Janecha's pov"Clear"bulong ko sa mic na nasa may damit ko.
Kausap ko kasi ngayon ang mga kasamahan ko sa C.L mafia.
"Janecha, mahal kita mag-iingat ka ah pakakasalan pa kita"biglang sabat ni Dane.Napailing nalang ako habang napapangiti sa kanya.
Ito na ang laban na pinakahihintay naming lahat.
"Clyde huwag mong iiwan si Master"bulong ko."Ok Code"sagot niya sa kabilang linya.
Nasa taas ako ng puno at hinihintay
ko ang pagdating nila. Habang si Clyde at master naman ay nasa venue na at naghihintay sa pagdating ng Demon's.Si Dane at Spark naman ay nasa loob na at nakikipaghalubilo na sa mga bisita at naghihintay lang din ng pagkakataon. Si Light naman ay hindi pa dumarating.
Hindi naman sumama si Vince sa hindi malamang dahilan
"Code, parating na sila"sabi nung isang tauhan ko.
"Copy"sabi ko naman at agad tumalon sa may puno."Kasama ba nila si Lady?"
"Hindi"sabi niya.
"Shit!"di ko mapogilang sambit.Nasaan si Lady?!
Nagtago ako sa malaking puno at tiningnan ang papasok na si Velasco.
Wala nga si Lady dito.. Hindi nila sinama..
O hindi kaya."Shit!Dane mag-isip tayo ng bagong plano kasama sa i-auction ngayon si Miss Lady!"sabi ko at agad tumakbo pabalik sa sasakyan.
Paano na?!
Angela's pov
"Ngayon na ang Black Auction di ba?"tanong ko kay Red na nakaupo sa tabi ko..
"Wag ka mag-aalala andun naman si Vince at Light. Walang mangyayaring masama"sabi niya."Natatakot ako, Paano kung mapahamak sina Kuya? Si ate Clairr... Natatakot akong may mawawala Red"hinawakan niya naman ang kamay ko.
"Tinaguriang Gangster Prince ang Kuya mo tapos matatalo siya ay Ga*o edi sana ako nalang ang naging Gangster Prince"sabi niya."Red salamat ah kahit na galit na galit ang kapatid mo sa akin ay inalagaan mo pa rin ako."
"Labs kita eh"sabi niya.*blaag!*
Napabalikwas ako ng my biglang kumalabog.
"Red!"tawag ko.
"Bwesit"rinig kong sabi niya at agad akong pinatayo.
"San ka pupunta huh Red Mondragon?"
"Uyyy! long time no see ah! Mr.President"rinig kong sabi ni Red at naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya.
Mr.president?
"Di ba dapat umaanib ka sa akin ngayon at sabay nating pababagsakin ang Light na yun?"
"Nah sorry ah! sayang naman ang offer kaso mas mahal ko si Angel ko kaysa sa posisyon ni Liwanag"
Naramdaman ko na lang ang pag init ng pisngi ko sa sinabi ni Red.
Kahit biro niya lang ay ang laki pa rin ng epekto non sa akin.
"Haha! Nakakatawa ka Red. Oh well sabay nalang kayong mamatay!"sigaw niya at biglang may tumulak sa akin ng malakas kasabay ang malakas na putok."Red!!!"sigaw ko.
"O-ok lang ako"sabi niya.Umiling ako,alam kong natamaan siya dahil nararamdaman ko iyun.
"Red..."sabi ko at humagulgol ng iyak.
"Hey wag ka umiiyak na daplisan lang ako sa braso ok pa ako. Hindi mo pa nga ako sinasagot eh ngayon pa ba ako mamatay tsk"napangiti nalang ako at kinapa ang mukha niya.
"Buhay ka pa talaga ah Red"naramdaman ko ang pagtayo ni Red kaya tumayo rin ako.
"Wag mong sasaktan si Red di ba ako lang ang gusto mong isama?! Kunin mo nalang ang buhay ko huwag niyo lang siyang sasaktan!"sigaw ko.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ibigay ka sa kanya Angela!"
*bang!*
"Ahhh!"rinig kong daing ni Red."Red!"may bigla namang humila sa akin at sapilitan akong inakay.
"Angela!"
"Red.."sabi ko nalang at ng may nilagay sila na malambot na bagay sa may ilong ko ay bigla akong nanghina.Red's pov
"Bwesit!"
Paika ika akong naglakad palabas ng bahay ko ng makasalubong ko si Queenie.
"Oh my! Anong nangyari sayo Red?!"sigaw niya at agad akong nilapitan.
"Mamaya ka na makitsismis kailangan kong maibalik si Angela!"sigaw ko.
"Wait! Hayaan mo na ang babaeng yun! Gusto mo bang mamatay huh? Maghanap ka nalang ng iba.. yung nakikita ka-"napatigil siya ng nilapitan ko siya at tinitigan ng masama.
"Tumahimik ka kung ayaw mong kalimutan kong kapatid pala kita.. una sa lahat mahal ko si Angela... kaya wag kng umepal... pangalawa mahal ko siya at pangatlo mamahalin niya pa ako kaya hindi siya pwedeng mawala!"sabi ko at umangkas sa motor.
"No your not leaving!"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo huh?"
"Hindi ka aalis ng dumudugo ang mga sugat mo! Para saan pa ang pagpapakasuperhero mo kung hindi ka na aabot dun dahil naubusan ka na ng dugo?"napangisi ako sa sinabi niya kaya bumaba nalang ako sa motor at sinundan siya."Swerte ka pa at hindi ka tinuluyan ni Ice. Thank God at hindi ka niya binaril sa ulo" ngumisi ako..
"May utang kasi siya sa akin kaya hindi niya ginawa." umangat ang kilay ni Queenie at binalingan ako ng tingin...
"What?"
"Matagal na yun.."sabi ko at tiningnan ang sugat ko...
"Red"
bwesit talaga... Minsan na nga lang ako nagmahal papatayin pa ng iba.Ok lang kahit hindi nakikita ni Angela ang mukha ko pakialam ko naman basta ang alam ko ayokong mawala siya.
Handa akong idescribe sa kanya ang lahat ng bagay na hindi niya pa nakikita.
"You really love her? You even risk your own life to save her. My Gash brother! "ngumisi ako at tiningnan siya.
"Mahal ko eh"sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago umalis.Hintayin mo ako Angela.
Clairr's pov
"Diyan ka muna. Alam kong nagmamadali na silang makuha ka.. asa sila dahil hindi na kita ibibigay"sabi ni Ice at umalis.
"Ice!"sigaw ko pilit akong kumawala sa gapos ko pero sobrang higpit.Para akong isang prinsesang nasa tuktok ng mataas na tore.
Naghihintay sa pagdating ng prinsepeng magliligtas sa kanya.Pero ayokong iligtas niya ako sa pagkakataong ito.
Natatakot ako!
Na baka kapag iniligtas niya ako buhay niya ang malalagay sa peligro.Napayuko nalang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Pagod na pagod na ako.
Nanghihina na rin ako na pati pagtayo ay hirap na hirap na ako.
Pinikit ko ang mata ko.
Flashback..
"Akin ka lang di ba?"nabigla ako ng hawakan niya ang braso ko ng mhigpit.
"T-teka! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!"
"Ice"sagot niya at hinigpitan ang hawak sa braso ko iwinaksi ko ang kamay niya...
"Bitawan mo siya"napalingon ako at nakita si Light.Unti-unti niya namang binatawan ang kamay ko at nakipagtitigan kay Light."Dela Merced"sabi niya at ngumisi may kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong isa itong maliit na kutsilyo kaya bago niya pa maibato kay Light yun ay tinulak ko si Light dahilan para matumba kaming dalawa.
"Ayos ka lang?"tanong niya.
Nakita kong tumama ang patalim sa puno na kinatatayuan ni Light kani-kanina lang.Nakakatakot talaga ang lalaking ito...
bago pa man ako makatingin ulit sa lalaki ay nawala na siya.
Pinatayo naman ako ni Light kaya pinagpagan ko ang damit ko.
"Sino yun?"tanong niya.
"Ewan ko, pero siya yung pumatay sa pusa don sa Bahay Ampunan! Naalala mo yung kweninto ko sayo?"tumango naman si Light at pinaharap ako sa kanya."Ito ang tatandaan mo Lady huwag kang lalapit sa kanya.Mapapahamak ka lang"tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"Light, Please nagmamakaawa ako. Huwag mo na akong ipaglaban tama na. "
Biglang bumukas ang pinto at napatingin ako sa nakatayo doon.
"Sino ka?!"
BINABASA MO ANG
My Memories of the Gangster Prince
Teen FictionA story about a Girl who lost her memory about her first love who turns out to be the guy she hate the most. Who is also the ruler of the famous gang of thier school. And known as the Gangster Prince! Maalala pa kaya nya ang taong una niyang minahal...