko si Light"sabi ko... Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at bigla niyang sinuntok ang dingding katabi ng pinto..
"Bakit ba sobrang hirap sa iyong mahalin ako huh?!"sigaw niya..
"Dahil si Light lang ang mahal ko"sabi ko bago siya lumabas at iniwan ako sa kwarto..Millena's pov
"Kuya"tawag ko sa kanya habang siya ay prente lang nakaupo sa swivel chair niya at sobrang lalim ng iniisip...
"Ano bang binabalak mo? Paano kung mapahamak ka lang sa gagawin mo? Alam mong matagal ng nagtanim sa inyo ni Lance si Darryl ng sama ng loob..."tumingin siya sa akin saka umiling.."Bakit niya pinagbabayad ang mga anak namin sa kasalanang siya naman talaga ang gumawa? Kulang pa ba ang mga buhay nina Liera? Ang buhay ni Lance at ni Elena?"
"Kuya... Halang ang kaluluwa ni Darryl!paano kong isunod ka niya! Paano kung patayin niya si Clairr! Si Light! Sobrang pasakit na ang ginagawa nila sa mga bata.. Sobrang dami ng nasasaktan at namamatay!"sabi ko..
Tumingin muna si kuya sa akin bago yumuko ulit..
"Isa lang ang naiisip kong katapusan ng lahat ng 'to" sabi niya..
"A-ano?!"
"May kailangang mamatay sa aming dalawa.."napatingin ako kay Kuya..Tama siya matatapos lang lahat ng to kung isa sa kanila ang mamamatay...
Pero hindi ako papayag na si Kuya yun!
Lalaban ako kahit buhay ko isusugal ko manalo lang kami sa labang ito!
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...